Chapter 9
Stell
Pagkatapos ng aksidenteng kiss namin ni Felip ay nailang na ko sakanya
Iniiwasan ko sya
Kapag papasok na sya sa kusina ay lalabas naman ako
Pag naabutan nya kong kumakain ay bibilisan ko
ayokong magkaroon kami ng time para mag-usap
Halos isang linggo ng ganun ang ginagawa ko
Maging si Manang ay nagtataka na din saming dalawa
Hindi na kasi kami nag-uusap
Manang: iho halika nga dito
Lumapit naman ako dito
Stell: Bakit po manang?
Manang: Bakit parang hindi kayo nag-uusap o nagkukulitan ni felip, nagaway ba kayo?
Stell: hindi po saka wala na kasi kaming pagtatalunan manang hehe
Palusot kong sagot dito
Manang: mabuti naman, ayoko kasing mag-aaway kayong dalawa lalo na ngayon magbabakasyon ako ng 1 buwan
Stell: po?
Nagulat ako dahil sa nalaman na mawawala si manang ng matagal
Hindi pa naman ako sanay na wala sya
Tapos iniiwasan ko pa si felip
Manang: Nagpaalam na ako kay Mr. Suson pati kay Felip sayo na lang ako hindi pa nagsaaabi
Medyo nastress ako sa sinabi ni Manang
Hindi ko yata kayang maiwanan kaming dalawa lang ni felip dito sa bahay
Stell: Bakit po biglaan po ata manang?
Manang: naku pasensya ka na iho ganun talaga ang gawain ko pag bakasyon nalate lamang dahil nga sa pagdating mo pero wag kang mag alala bago naman magsimula ang eskwela ay nandito na ako
Laglag ang balikat ko dahil sa sinabi ni Manang
Wala naman akong magagawa dahil nakapagpaalam na sya sa mismong may-ari.
Stell: kelan po ang alis mo manang?
Manang: Mamayang gabi, ihahatid ako ni felip sa pier
Stell: Pwede bang sumama na lang ako sayo?
Ginulo ni manang ang buhok ko
Manang: Kapag sinama kita edi parang hindi na yun bakasyon
Medyo napahiya naman ako dahil tama naman si manang pag nandun ako ay parang di din sya umalis dito sa bahay
Stell: bilisan mo dun manang ha
Niyakap ko ito
Manang: ito namang batang ito babalik din ako agad
Stell: Basta manang bilisan mo lang ah, di ko kayang maiwan Kasama ang impaktong yun
Ngumuso ako na ikinatawa ni manang
Manang: Sa bilis ng panahon hindi mo mamamalayan na nandito na ko
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Manang ay pumanik na ako sa kwarto ko
Wala naman na akong gagawin sa baba saka isa pa ayokong magkasalubong kami ni Felip
Aabalahin ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa
saktong 7 pm ng pumasok si manang sa kwarto ko para magpaalam
Manang: Iho, akoy paalis na
Niyakap ko naman ito