CHAPTER 13
-FIRST DAY OF SCHOOLKahit na ilang araw pa lamang na nag-umpisa ang klase, I took the risk to transfer into a far away school. My brother helped me on changing my background, erasing the past identity and create a new one. But didn't really Change my first name, I will just be using my mother's maiden surname this time.
Dainty Kahel Valejera, will be turning 19 in two months. Senior highschool student.
I started my day here as an E-Class student. Which means, I'm one of those lowest of the low section in this school. Sa tingin ko nga ay sobra naman yata itong sitwasyon ko. From former school president to a member of delinquent class. But, it doesn't matter anymore. I can just raise my rank whenever I want.
"Sigh..." Magtatanghali na ay wala man lamang pumasok na kahit isang teacher. Hindi nga nagbilin ng gagawin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kaya hindi ko alam na 'di pala talaga pinagtutuonan ng school ang mga nasa lowest class. This somehow sucks.
"Hey!"
"Hum?" Napatingala ako sa babaeng tumayo sa tabi ko sabay hampas ng kamay sa aking desk. May tattoo ito sa kanyang leeg.
"May pera ka dyan?" Biglajg aniya sabay lahad ng kamay.
"Wala---*bum!!"
Sa isang kisap mata ay nakadiin na sa desk ang aking mukha, habang ang kamay ng babaeng ito ay mahigpit ng nakahawak sa aking buhok. Fuck...haaa...
"Tayo!---Hum?!" Natigilan ito nang imbis na mapatayo ako ay ang wig na aking suot ang kanyang nahablot.
"Haaa..." I was still thinking what kind of identity I want to create this time. I guessed I can't be a perfect role model, huh.
Humawak ako sa aking desk, at sa aking pagtayo ay nakagawa iyon ng ingay ng pag-atras ng aking upuan. May bahid ng pulang likido akong nakikita sa aking desk. Haaa...she just hurt my face...
"Urgh!" Mariing daing nang babae habang nakasobsob na Ang kanyang mukha sa aking desk.
"Bitawan mo ako! Potangina---Urgh!" Hindi niya naituloy ang pagsasalita nang muli ko na namang inihampas ang kanyang ulo sa desk. Sa bawat sandaling nais nitong makawala ay siya rin ang dami ng sandaling marahas na tumama ang kanyang mukha sa aking desk hanggang sa mawalan na ito ng malay at bumagsak na lamang sa sahig, habang ang desk ko naman ay nabahiran na ng dugong nagmumula sa kanyang sugatang noo, duguang ilong at pumutok na labi.
"Haaaa..." Marahan kong pinasadahan ang aking nakalugay na buhok at sinipa ang sikmura nito sa huling pagkakataon. Kinuha ko ang aking wig at ipinasok sa bag bago lumabas sa classroom, hindi na pinansin ang mga mata ng lahat naming kaklase na nag e-enjoy sa nagaganap na show.
Pumunta akong clinic at pina-gamot ang sugat sa aking noo. Wala na akong wig na suot, brace at sobrang kapal na eye glasses, kaya habang ginagamot ako ng nurse ay 'di nito mapigilan ang sarili na palagiang sulyapan ang kabuoan ng aking mukha.
"Miss, hindi ka naman mukhang nasasangkot sa gulo, did something bully you? You can tell us." Nakangiti nitong sabi.
"Im fine," banayad kong tugon at nag-iwas ng tingin. Napabuntong hininga naman ito.
"You can take a rest here if you want."
"Hum, thank you." Lumayo narin siya sa akin kaya isinara ko na Ang kurtina at humiga na muna sa patient's bed, nasa tabi ito ng bintana kaya preskong hangin ang aking nalalanghap. It didn't take long before I fell asleep.
Nang magising ako ay almost 2pm na at gutom na gutom na talaga ako. Mas madala kung sa bintana ako dadaan kaya umakyat ako doon at tumalon pababa, without knowing na may nagpahinga rin Pala sa babagsakan ko kaya Ang taong iyon ang nabagsakan ko.