Chapter 27
Stell POV
Ilang araw na akong pabalik balik sa bahay nila Felip
simula nung kaladkarin ako ng mga tauhan ng daddy nya
Nag babakasakali akong makita sya kahit alam kong komplikado
Stell: Kuya guard please, papasukin nyo na ko gusto ko lang talaga makausap--
Guard: Ikaw na naman? Hindi nga pwede! umalis ka na dito
Stell: Please kuya gusto ko lang talaga makita si felip
Patuloy na bumubuhos ang mga luha ko habang nakikiusap sa kanila
Pero kahit anong gawin kong pagluha o pakikiusap ay hindi nila ko pinapayagang makita si felip
Kahit umuulan ay patuloy pa din akong nagaabang
Umaasa na baka magbago ang isip ng daddy nya o baka maawa sakin ang mga guardPero mukhang wala talaga silang balak na pakinggan ako
Kaya naman umupo na lamang ako sa waiting shed na katapat ng bahay nila nagbabakasali akong baka makita ko si felip kahit sa malayo
Binalak kong humingi ng tulong kila Pablo, Josh or Justin pero pinigilan ko ang sarili ko
Ayoko ng madamay pa sila
kaya mas pinili kong lumaban mag-isaTumayo ako at niyakap ko ang sarili ko
Nilalamig na ako dahil kanina pa ako nakababad sa ulananNaisip kong umuwi muna at bumalik na lamang bukas
Tumingin ako sa parte ng bahay kung nasan ang kwarto ni felip
Stell: babalik ako bukas paks, di ako susuko
Bagsak ang balikat kong umalis sa lugar na iyon
Kinabukasan
Maagang maaga akong gumising dahil maaga akong pupunta sa bahay nila felip
Balak kong makiusap sa dadi ni felip
Habang naglalakad ay natanaw ko ang sasakyan ng daddy ni felip sa malayo
Mabilis akong humarang sa daan para patigilin ito
Driver: umalis ka nga dyan! Magpapakamatay ka ba?
Galit na bulyaw sakin ng driver
Stell: Kuya please gusto ko lang sana makausap si sir suson
Driver: Hindi pwede--
Mr S: itabi mo na at kakausapin ko na yang bata na yan
Hindi ko inaasahan ang pag sang-ayon nya na makausap ako
Stell: Mr Suson salamat po
Gumilid ang sasakyan saka nito ibinaba ang bintana
Mr S: I will give you 5 minutes, now talk
Stell: Gusto ko pong makita si felip
Diretsong sabi ko dito
Mr Suson: Bilib din naman ako sa lakas ng loob mo stell
Stell:payagan mo na po akong makita sya
Mr S: Bakit? Para mas lalo nyang patayin ang sarili nya pag nakita ka nya!
Stell: ano pong ibig mong-
Nagpapanic na ko dahil sa sinabi ng dadi nya
Mr S: Bingi ka ba? Dahil sayo ayaw nya ng kumain gusto na atang mamatay
Stell:Pls po gusto ko po syang makita pls po
Mr S: hindi sya kumakain, pinapatay nya ang sarili nya dahil sayo! Nagsisisi talaga ko ng dalhin kita sa bahay!
Stell: Ano po bang kasalanan bakit nyo ginagawa samin to parang awa mo na po gagawin ko po ang lahat ng gusto mo payagan mo lang akong makita si felip kahit isang beses lang
Tumutulo na ang luha ko
Mr S: gagawin mo ang lahat?
Stell: O..opo sir
Alam kong nagpapadalos dalos ako ng desisyon
pero desperado na ko, gusto kong makita si felipMr S: Sige papayag akong makita mo si felip kahit dalawang beses pa
Bigla akong nabuhayan ng pag-asa dahil sa narinig ko
Stell: talaga po?
Mr S: Papayag akong makita mo sya ngayon pero gusto kong saktan mo sya sa pangalawang pagkikita nyo
Natigilan ako
Para akong nabingiMr S: Hindi mo kaya?!
Hindi ako makapag salita
Mr S: mukhang ayaw mo naman edi hayaan na lang nating mamatay si felip tara na-
Stell: payag po ako
Nakita ko ang ngiting sumilay sa mukha ni Mr suson
Mr S: good choice! Sumakay ka na dito dahil hahayaan kong magkaroon kayo ni felip ng isang buong araw na magkasama bago mo sya saktan
Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong dahil sa sinabi nya
Stell: Ganyan po ba kayo kawalang puso na hahayaan nyong masaktan ang anak mo para lang sa sarili mo?
Natawa ito dahil sa tanong ko
Mr S: Wala kang alam at wala ka ng pakialam
Sumakay ako sa sasakyan nito
Sinenyasan naman nya ang kanyang driver na bumalikSobrang bilis ng kabog ng puso ko habang papalapit kami sa bahay
Pagkapasok ng sasakyan ay pinababa na nya ako
Mr. S: Ibibigay ko sainyo ni felip ang buong araw na ito pero siguraduhin mong gagawin mo ang napag-usapan natin
Labag man sa loob ko ay tumango ako dito bilang pagsang ayon
Mr S: Sige na,pumasok ka na
Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa papasok ng bahay
Nang malapit na ko sa silid na felip ay para bang biglang bumigat ang bawat paghakbang ko
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang silid
Nang buksan ko ito ay nanglumo ako ng makita ko sya
Malaki ang ipinayat nya
Malalim na din ang itim sa ilalim ng kanyang mata halatang wala syang tulog
Nakita ko din na puno ng sugar ang kanyang kamay
Iginala ko ang mata ko sa paligid
Sira sira ang mga kagamitan maging ang mga pader ay may bahid ng dugo siguro dahil sa pagsuntok ni felip dito
Sinabi kong hindi ako iiyak sa harap nya pero mukhang dinaya ako ng sarili ko
Dahil habang pinagmamasdan ko sya muka dito sa pinto ay nag una-unahan ng magbagsakan ang mga luha ko
Stell: Felip
Malumanay na tawag ko dito
Unti-unti syang nag angat ng tingin
Felip: Stell?