Chapter 17

420 16 0
                                    

Chapter 17

🍓Stell

Mabilis na lumipas ang araw at pauwi na kami ulit sa manila

Josh: hayy parang ayoko pang umuwi

Justin: pwede naman maiwan ka na dito

Josh: grabe ka talaga sakin justin!

Naghahampasan na sila sa likod

Pablo: oy tigilan nyo yang asaran na yan dahil akoy malapit na ding maasar paguuntugin ko kayong dalawa

Justin: sya kasi pau eh

Josh: anong ako e narinig naman nilang lahat na--

Felip: josh wag mo ng patulyan si Jah alam mo namang di yan magpapatalo sayo

Josh: hay sabagay pababy yan eh

Justin: atleast hindi---

Felip: Jah please

Justin: Fine!

Gabi na kami nakarating ng bahay
Una nila kaming hinatid

Justin: bye felip, bye stell

Josh: bye mga dre

Pablo: bye!

Stell: Ingat kayo ha salamat sa masayang bakasyon

Nakangiti kong sabi sa kanila
Hinintay ko makalayo sila bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig
Naabutan ko si felip na nagkakalkal ng ref

Felip: di ka pa ba matutulog?

Stell: matutulog na din ako, bakit?

Felip: Nagugutom ako

Ibinaba ko ang basong hawak ko saka ako nagbukas ng cabinet

Nakakita ako ng ramen at itlog

Stell: Ito okay na sayo?

Iniangat ko ang mga hawak ko

Felip: oo pwede na yan sakin

Stell: dun ka muna sa sala tatawagin na lang kita pag luto na

Felip: are you sure? pwede naman kitang tulungan

Pagpepresinta nito

Stell: wag na mabilis lang naman to lutuin

Felip: Sige ikaw bahala, manonood muna ako ng TV

After ng ilang minuto ay natapos ko ng lutuin ang ramen at fried egg

Naghain ako sa lamesa saka ko tinawag si felip

Stell: impakto kakain na

Natatawa kong tawag dito

Nakasimangot namang dumating si Felip

Stell: oh kain na

Felip: impakto na ba talaga itatawag mo sakin? di ba pwedeng baby o babe?

Stell: Hindi pa naman tayo--

Felip: naka-apat na halikan na tayo wag ka ng magpakipot maligno

Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa sinabi nya idagdag mo pa ang itsura nya habang sinasabi nya yun

Stell: hahaha

Felip: tawa ka dyan ng tawa baka gusto mo asawahin na kita

Natigil ang tawa ko dahil sa sinabi nya

Stell: di mo pa nga alam kung tayo na tapos asawa naman ngayon

Masama akong tiningnan ni felip

Felip: ewan ko sayo, basta tayo na! Tapos

Natatawa ako dahil naiinis sya

Stell: haha oo na, tayo na! Tapos!

Napahinto sa pagsubo si felip ng ramen dahil sa sinabi ko

Felip: sinabi mo na yan wala ng bawian.

Hate to Love you (COMPLETED)Where stories live. Discover now