Naiwan naman si Elish na nakatingin kay Lorenz.
"Anong tinitingin-tingin mo?? Alis!"
Sigaw din sa kanya ni Lorenz."Lorenz"
Pagtawag ni Fatima kay Lorenz.Bigla namang nalungkot si Elish at kitang kita sa mukha niya na parang naiiyak na siya.
Hindi niya alam pero gusto na niyang umuwi.
"Ok ka lang?"
Tanong ni Fatima kay Elish at talagang umiyak na si Elish sa mismong harap nila."Tsk!"
Supladong respond ni Lorenz at tinuloy ang pag babasket ball."G-usto ko nang umuwi kay daddy and mommy"
Aniya ni Elish."Tara join us"
Aniya ni Fatima at pina-upo si Elish sa tapat ng upuan ni Justine.Ngumiti siya kay Justine pero di siya pinansin at sumunod na ito kila Lorenz at Ace na naglalaro na.
Parang may tupak din itong si Elish ih, iiyak tapos ngi-ngiti.
"Nga pala si Gab Daniel M. Santillan yung tahimik samin lahat, suplado din yan minsan"
Pagpapakilala ni Fatima sa kaibigan niya, talagang binulong pa ang panghuli niyang sinabi para di marinig nung Isa."Ako si Elish----alam ko"
Pagputol na sagot ni Gab.Ngumiti nalang si Elish ng malawak.
"At yung lalaking naka kulay blue na t-shirt siya si Justine Tong. Tahimik din yan pero mabait yan"
Dagdag ni Fatima.Ngumiti naman si Elish kay Justine ng lumingon ito sa gawi niya pero nagulat siya ng di siya pinansin at inirapan pa.
"Mabait ba talaga siya?"
Tanong ni Elish dahil parang may mali.Tumango-tango naman si Fatima sa kaniya.
"At si Ace J. Luca naman yung lalaking naka white, madaldal siya at kala mo naman minsan di nakakasakit ang mga sinasabi niya"
Napahinto naman si Ace ng marinig ang sinabi ng Fatima at binantaan ito.
"At ako si Fatima Jenaia A. Baltazar"
Proud na aniya ni Fatima na may malaking ngiti sa labi."Anak ako ng isang Abogada at wala na akong daddy..nag-iisang anak ako ni mommy kaya lahat ng gusto ko ay nakukuha ko"
Litanya ni Fatima."Except kay Jonathan"
Sulpot ni Ace.Nainis naman si Fatima dahil doon.
_____
"I need to go back to the Philippines"
Aniya."Bawal Mrs. Tesha alam mo naman na may contract ka dito sa America"
Banta ng kanyang manager.Isang sikat na modelo si Tesha at may contract siya sa Amerika dahil sa angking galing niya sa pag-rampa.
Sikat din siya dahil sa karisma niya na kahit may edad na at may isang anak kilala parin siya sa pagiging maganda at dyosa ng pilipinas.
Wala pa ni isa ang nakatalo sa kanya sa ranking ng mga modelo sa pilipinas dahil hanggat naroon siya hindi siya matatalo.
Mayaman din ang pinagmulan niya, anak siya ng dating presidente ng pilipinas na ngayon ay pumanaw na, pero sunod sa yapak ng Daddy niya ang kanyang Mommy na isang senador.
Nag-iisang anak si Tesha kaya nga spoiled brat siya kung tawagin ng iba dahil sa noong bata pa ito kahit anong gawin niya ay nakukuha niya, kahit nga hindi kanya."Pero I need to! Walang kasama si Tezo!"
Sigaw niya at parang naiinis na."Sige umuwi ka, tingnan natin kung may titulong the super model kapa"
Banta ng manager niya sabay alis.Napasigaw naman sa inis si Tesha at tinapon ang mga bagay na nakikita at nahahawakan niya.
___
Sa kabilang linya naman.
"I'm fine mommy"
Aniya ni Tezo habang naka kumo ang kamaong nakatingin sa labas kung saan naglalaro sila Lorenz.("Malapit na ito baby")
Aniya ni Trisha sa kabilang linya.Hindi na nag response si Tezo dahil pinatay niya ang call at umalis sa kinauupuan niya papunta sa kwarto niya.
Walang pasabi niyang sinara ng malakas ang pinto at rinig ni Manang Stella iyon, at ng makapasok si Tezo sa kwarto niya tinapon niya ang mga bagay na nahahawakan niya."Ahhhh!!! I hate you Lorenz!!"
Sigaw niya at sinira ang lahat."I hate you!"
"I hate you!! Mamatay ka na!!!!"
Sigaw niya at sinira ang unan.//Knock! Knock!
Bigla namang may kumatok kaya napatigil siya.
"Sir Tezo ok ka lang?"
Tanong ng isang katulong nila mula sa labas.____
"Elish halika"
Pagtawag ni Fatima kay Elish, at inimbita ito sa laro."Mamaya na yan mga bata, luto na!"
Sigaw naman ni manang dala-dala ang isang tray ng pagkain.
Napangiti naman sila at Dali-daling lumapit doon."Wow spaghetti!!"
Masiglang sigaw ni Ace at umupo na sa pwesto niya.Kasunod naman ni manang ang ibang katulong na may kaniya-kaniya ding dala.
"Oh asan si Tezo?"
Tanong ni manang at hinanap ng mata niya si Tezo."Stop asking sa wala"
Supladong sulpot ni Lorenz at umupo din sa pwesto niya."Teka tawagin ko"
Aniya naman ni Elish at tumayo pero di pa siya nakaalis ng hawakan ni Fatima ang kamay niya.
Umiling-iling si Fatima na parang nagsasabing huwag.
Kaya naman bumalik siya sa pagkaka-upo.
Tumingin naman si manang Stella sa mata ni Elish at parang nangungusap ito.Naawa naman si Elish kay Tezo dahil doon, at tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan ni Lorenz.
"What?"
Tanong ni Justine sa kanya ng huminto ang kanyang mga mata kay Justine.
Umiling lang si Elish at kumain na ng malagyan na ng spaghetti ang plato niya."Wow Manang you're still the best!!"
Sigaw ni Ace at may pasayaw-sayaw pa."Huwag ka ngang sumayaw!"
Reklamo ni Justine dahilan para mahinto si Ace."Nga pala kilala niyo si Serine?"
Nagulat si Elish sa tanong ni Fatima, at napangiti at the same time may kilala din kasi siyang Sirene ang pangalan.
"That bitch!"
Iritabling aniya ni Fatima at ginulo ang spaghetti na nasa plato niya.
Nabigla naman dun si Elish dahil sa badwords na lumabas sa labi ni Fatima.Napatingin naman sa kay Fatima si Ace at Justine, habang si Elish ay curious at saka gulat na gulat sa asal ni Fatima.
"Akalain mo gusto niya akong patumbahin iniyakan niya ang Daddy at Mommy niya dahil sa gusto niyang maging si Giselle!!"
Litanya ni Fatima at tumingin kay Elish."Serine?"
Wakas ng Kabanata 12
BINABASA MO ANG
The Title (Childhood)
Fanfiction"Hi ako si Chin Elisha Maureen L. Sy, Ikaw ba sino ka? Ang pag-ibig ay may kapangyarihang akayin ka sa tamang lugar at tamang tao na makakapagpabago sa iyong buhay. Madali lang magmahal dahil natural mo itong nararamdaman. Mahalagang iwasan ang pagp...