Chapter 53
Stell POV
Ilang araw ng di nagpaparamdam sakin si Felip
Nag-aalala na ko sa kanya pero wala naman akong magawa
Sa tuwing tumatawag akonsa opisina nya ay laging sinasabi ng sekretarya nya na wala ito sa opisina
Kaya naman napagdesisyonan kong pumunta sa condo nya ngayon
Nagmamaneho ako habang nananalangin na sana ay walang nangyaring masama sakanya
Dumiretso agad ako sa parking at mabilis na bumaba
Malalaki ang mga hakbang ko hanggang sa makarating ako sa unit nya
Dahil alam ko naman ang password ay binuksan ko na ito
Tahimik ang buong paligid pagpasok ko
Para bang ilang araw ng walang tao dito base sa itsura nitoDahan dahan akong naglakad patungo sa kwarto nya gaya ng kutob ko ay wala ding tao
Dahil nasa condo na rin naman nya ko ay minabuti ko ng maghintay sakanya
Habang nandoon ako ay nilibang ko ang sarili ko sa pagluluto
Gusto ko kasing pag dating nya ay may pagkain syang aabutan
Natapos ko na ang pagluluto ng mga paborito nyang pagkain ay umupo na ako sa sofa
Ilang oras pa ang nakalipas ng biglang bumukas ang pinto
Nakangiti akong humarap sa pinto
Pero agad nawala ang ngiting yun
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng makita ko silang magkasama
Masayang naguusap habang papasok
Nang mapansin niya ko ay bakas ang gulat sa kanyang mukha
Nagtama ang mga mata namin
Felip: Stell
Mas nasaktan ako sa tawag nya sakin
Napatingin ako kay Justin
Nayuko lang ito
Napangiti ako ng mapait dahil sa mga nakita ko
Gusto kong sumigaw pero hindi ko ginawa
Kinalma ko ang sarili ko saka ko sinalubong ang mga tingin ni Felip
Umaasa akong magpapaliwanag sya pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala syang ginawa
Kusa akong kumilos para kunin ang gamit ko
Nagpasya na akong umalis bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko
Naglakad ako ng tahimik
Nilagpasan ko sila
Pagkarating ko sa parking ay sumakay agad ako sa kotse at doon na nagunahang kumawala ang aking mga luha
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagpasyahan kong umalis
Dumiretso ako sa condo ko at doon ko ipinagpatuloy ang pagluha
Hating gabi pero hindi pa din ako makatulog
Nasasaktan pa din ako
Iniisip ko kung lahat ba ng pinakita nya ay totoo o pinagplanuhan nilang sakta akoNakakabaliw ang magisip
Kinuha ko ang bote ng alak para sana inumin pero ubos na ito, kaya naman tumayo na ko para kumuha ng alak pa sa ref
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng makita ko si felip na nakaupo sa sofa
Nagulat man ay hindi ko yun pinahalata sakanya
Naglakad lang ako ng diretso papunta sa kusina
Naramdaman ko ang pagsunod nya sakin
Lumapit ito sakin at niyakap ako patalikod
Napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang katawan
Felip: Stell
Stell: bitawan mo ko
Naramdaman ko ang pagkatense ng katawan nya at kusa itong bumitaw sa pagkakayakap sakin
Ipinagpatuloy ko ang pagkuha sa alak ng magsalita sya
Felip: magpapaalam ako
Iba ang naasahan kong marinig sakanya at hindi
ang salitang yunHinarap ko sya
Stell: Hindi mo kailangang magpaalam sakin
Malungkot ang mga mata nya
Huminga din sya ng malalim saka nagsalita
Felip: yung nakita mo kanina wala lang yun
Stell: Wala!?
Medyo pasigaw na ang boses ko
Hinawakan ni Felip ang kamay ko pero mabilis ko itong inalis
Felip: Please listen to me
Stell: bakit naman ako makikinig sayo?! Ahhhh gets ko na, Gumaganti ka sakin dahil sa nagawa ko sayo noon!
Felip: Hindi ganun yun, please hindi totoo yan-
Stell: So tell me anong totoo felip?
Tumingin ako sa mga mata nya
Hinintay ang sagot nya pero mas pinili nyang di magsalitaStell: Kaya pala magkasama kayo habang ako ilang araw ng nagaalala sayo! Halos mabaliw ako kakaisip kung bakit hindi mo masagot sagot yang puny*tang cellphone mo!
Tahimik lang syang nakatingin sakin
Stell: Alalang alala pa ko sayo yun pala masayang masaya kang kasama si Justin!
Felip: Alam kong hindi mo ko maiintindihan ngayon pero-
Stell: Hindi talaga kita maiintindihan! Kahit kelan hindi ko maiintindihan t*ngina naman felip! bakit
sobrang sakit mong mahalin?Tuluyan na akong naiyak
Felip: Kailangan kong gawin to kaya please let me do it para satin din tong gagawin ko, Pleaae trust me
Hinawakan nya ang kamay ko habang nakikiusap
Mabilis ko namang inalis ang kamay ko na hawak nyaStell: Kapag umalis ka wala ka ng babalikan
Bakas ang sakit sa mukha nya ng marinig nya ang sinabi ko
Felip: wag naman ganito please
Stell:aalis ka ng walang dahilan, aalis ka ng hindi nagsasabi kung kelan ka babalik o kung babalik ka pa ba tapos gusto mong hintayin kita! your so unfair
Malungkot itong tumingin sakin
Felip:Alam kong darating ang panahon na maiintindihan mo ko
Sinalubong ko ang kayang naluluhang mga mata
Stell: Umalis ka na kung aalis ka felip para isang sakitan na lang
Walang ganang taboy ko dito
Pumasok ako sa kwarto at inilock ko ang pinto
Iniwan ko syang magisa doon
Humiga ako sa kama at umiyak hanggang sa makatulog ako