CHAPTER 1
Ken
3am na ko nakauwi kagabi
Sobrang dami kong nainom sa bar.Masakit pa ang ulo ko dala ng kalasingan pero kailangan kong bumangon dahil may usapan kami ng mga tropa tonight.
Naligo na ako saka nagayos ng sarili.
Nagsuot lang ako ng simpleng muscle sando at faded jeans
Sinuot ko din ang all black boots ko at cap
Nang makuntento na ko sa ayos ko ay lumabas na ko ng kwarto para bumaba
Habang nasa pababa ako ay nakita Kong nakaupo si daddy sa sofa.
Nagtaka pa ko kasi ngayon ko lang sya naabutan ng ganito kaaga dito sa bahay.
Wala naman akong balak kausapin o pansinin sya
Wala rin naman akong gustong sabihin sa kanya kaya balak ko syang lagpasan
Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng tawagin nya ko.
Dad: Felip anak
Huminto ako at walang ganang tinapunan ito ng tingin.
Felip: what?
Dad: saan ka na naman pupunta?
malumanay na tanong nito.
Walang pakialam ko syang sinagot
Felip: non of your business dad.
Pabalang na sagot ko.
Nakita Kong nasaktan sya sa sagot ko pero wala naman akong pakialam
Kagaya ng wala syang pakialam sakin noon.
Ipagpapatuloy ko na ang paglalakad ng hawakan ni dad Ang braso ko para pigilan ako.
Felip: what do you want?!
Naiinis na ko.
Sa totoo lang ayoko syang makita o makasama man lang dahil naalala ko lang kung paano nya pinabayaan si mommy.
Nangungusap ang mga mata ni dad.
Dad: stay son, may ipapakilala ako sayo.
Felip: I'm not interested.
Tinatawag pa ko ni daddy pero Hindi ko na sya pinansin pa.
Dire-diretso akong naglakad palabas ng bahay.
Sumakay Ako sa kotse ko at pinaharurot ito.
Habang nagmamaneho ako ay nanumbalik ang sakit.
Ang sakit ng pagkawala ni mom.I was 10years old when my mom died.
Sobrang sakit ng pagkawala nya.Kinuha Ang Buhay nya ng isang tao na nakabangga ni dad sa business.
And the worst is wala syang ginawa.
Walang ginawa Ang ganid kong ama.Pagkatapos ng libing ni mommy ay lumipad agad sya papuntang america at iniwan ako sa mga kasambahay.
Simula noon kinamuhian ko na sya.
Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng may biglang tumawid.
Felip: F**k!
Buti na lang ay naapakan ko agad ang preno..
Hinampas ko ang manobela ko saka ako mabilis na bumaba ng sasakya.
Naabutan ko itong nakaupo sa kalsada habang hawak hawak ang kanyang siko
Felip: are you trying to kill yourself?! Wag mo kong idamay!
malakas ang boses na tanong ko dito.
babalik na muli ako sa kotse ngsumigaw ito
masama akong tiningnan
dahan dahan syang tumayo saka nagsalita.Stell: ikaw na nga ang muntik pumatay sakin ikaw pa ang galit, aba ang galing!!!
Hindi ko inaaaahan na sagot nya.
Mas malakas pa ang boses nya sakin kaya mas lalong maginit ang ulo ko.
Felip: Ikaw ang hindi tumitingin sa kalsada!!
Stell: ikaw na nga nakasakit sakin ikaw pa matapang!
Felip: It's not my fault na tanga ka!
nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.
Stell: ako tanga who are you to say that! impokrito ka!
Felip: alam mo tumingin ka kasi sa daan para hindi ka nababangga! lampa.
Stell: abat! paano kita makikita e napakabilis mong magpatakbo! natatae ka na ba kaya ganun ka kabilis magpatakbo! Impokrito!
Naiinis ako sa paraan ng pagsagot sagot nya sakin.
Felip: I'm not wasting my time to a freak!
tumalikod na ko dito at akmang papasok na sa loob ng sasakyan ng batuhin ako nito ng bag.
Stell: freak pala!!!!
Felip: you!!
Mabilis nitong kinuha ang bag nya saka tumakbo patawid.
hahabulin ko sana sya pero nakatawid na ito.
Bago tuluyang makalayo ito ay humarap pa ito sakin.
Stell: Impakto! Bleeeehhhh!!
Felip: Humanda ka sakin pag nakita kita ulit!!!!
Stell: Hindi na tayo magkikita dahil hindi naman ako nagshoshopping sa ilallim ng lupa, Impakto!!!!
Wala na kong nagawa para makaganti sa lalaking may pulang buhok na yun.
Pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan saka ako nagpakawala ng inis!
Felip: F**k! napakamalas talaga!!!!