Chapter 6
Ken POV
Josh: Ohhhh tagay mo dree
Lasing na silang dalawa ni Justin
Si Pablo naman ay tamang chill lang
Pablo: Btw dre mukhang komportable ka na sa red hair guy na yun ah
Napangiti ako
Felip: kind of, wala naman akong choice
Pablo: What do you mean by that?
Tinungga ko muna ang alak sa baso bago ako sumagot
Felip: Sa bahay na sya titira
Kahit hindi ganoon kaliwanag sa pwesto namin ay nakita ko pa din ang nakakalokong ngiti nya
Pablo: is he your cousin?
Felip: nah, anak sya ng bestfriend daw ni daddy sabi ni manang
Pablo: ohh, buti pumayag kang may kasama sa bahay maliban kay manang
Felip: wala naman akong choice
Pablo: you? Hahaha kelan ka ba nawalan ng choice? Kahit nga sa babae madami kang choice eh
Natawa ako sa sinabi ni Pablo
Minsan napapaisip din ako kung bakit nga ba hinayaan ko na lang syang guluhin ang tahimik kong buhay kasama si manang
Pero aminin ko man o hindi
Alam ko sa sarili kong gusto ko syang kasama
Nag-usap lang kaming dalawa ni Pablo habang si Justin at Josh ay patuloy sa pag sasayaw sa dance floor
Nang makita naming sobrag wasted na ng dalawa ay nag pasya na kaming umuwi
Alas dos ng madaling araw na ko nakauwi ng bahay
kumuha lang ako ng tubig sa kusina at ininom ko ito
Hindi ako lasing dahil hindi ako uminom ng madami
Tamang chill lang ang ginawa namin ni Pablo
Wala kasi ako sa mood mag-inom pero dahil sa kakulitan nila e sumama na lang ako para naman magkaroon kami ng konting bonding
Naglalakad na ko papanik ng hagdan
Bago ko dumiretso sa kwarto ko ay nadaanan ko ang kwarto ni stell
Bukas ang pinto nito
sumilip ako sa loobHindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at gusto ko syang makita bago ako matulog
Habang papalapit ako ay napansin kong nanginginig sya
Nataranta ako
Hinipo ko agad ang leeg nya
Mainit ito
Felip: may lagnat ka maligno
Tinatapik ko sya pero panay lang ang ungol nya
Lumabas ako ng kwarto nya para tawagin si manang pero pag punta ko sa silid nito ay wala doon si manang
Felip: Manang! Manang!
Ilang minuto na kong naghahanap kay manang ng maalala na nagpaalam pala ito kaninang umaga na uuwi muna sakanila dahil may emergency
Napasapo ako sa noo ko
Felip: Ano ng gagawin ko ngayon?
Dahil hindi naman ako sanay na mag alaga ng ibang tao ay hindi ko talaga alam ang gagawin