Chapter 31
Felip POV
Hindi ko kayang makasama sya ng matagal sa isang lugar
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay hinampas ko ang manobela
Felip: Fuck!!!!!
Binilasan ko ang pagpapa-andar
Gusto kong makalayo agad sa lugar kung nasaan sya
Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan
Felip: Fuck! Akala ko kaya ko na pero shitttt!!!!
Hindi ko akalain na sya pala ang may ari ng restaurant na iyon
Kung alam ko lang ay hindi ko na sana iyon tinanggap
hindi ko pa sya kayang harapin
Nang makita ko sya kanina ay sari-saring emosyon ang naramdaman ko
Kaya naman iniwasan kong tumingin sakanya
Maging ang pagdidiscuss sa plano ay minadali ko na dinNang maipaliwanag ko na ang mga dapat nyang malaman ay mabilis akong nagpaalam dito
Nagdahilan na lang ako na may ibang lakad ko kahit ang totoo ay wala naman
Minabuti ko na lamang bumalik sa kumpanya
After ng ilang oras na byahe ay paakyat na akonsa floor kung nasaan ang opisina ko
Sinalubong ako ng aking sekretarya
Sec: Sir Good afternoon po nandyan po pala sa loob si sir Justin kanina pa po kayo hinihintay
Tinanguan ko naman ang sekretarya ko saka ako pumasok sa loob
Bumungad sakin si Justin na prenteng nakaupo sa sofa
Naramdaman nya ang presensya ko kaya naman agad itong tumayo
Justin: babe
Yumakap ito sakin na ginantihan ko din
Justin: where have you been? Kanina pa ako naghihintay sayo dito
Malambing ang tinig nito
Felip: I meet some of our clients jah
Justin: Bakit hindi mo ako sinama? Di ba sabi ni Tito ay lagi mo akong isama para naman may mapag aralan ko
Umupo ako saka ko isa isang tiningnan ang mga papers na nasa ibabaw ng lamesa ko
Justin: Hindi mo na naman ako pinapansin lagi ka na lang ganyan, may problema ba?
Inangat ko naman ang paningin ko saka huminga ng malalim
Felip: pagod lang ako dahil sa mahabang byahe
Justin: Kaya pala, pero sasabihin mo naman sakin pag may problema ka di ba?
Tumitig ako sa mga mata nya saka ako huminga ng malalim
Ayokong magsinungaling sakanya
Felip: nakita ko sya
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa
Pero binasag din iyon kaagad ni Justin
Jah: you mean you met him?
Mahinang tanong nito
Felip: i meet our new client dahil hindi available ang iba nating mga tao and to my surprise sya pala ang owner
Umupo ito
Alam kong nabigla syaJah: so what happen?
Felip: nothing i discuss the plan and then i leave
Jah: thats it?
Felip: yeah
Jah: mahal mo pa?
Natigilan ako sa tanong ni Justin
Felip: no
matigas na sagot ko dito
Jah: good to hear
Tumingin ako kay Justin at bahagyang ngumitu
Felip: ikaw lang okay? Tapos na ang samin
Ngumiti si Justin pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata
Jah: alam ko namang hindi mo ako sasaktan dahil alam mo ang pakiramdam ng iwan di ba?
Felip: of course, so please dont worry about him okay?
Nag usap lang kami ni Justin ng ilang sandali
Nagpaalam na din ito dahil meron pa itong mga dapat asikasuhinPaglabas ni Justin ay napahilamos ako sa mukha ko
Inilapat ko ang likod ko sa upuan saka ako pumikit
Isa-isang nagbalikan sa aking isipan ang masasakit na ala-ala ng nakaraan
Nang iwan ako ni stell ng araw na iyon ay para akong namatay
Ilang araw, linggo at buwan akong umaasa na baka magbago ang isip nya at balikan nya ako
Pero umasa lang ako sa wala
Namuo ang galit sa puso ko
Hanggang sa nagpasya akong umalis para makalimot
Pumunta ako sa america para mas palawakin pa ang kaalaman ko sa kursong tinapos ko
Inaral ko lahat ng dapat na matutunan ko sa trabaho pati sa kompanya
Sinunod ko din ang lahat ng sabihin sakin ni daddy
Para bang nabubuhay na lang ako dahil kailangan kong mabuhay pero ang totoo ay durog na durog ako
Si Justin din ang naging kasama ko sa amerika
Sya ang naging takbuhan ko sa lahat ng hinanaing ko sa mundo
Si Justin ang kasama ko sa pagbangon ko
Nandyan sya sa mga panahong nangungulila ako at kailangan ko ng kasama para umalalay sakin
Si Justin ang nandyan
Kaya naman ng sabihin sakin ni Dad na i-aarrange nila kami ni Justin ay hindi ako tumutol
Siguro napagod na kong tumutol
Nasanay na din ako sa presensya ni Justin
At alam kong mahal nya ko simula pa noonkaya naman pinilit ko ang sarili kong mahalin sya at kalimutan si stell
My dad accept justin hindi dahil sa gusto nya ito kundi dahil sa kompanya ng mga de dios
Magiging mas malawak at malaki ang kompanya namin dahil sa kanila
And thats it.
sa totoo lang masaya naman ako kay Justin
Kahit papaano ay unti-unti na akong nabubuoI know it sounds unfair pero alam naman ni Justin ang sitwasyon ko
At nagpapasalamat ako dahil inuunawa nya ako
Sigurado na ko kay Justin
Pero ng makita ko si stell kanina ay bigla akong hindi naging sigurado sa mga nararamdaman ko
Nagulo ang sistema ko
Ayoko ng ganitong pakiramdam
ayokong masaktan si Justin
Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ko ang isang maliit na kahon
Pag bukas ko doon ay kinuha ko ang larawan naming dalawa
Felip: Bakit hanggang ngayon sa kabila ng lahat ikaw pa rin?
Tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa masayang larawan naming dalawa
Larawan naming hindi ko kayang itapon
Ilang beses ko ng sinubukan pero bumabalik pa din ako at muling isinisilid ito sa isang kahon
Kahon na puno ng ala ala naming dalawa