"Dadalhin dapat namin si Elish sa bahay ni mommy kasi mas safe siya dun, pinasok kasi kami ng mga armadong lalaki sa bahay namin at sinira lahat ng gamit namin dun, habang kita sa CCTV na si Elish ang pakay nila samantalang kami naman ng asawa ko ang may hawak ng mga papeles para sa kaso"
Mahabang litanya ni Elaine kay Lorenzo habang nakahawak siya sa kamay ng kanyang asawa.//*Kriinggg!!!kring!!
May bigla namang tumawag sa cellphone na hawak ni Lorenzo dahilan para mabilis niya itong sagutin.
("Sir kinuha na po namin ang kotse nila para di sila matunton at may nakita kaming tracking device sa may likod ng kotse, kaya naman minabuti naming dalhin ang kotse sa malayo para di sila matunton, tapos kaya pala may butas ang gulong dahil may nakabaril, may nakasunod din siguro sa kanila dahil sa pagkakaalam ko walang preno ang kotse, apat na gulong ang flat, halatang may tumulong sa kanila")
Nakaloud speaker iyon at rinig na rinig nila.Napaluha naman si Elaine sa narinig kaya niyakap siya ng Asawa at pinakalma.
"Sige, manmanan niyo kung sino man ang makapasok sa lugar na to"
("Sige po")
//*Tot!
"L-orenzo tulongan mo kami please"
Aniya ni Marl habang nagmamakaawa kay Lorenzo."Si Elish ang punterya nila kasi alam nilang kahinaan namin iyon, gusto nilang ibigay namin ang mga papeles at huwag na ituloy ang kaso"
Dagdag naman ni Elaine.Napabuntong hininga naman si Lorenzo bago lumingon sa gawi ni Lorenz na busy sa paglalaro ng games sa cellphone, habang si Elish naman ay tulog sa isang malaking sofa malapit kay Lorenz.
"Ayokong madawit ang pangalan ko lalo na't pinoprotektahan ko rin si Lorenz, pero basi sa alam ko hindi lang basta papeles pakay nila kundi may ibang bagay pa"
Nangunot ang noo ng mag-asawa at hinihintay ang sunod na sasabihin ni Lorenzo.
"Alam ng lahat na number 1 kayo sa industriya, mayaman ang pamilya niyo. Gusto kayo nilang pabagsakin gamit ang perang hawak niyo at para makuha yun ang anak niyo ang gagamitin nila, dahil alam nilang mahal niyo ang nag-iisang anak niyo at pag-nagawa nila yun, dun kayo nila papiliting ibigay ang mga papeles para makuha ang bata at ibigay ang titulo na gusto nila"
Mahabang litanya ni Lorenzo.Napaiyak si Elaine at gusto niyang humagulgol pero pinipilit niyang walang boses na maririnig dahil baka magising ang kanilang Anak, hawak siya ng asawa at pinapatahan.
Si Lorenz naman ay napalingon sa gawi nila pero mabilis lang dahil pagkatapos nun ay tinuon niya ang kanyang paningin sa batang si Elish na natutulog.
"P-lease Lorenzo si Elish"
Pagmamakaawa ni Elaine."Tulongan mo kami"
Sambit pa ni Marl.Napahawak naman si Elaine sa kamay ni Lorenzo at biglang lumuhod sa hawak nito.
Nagulat naman ang Asawa niyang si Marl sa kanyang ginawa.
Pero hindi niya iyon inawat."Please...help us protektahan mo ang Anak namin"
Bigla namang naawa si Lorenz sa gawi na iyon.
Kaya bumulong siya."Nakakaawa ka, lumuhod pa talaga just for you"
"Sige, basta siguradohin niyo na hindi ako madadamay"
Sabi ni Lorenzo."Salamat!"
Sabay na sambit ng mag-asawa.Pinatayo naman ni Lorenzo si Elaine habang si Marl naman ay inakay ang Asawa palapit sa kinauupuan nila kanina.
"Dito na muna kayo hanggang gumabi, bukas na kayo umalis dahil dilikado sa labas"
Sabi pa ni Lorenzo"Salamat"
Pag-uulit ni Elaine."Lorenz!"
Tawag ni Lorenzo sa Anak niya.Tumayo naman si Lorenz para magtungo sa ama.
"May kondisyon ako"
Sabi pa ni Lorenzo sa harap ng mag-asawa."This is my son Lorenz"
Dagdag ni Lorenzo at pinaharap sa mag-asawa ang anak niyang si Lorenz na hindi alam kung ano ang ginagawa ng kanyang ama."To be your in laws"
Hindi na nagulat ang mag-asawa, bagama't hindi lang nila maintindihan kung bakit at wala din silang choice kaya tumango nalang silang dalawa.
"Daddy what are you doing??"
Tanong ni Lorenz dahil sa nagulat ito."To be fair, Lorenz"
Sagot ng Ama, naintindihan naman ng mag-asawa kung ano ang punto niya dahil sa gusto ni Lorenzo, dun lang nila naunawaan.Hindi ito kapalit sa pagtulong niya, ito ay kapalit pagmadawit ang pangalan nila, yun daw ang punto niya.
"Pag-nalaman nilang sangkot ako sa pagtago sa inyo dahil nagkikita tayo, kami naman ang pupunteryahin. So para maiwasan yun let show to all media ano ang koneksyon ng dalawang bata na we plan their future na magiging Isa sila, ibig sabihin pag-nalaman nilang nagkikita tayo wala silang ibang iisipin kundi naguusap tayo tungkol sa mga bata at hindi tungkol sa plano niyong magtago"
Mahabang litanya ni Lorenzo na sang-ayon naman ang mag-asawa.Pero sa isip ni Marl, dawit parin sila...kasi bakit niya Ia-announce sa publiko ang patungkol sa dalawa? At bakit sila nagplano, malamang question iyon sa mga madla.
"Bukas na bukas sabihin natin iyon sa media"
Sabi pa ni Lorenzo at tinignan ang anak niya."Isipin niyong isa itong pasasalamat sa pagtulong niyo din sa akin noon"
Dagdag pa nito.Tama, minsan na nilang natulongan si Lorenzo dahil sa isang kaso ng university na nakapangalan na ngayon kay Lorenz. Ito ang sikat na paaralan na University of Abielo's na ngayon ay Renz'O University na, may limang estudyante ang namatay diyan dahil sa suicide pero suicide nga ba? at hindi lang yun, bumaba din ang rate ng school dahil sa isang taon na wala silang top notchers. Kilala kasi ang school na Abielo ng mga matatalino at sa isang taon na iyon pumalpak sila dahil sa may mga taong hadlang sa pag-unlad ng school na iyon.
Ang mga stakeholders & investors ay nagvote para patalsikin at palitan ang bagong director ng school, pero sadyang matalino si Lorenzo to file a case para hanapin ang mga sangkot sa pagano na nangyari na siyang dahilan kung bakit inalis ang mga taksil na mang-gagawa o mga investors etc.
Malaking kaso din iyon, sikat kasi ang school sa taon na ito at dahil doon marami silang ka kompetinsya na siyang humahatak sa kanila pababa."But what if I don't want to??"
Biglang sulpot ni Lorenz sa usapan nila."I want to marry a girl that I love, not a girl for a purpose"
Dagdag ni Lorenz at nagbigay naman ng signal sa kanya si Lorenzo na kanyang ama na huwag siyang bastos."But you need to do it"
Sagot ni Lorenzo. At nagtitimpi."But I don't want"
Mabilis na sagot naman ni Lorenz."Lorenz wag mo kong artehan!!"
Sigaw ng daddy niya na ikinagulat naman niya kaya yumuko nalang siya.Ganon din naman ang mag-asawa.
Wakas ng kabanata 1
BINABASA MO ANG
The Title (Childhood)
Fanfic"Hi ako si Chin Elisha Maureen L. Sy, Ikaw ba sino ka? Ang pag-ibig ay may kapangyarihang akayin ka sa tamang lugar at tamang tao na makakapagpabago sa iyong buhay. Madali lang magmahal dahil natural mo itong nararamdaman. Mahalagang iwasan ang pagp...