Kabanata 7

3 1 0
                                    

Sa paglabas mo sa kusina sa gilid ng hagdag sa baba may makikita kang nakatagong pintuan.
Yun ang mga maids bedroom.

Pagpumunta ka naman pataas una mong makikita ay another mini sala.

May malaking glass wall ito na kung saan paghinawi mo ang kurtina makikita mo ang magandang tanawin sa likod ng bahay nila.
Merong malaking pool at mini pool na sa gilid nito sa may kaliwa ay may garden at sa kanan naman ay basket ball court.

Maraming kwarto sa taas, kaliwa't kanan. Sa kaliwa Isa sa dating mag-asawang Abielo na Lolo at Lola nila Lorenz na sa ngayon ay hindi na tinutuloyan dahil madalang nalang pumunta ang Ina ni Lorenzo dahil palagi itong nagbabakasyon sa Baguio at ang Asawa naman nito ay dati ng patay.

Kasunod ng kwarto nila ang kwarto nila Lorenzo na o kay lapad dahil may roong sariling office at malaking room para sa damit, sapatos, bag at iba pa ng kanyang Asawa pero magkaiba iyon ng pinaglagayang kwarto, hindi pa dala sa bilang ang Cr na meron sila.

Kasunod ng kwarto ng mag-asawa ay ang kwarto ni Tezo at kaharap na kwarto nito ang kwarto ni Lorenz na ang katabi naman ng kwarto ni Lorenz ay ang kwarto ni Elish.

Sa kanan naman ay may another 5 room for guests na hindi naman masyadong ginagamit.

Pero hindi lang iyon meron pang may daan sa kaliwang bahagi papuntang terasa at merong nakatagong hagdan sa kanan papuntang rooftop.

At kung babalik tayo sa baba merong laundry room ang mga abielo kung saan doon nilalabhan ang lahat na gamit nila at may mga kwartong hindi na pwedeng banggitin pa.

____

"Taposin niyo na yan at ako na ang tatawag sa mga bata"
Aniya ni manang Stella sa dalawang katulong na tumulong sa kanya.

Yumuko ang mga ito sign of order na susunduin nila ang sinabi ni manang.
Umalis naman si manang ng dining area patungo sa taas kung saan ang mga kwarto ng mga bata.

Bigla namang bumukas ang malaking pinto sa main door dahilan para mapalingon doon si manang Stella at walang iba kundi si Lorenzo lamang.
Kaya yumuko lamang si manang Stella Kay Lorenzo ng makita siya nito at nagpatuloy na sa paglakad sa mahabang hagdan.

At ng makarating siya sa taas ang unang kwartong kakatokin niya ay ang kwarto ni Tezo.
Pero di pa siya nakakatok ng biglang bumukas na ito at bumungad si Tezo na bagong ligo.

Ngumiti si manang kaya nginitian din siya ni Tezo at na una nang bumaba si Tezo sa kanya.

Pagkatapos nun nagtungo naman siya sa kwarto ni Lorenz at sinimulan ang katok.

Sa kanilang dalawang magkapatid si Lorenz ang mahirap gisingin.
Dahil minsan masmahirap gisingin ang gising na kumpara sa tulog pa.

Knock! Knock! Knock!

Tatlong katok ni manang.

"Lorenz kakain na!"
Sigaw niya pero walang sumasagot sa kanya.

Kaya minabuti niyang unahin na muna si Elish saka na si Lorenz.

Pero hindi pa man siya nakatapak sa harap ng pinto ni Elish ng bumungad ito.

"Good morning Manang"
Galak na aniya ni Elish at bagong ligo din ito.
Suot nita ay ang kulay pulang dress pares ang mga little cute two ribbons na nasa kanyang buhok at masasabi mong magandang bata siya. Naka all red ito kung saan lalo siyang pumuti sa sistemang iyon.
At Isa pa maganda ang pagkastylle niya.

"Ang ganda mo hija at good morning din"
Bati din sa kaniya ni manang.

Lumapit naman si Elish sa kanyang kamay.

"Mauna ka na dun tatawagin ko pa ang Isa ko pang alaga"
Aniya ni manang pero nakangiting umiling si Elish.

"Gusto ko po sumama sayo, sabay na po tayo"
Sabi pa ni Elish kaya naman napangiti lang si manang dahil doon.

"Lorenz!"
Malambing na sigaw ni manang at wala paring may sumasagot.
Pero sa totoo lang gising naman talaga si Lorenz sa loob.

Naglalaro ito ng chess mag-isa at ayaw niyang magpa-istorbo.

"Lorenz kakain na!"
Sigaw pa ni manang at napairap lang si Lorenz sa loob at di parin nakinig.

"Napakahirap talagang gisingin ang batang to"
Aniya ni manang kay Elish.

Pipihitin sana ni Elish ang pintuan ng pigilan siya ni Manang.

"Kahit bukas bawal buksan, rules yan dito sa bahay"
Aniya ni manang kaya naman napatago si Elish ng kanyang kamay sa likod niya.

"Lorenz!"
Tawag ulit ni manang at sa may hagdan palapit na si Lorenzo.

Kaya yumuko si manang dahil doon ng makalapit siya.

"Bakit ang tagal?"
Tanong ni Lorenzo at bigla namang napatayo ng matuwid si manang.

"Napuyat siguro ang bata sa byahe niyo"
Rason ni manang.

"Puyat?? Nakatulog siya sa byahe pano siya napuyat"
Mabilis na sagot ni Lorenzo at siya na mismo ang kumatok.

Knock!knock!

Dalawang katok lamang iyon pero parang masisira na ang pintuan.

At nahalata ni Lorenz sa loob na ang daddy na niya ito kaya dalidali niyang niligpit ang ginamit niya sa laro at ginulo ang buhok.

Umakto naman itong bagong gising at binuksan ang pinto.

"Huwag kang umakto, nagawa ko na yan dati"
Diing aniya ni Lorenzo at napaayos naman siya ng tayo si Lorenz.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo ng hintayin pang mahimatay si manang Stella sa pagtawag sayo!"
Sigaw niya kaya naman napayuko si lorenz.

"At Isa pa! 7am na! Breakfast time Lorenz! Wala ka bang body clock!?"
Tanong ng daddy niya at hinawakan siya sa braso at walang pasabing kinaladkad pababa ang bata.

Naiwan pa niya ang isang pares ng kanyang tsenilas. Kaya naman si Elish ang nakapulot nun.
Naawa naman si Elish sa kanya dahil sa lagi itong pinapagalitan ng daddy niya.

"Lagi ba siyang pinapagalitan?"
Tanong ni Elish kay manang sa mahinang tuno.

"Hindi masama ang laging pagalitan, Malaki kasi ang expectations ng daddy niya sa kanya kaya tinuturoan at dinidisiplina siya ng mabuti para di maging talunan, pero alam mo mahal na mahal siya ng daddy niya"
Mahabang litanya ni manang Stella habang pababa sila ng hagdan.

"Look your Kuya Tezo! He knows kung ano ang mga routine sa bahay nato, bakit di ka maging tulad niya?!"
Sigaw ni Lorenzo sa pagmumukha ni Lorenz.

Napatingin naman si Lorenz kay Tezo ng isang masamang titig.

"Lorenzo huwag ka namang sumigaw sa hapagkainan"
Sulpot nila Manang.

Nilagay naman ni Elish ang tsenilas ni Lorenz sa baba kung saan nakaupo si Lorenz.

Wakas ng kabanata 7

The Title (Childhood)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon