Kabanata 6

4 0 0
                                    

"Manang Stella ito po ang mga gamit na pinabili sa amin ni Sir para po daw kay Elish at ang laman ng box na ito ay mga laruan daw"
Bungad ng lalaki na siyang Butler John nila Lorenzo at Lorenz.

"Sige ilagay mo nalang diyan"
Ngiting sagot naman ni manang sa sinabi ng Butler.

At ng matapos na niyang ilagay sa loob ang mga gamit kasama ng mga kasamahan niyang mga lalaki ay nagpaalam na ito paalis.

"Aalis na ho kami"
Sabi nito sabay yuko at umalis.

"Sige mag-ingat ka"
Aniya naman ni Manang.

At ng mawala na ito sa kanilang paningin sinimulan na ni manang ayusin ang mga gamit ni Elish.

Pero inuna niya ang kama para naman makatulog na ang bata, dahil sa halatang puyat ito.

"Hija gusto mo bang matulog?"
Tanong ni manang Stella kay Elish pero umiling lamang si Elish at tinulongan siya nito sa kanyang ginagawa.

"Manang ano nga pangalan mo?"
Biglang tanong ni Elish at ngumiti naman si manang Stella.

"Ako si Manang Stella 24 years na akong nagtatrabaho dito at 55 years old na ako"
Sagot ni manang sa tanong ni Elish habang pinapalitan ang mga punda ng unan.

"Where's your family?"
Dagdag na tanong ni Elish. At sa tanong na iyon ang ngiti sa labi kanina ni manang ay biglang nawala pero sa halip na ipakita sa bata ang malungkot niyang mukha pinalitan niya ito ng pilit na ngiti.

"Sorry for that question, maybe it's too personal matter"
Sabi pa ni Elish na nagbigay ng consideration sa isang tao at kinuha na ang mga teddy bear at siya na mismo ang nag-isip kung saan ito ilalagay o ide-decorate.

"Hindi hija ok lang, wala na akong pamilya namatay ang Nanay at Tatay ko matagal na, tapos nag-iisang anak lang ako kaya nung mamatay ang mga magulang ko naghanap ako ng trabaho at itong klaseng trabaho ang nahanap ko"
Napatango-tango naman si Elish dahil dun at napangiti siya.

Pero dalawa silang napatahimik ng may marinig silang kalabog galing sa kabilang kwarto.

Agad namang kinabahan si Elish dahil dun at si Manang naman ay walang pasabing tinungo ang kabilang kwarto.

Sumunod naman sa kanya si Elish.

"Nasan na iyon!!!!!"
Rinig nilang sigaw pagkabukas ng pinto.

"Tezo ano ang nangyayari?"
Tanong ni manang at nilapitan ito at pilit inaalis ang mga kamay niya sa damit ni Lorenz, habang si Lorenz naman ay walang emosyong tinignan ang kuya niya.

"Tezo"
Mahinahong pagtawag ni Manang kay Tezo, pero si Tezo ay atat na atat saktan si Lorenz.

At ng matauhan naman si Tezo bigla niya itong binitawan.

"Ibigay mo sakin yun kung ayaw mong si Mommy pa ang kukuha nun sayo"
Diing aniya ni Tezo at tinalikuran si Lorenz at napahinto naman si Tezo ng makita si Elish na nasa pintuan.
Pero mabilis lamang iyon dahil sa nilampasan na niya ang batang babae.

Nagpalinga-linga si manang sa buong paligid at nakita niyang nagkalat ang mga libro ni Lorenz.

"Lorenz ok ka lang?"
Tanong ni manang at tinignan ang kung may mga galos o pasa si Lorenz.

"Bakit ka nandito!?"

Pero sa halip na maging mabait si Lorenz biglang umukit na sa kanyang mukha ang ekspresyon na dapat sa kuya niya.

"Huwag ka dito sa kwarto ko"
Diing aniya ni Lorenz habang nakatingin kay Elish at dinuduro ito.

"Lorenz si Elish yan, babae siya"
Sabi ni manang at pilit pinapagaan ang daramang naramdaman ni lorenz sa ngayon.

"Ayoko na nandito siya!"
Sigaw niya at tumayo saka nilapitan si Elish.

"Akala mo magiging masaya ka dito?? Hindi!"
Sigaw niya sa pagmumukha ni Elish saka tumakbo palayo.

"Lorenz!!"
Sigaw pa ni Manang Stella at hahabolin sana siya pero masyado siyang mabilis.
Kaya sa halip na sundan si Lorenz binalikan niya si Elish at tinanong kung ok lang ba ito.

"Bakit ganon siya?"
Tanong naman ni Elish.

"Hayaan mo na hija pero mabait siya, ganyan lang siya kasi di ka pa niya kilala"
Pag-explain naman ni Manang at inakay si Elish pabalik sa kwarto nito.

_____

Sa kabilang linya naman sa news station biglang nagkagulo dahil sa isang email na natanggap ng isang journalist.

"Guys may nag-email sakin magandang ibalita to!"
Sigaw ng isang lalaki kaya lumapit naman ang ibang katrabaho niya sa kanya.

"May nag-padala satin na mga papeles para I news"
May bigla namang sumulpot na babae daladala ang tangkas na papeles halatang pinagplanohan.
Nakangiti naman ang babaeng nakaupo sa sofa. At ng makita niyang busy na ang lahat, at ginagawa na ang dapat nilang trabahohin umalis na ito na may ngiti sa labi.

Kalat na din sa buong kumpanya na ito kung ano ang ibabalita.

___

"Wow!!!"
Sigaw ni Elish sa tuwa ng matapos na nilang ligpitin at ayusin ang kanyang kwarto.

Puno ng mga stuff toys ang kwarto niya at masasabi mong maganda ito. Vintage ang style nito pero stuff toys ang mga furniture.
Kahit na yung mahabang sofa may stuff toys at ang disenyo nito ay parang teddy bear. Halata sa mga furniture ang kamahalan ng gamit dahil sa style at sa materials.

"Matulog ka na gigisingin kita mga 7"
Sabi ni manang at tumango naman si Elish dahil dun.

5am palang naman ng umaga at may dalawang oras pa siya para matulog.

Nga pala hindi lang bahay ang tawag sa tahanan ng mga abielo dahil sa sobrang laki.
Ito ay isang mansyon kung saan sila lang ang nakatayo sa villa.
Malaki ang hectare ng lupa nila at medyo malayo ang gate sa bahay nila.

Sa pagpasok mo sa mansyon ng mga Abielo una mong mapapansin ang malaking fountain na nakatayo sa gitna.
Meron silang parking lot kung saan nasa gilid ito na may iba't ibang sasakyan ang nakaparada.
Ang main door ay kasing laki ng 10ft merong hagdan papasok.
At sa pagpasok mo sa main door una mong makikita ay ang malapad na sala at mapapansin mo rin ang makintab na chandelier.
Meron ding nakatayong malaking wall clock na parang nakakatakot pakinggan sa gabi na nasa gilid ito ng sala.

Malapad ang espasyo ng unang pasok may malaking hagdan sa gitna at ang glass door nito sa gilid ay hapagkain.

Pagpumasok ka sa hapagkainan wala kang ibang makikita bukod sa malaking mesa at maraming upuan.

May pinto ito sa gilid at yun ang kitchen kung saan nagluluto ang mga katulong.

Wakas ng Kabanata 6

The Title (Childhood)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon