Chapter 55

294 9 0
                                    

Chapter 55

Stell POV

Isang taon na din ang dumaan simula ng umalis sya at aaminin kong hanggang ngayon ay masakit pa din

Naaalala ko pa din sya palagi

Minsan iniisip ko siguro hindi pa talaga ito ang tamang panahon para samin o baka naman hindi talaga kami ang para sa isat isa

Naputol ang pag-iisip ko ng dumating si Ken

Ken: Hey! Tulala ka na naman dyan ajero

Natatawang puna nito sakin

Stell: Panira ka naman ng iniisip eh

Ken: wag mo na kasi syang isipin, tingnan mo ko chill lang

Stell: Sus takot ka naman kay-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Pablo

Pablo: Takot sino?

Umupo ito sabay akbay kay ken

Stell: ano ka ngayon? Haha

Kakamot kamot naman ng ulo si ken

Hindi ko akalain na magiging sila ni Pablo
Malihim kasi ang nga ito

Kung hindi ko pa sila nahuli na nag mamake out ay malamang hanggang ngayon ay wala akong alam

Open naman ang relationship nila sa kani-kanilang pamilya

Sa totoo lang minsan naiingit ako sa kanina lalo na kapag nakikita kong tanggap sila ng buong mundo

Nandito kami ngayon sa Palawan

Nagkayayaan sila at pinilit lang nila kong sumama kinuntsaba pa nila si Aira

Wala na din naman akong magagawa kaya naman nag-enjoy na lang ako

Josh: tey tara dito

Tumayo naman ako at lumapit kay Josh

Stell: Bakit?

Josh: Ikaw muna magluto dito tutal chief ka naman eh, maliligo lang ako sa dagat

Stell: Chief ka din naman ah

Josh: wala naman akong restaurant

Sabay takbo nito papunta sa dagat

Stell: Hoyyy! bumalik ka dito

Hindi na ako narinig pa ni Josh
Wala naman na akong choice kundi ipagpatuloy ang iniwan nitong lutuin

Saktong pagkatapos kong magluto ay nagsidatingan na sila Pablo, Ken at Josh

Pablo: ang bango

Ken: Oo nga kain na tayo

Nagsimula na kaming kumain

Habang kumakain ay walang tigil ang kadadaldal ni Josh kaya naman napagalitan na sya ni Pablo

Pablo: wala ka bang kausap sainyo josh? Ang daldal mo

Josh: Namiss ko kayo eh, saka pwede ba pablo hindi ko nga pinapakiaam paglalandian nyo ni Ken

Nakita kong namula si Ken dahil sa sinabi ni Josh

Ken: Hindi naman kami naglalandian ah

Josh: Anong hindi e rinig na rinig-

Bago pa sya may masabing hindi maganda ay tinakluban ko na ang bibig nya

Josh: WgakalanfskaooahdkakVyzusoa

Pablo: anong sinasabi daw?

Nagtatawanan kami hanggang sa inalis ko na ang takip ng bibig nya

Josh: walanghiya ka stell hindi ako makahinga

Stell: Hahaha sorry ang daldal mo kasi e

Nagtawanan at nagharutan pa kaming apat hanggang sa nagpasya na kaming magpahinga

Nang dumating ang gabi ay inaya ako ni Pablo sa labas

May dala na itong mga beer in can

Stell: Magpapakalasing ka ba?

Natatawa kong tanong dito

Pablo: Hindi naman, baka lang kasi mauhaw ka

Stell: Sana tubig dinala mo pau haha

Pablo: masarap naman to ah, o ito

Inabot nya sakin ang isang beer

Binuksan ko naman ito saka ko nilagok

Stell: Hmm masarap nga

Pablo: Sabi sayo eh haha

Nakaupo lang kami ni Pablo paharap sa dalampasigan

Nag-uusap lang kami ng kung ano ano hanggang sa tanungin nya ko ng tanong na hindi ko inaasahang itatanong nya

Pablo: Kamusta ka stell?

Stell: ha? Eto ok naman ako?

Pilosopo kong sagot sa kanya

Hinampas naman nya ko sa braso

Pablo: yung seryoso tey, kamusta ka?

Lumagok ako ng alak saka huminga ng malalim

Ilang minuto akong nagisip saka nagsalita

Stell: Yung totoo? Hindi ako okay

Lumingon si Pablo sakin

Stell: Hanggang ngayon hindi pa din ako ok, bakit ganun pau? Ako yung tumapos at hindi naghintay pero eto ako nasasaktan

Pablo: Bakit ba kasi hindi mo sinabing handa kang hintayin sya?

Stell: Para saan pa pau?

Pablo: Para sayo, para sa sarili mong kaligayahan

Inubos ko ang alak na hawak ko at kumuha ng panibago

Stell: Hindi ko din alam, siguro napagod na ko.

Lumagok akong muli ng alak

Stell: sobrang sakit na kasi para bang wala namang plano ang tadhanang umayon samin kaya siguro sumuko na ko

Pablo: sumuko ka ba talaga?

Stell: Hindi ko alam pau, ipapaubaya ko nalang sa tadhana ang lahat

Natapos ang inuman namin ni Pablo at nagpaalam na ito

Habang ako ay nanatiling nakaupo

Pinagmamasdan ko ang tahimik na paligid at ang payapang dagat

Ipinikit ko ang aking mga mata at kumawala ang luhang pumapatak lamang dahil sa kanya

Mabilis na lumipas ang tatlong araw na bakasyon namin at kailangan na naming bumalik sa manila

Ilang buwan pa ang mabilis na lumipas at natapoa na ang resto na ipinatayo ko sa tagaytay

Naging maayos ang pagbubukas ng resto at tinangkilik ito ng mga tao

Naging abala ako sa trabaho kaya unti-unti na kong nagiging maayos

Hindi ko na sya madalas maisip

Nakakatawa na ulit ako kagaya ng dati

Bumabalik na ang sigla ko at nagiging mas magaan na ang mundo ko

Namimiss at naalala ko pa din sya paminsan minsan pero hindi na ganun kasakit

Hahayaan ko na lamang ang panahon at tadhana ang gumawa ng paraan para saming dalawa


Hate to Love you (COMPLETED)Where stories live. Discover now