"Anak, what do you want pagmalaki ka na?"
Tanong ng isang Ina sa Anak niyang nakaupo sa back seat habang busy ito sa tinitingnan niya mula sa labas."Ano po?"
Tanong ng Anak niya sabay ngiti sa kanya."Sabi ni Mommy ano gusto mo pagmalaki ka na?"
Pag-uulit ng Ina.Napatingala naman sa taas ang Anak sa pag-iisip bago sagotin ang tanong ng Ina.
"I want to be a lawyer like you Mommy and Daddy, I want to help innocent and victim people to be clear the mistakes they never did"
Sagot nito.Napangiti naman ang Ina at napahawak sa braso ng kanyang Asawa na busy sa pagda-drive, nagulat kasi ito sa sagot ng Anak.
Talaga namang matalino si Elish, hindi din mawari ang angking ganda niyang dala na mixed sa mukha galing sa Ina at Ama. Tatanda siyang maganda.
"Good Elish my baby"
Sabi ng Daddy niya, napangiti naman siya at tinuloy na ang ginagawa niya kanina kung saan tuwang-tuwa siya sa kanyang tinitignan mula sa labasSwerte talaga ng mag-asawang Sy dahil biniyaan sila ng isang magandang batang tulad ni Elish.
Hindi lang maganda, matalino pa, plus mo pa ang kabutihang loob na meron siya.
____"Lorenz come to me!"
Sigaw ng isang lalaki sa Anak niyang bad mood, hindi kasi ito nakasama sa kanyang mga kaibigan sa kanilang training sa basketball dahil sa isinama siya ng Ama sa kanilang rest house."Huwag mo kong artehan"
Napairap ito at bumusangot.
Dahil sa sinabi ng kaniyang Daddy.Kahit anong gawin ni Lorenz wala siyang laban sa Ama niya, walang laban ang pagiging suplado niya kung mas-suplado ang Daddy niya, pero kahit ganyan si Lorenz malaki ang takot niyang mawala ang Daddy niya dahil sa wala na siyang Mommy, bata pa kasi tinakbuhan na siya.
Pero kahit ganon may Step Mother naman siya na si Tesha at half brother na si Tezo, malalim nga lang na kwento ang meron sa pamilya nila at di ito ang tamang panahon para ikwento kung ano.Kaya niyaya si Lorenz dahil sa laging busy ang Daddy nito sa trabaho at madalang lang silang magkita dahil sa nasa paaralan ang Anak at lagi naman nasa trabaho ang Ama, lalo na sa kahit anong business trip.
"Daddy bakit kasi tayo nandito? wala namang espesyal sa araw na ito"
Tanong ni Lorenz.Ang rest house nila sa Laguna ay walang sino man ang nakakaalam bukod sa kanilang dalawa, lagi silang pumupunta dyan pag may mga okasyon o importanteng bagay at di alam ni Lorenz kung anong meron sa araw na ito kung bakit dinala siya ng Ama.
6:00 AM palang ng umaga at may basketball training sila Lorenz sa Renz'O University at kaya siya ganyan dahil sa ayaw niya talagang may absent siya sa kahit anong basketball training, ganon niya kasi kagusto at kamahal ang humawak ng bola.
"Honey pano na yan? Sobrang flat ng gulong"
Habang busy sa pagtatayo ng tent ang Ama malapit sa dagat may bigla siyang narinig, nagbubulongan, dahilan para bitawan niya ang kanyang ginagawa at nagtungo kung saan man nang-galing ang ingay na iyon.
"Mommy may naririnig ba kayong huni dagat?"
"Daddy!"
Tawag ni Lorenz sa Daddy niyang nagmamasid sa labas.
Sumenyas naman ang Ama na manahimik, kaya naman mas-lalong na curious ang bata sa ginagawa ng Ama.
Ang dagat na ito ay hindi masyadong makikita sa labas pag hindi hinawi ang mga sanga ng puno na siyang dahilan para hindi ito makita.
"Tama honey may dagat dito, ibig sabihin baka may mga bahay din dito o tao, pwede tayo humingi ng tulong"
"Lorenz magtago ka"
Bulong na pagkasabi ng Daddy ni Lorenz habang nakatago sa isang malaking puno."Hindi natin alam baka stalker sila natin at kung ano pang gawin sayo"
Dagdag niyang bulong sa Anak dahilan para magtago din ito.May bigla namang humawi sa mga sanga at may biglang pumasok.
Napabuntong hininga naman si Lorenz dahilan para mapalingon sa kanya ang Ama.
Akay ng isang batang babae ang kanyang Ina.
"Look mommy may tent ibig sabihin may tao"
Sabi pa ng batang babae habang nakaturo siya doon."Honey!!! Come over here!"
Sigaw ng isang Ina sa Asawa niya sa labas.Bigla namang sumunod ang Asawa ng babae sa sinabi niya at nagtungo din sa kinaroroonan nila.
"Sino kaya ang may ari nito? Baka pwede tayo humingi ng tulong"
Sabi pa ng Ina.Lumapit naman ang batang babae sa tent na iyon at may nakita siyang gadget, nakakalat din doon ang ibang gamit. Pupulutin niya sana iyon ng may biglang.
"Subokan mong galawin yan.."
Biglang huni o click ng baril na nakatutok na sa batang iyon.
"Elish!"
Sabay na sigaw ng Daddy at Mommy ni Elish na ngayon ay nag-aalala. Si Elish naman ay inosente lang nakatingin sa baril.
Gulat na gulat naman si Lorenz sa pagiging alerto ng Ama niya at nung mapalingon si Lorenzo sa gawi ng mag-asawa nagulat siya at biglang binitawan ang baril na hawak niya.
"Lorenzo"
Tawag ng Daddy ni Elish nang makilala niya kung sino iyon."Marl"
Bigkas ng labi na tinatawag na Lorenzo, kahit siya ay nagulat sa ginawa niya."Lorenzo buti at nandito ka"
Bigla namang aniya ng Ina ni Elish saka lumapit kay Lorenzo, bigla namang napahawak sa kamay ng Ama si Lorenz, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagiging gulat na gulat sa Ama nito."Sorry Elaine di ko sinasadyang tutukan ng baril ang Anak mo"
Sabi pa ni Lorenzo.Bigla namang napalingon si Lorenz sa gawi ni Elish na akay ng kanyang amang si Marl.
"Na stranded kami biglang naflat ang gulong, pagkatapos dito pa talaga sa gitna ng kagubatan na to"
Bigla namang pag-explain ni Elaine.Bumuntong hininga naman si Marl.
"Natakot ba kita?"
Tanong ni Lorenzo kay Elish at pinantayan ang bata.
Umiling-iling naman si Elish at tumingin kay Lorenz.Napatingin naman sa paligid si Lorenzo bago sumenyas sa mag-inang sumunod.
Mula sa kinakatayuan nila may nakita silang isang malaking bahay.
"Bakit kayo na stranded?"
Tanong ni Lorenzo bigla namang nagbigay ng signal si Elaine dahil sa may mga bata silang kasama.Kaya itinikom nila ang kanilang bibig bago makarating sa malaking bahay na iyon.
"Ito ang rest house namin ni Lorenz, we celebrate this evening na magkasama kami dahil sa lagi akong busy at nawawalan ako ng time sa Anak ko"
Napangiti si Elaine dahil doon."Pwede ba don't touch me!"
May bigla namang sumigaw dahilan para lumingon sila doon.
Wakas ng Simula...
BINABASA MO ANG
The Title (Childhood)
Fanfikce"Hi ako si Chin Elisha Maureen L. Sy, Ikaw ba sino ka? Ang pag-ibig ay may kapangyarihang akayin ka sa tamang lugar at tamang tao na makakapagpabago sa iyong buhay. Madali lang magmahal dahil natural mo itong nararamdaman. Mahalagang iwasan ang pagp...