Chapter 4
Stell POV
Hindi ako makatulog dahil sa pagtatalo at pagkikita naming muli ng impaktong muntik ng makabangga sakin kaninang umaga
Stell: Ahhh nakakainis talaga! Sa dinami dami ng taong pwedeng makasama bakit sya pa!
Pinilit kong matulog
Pero ayaw talaga akong dalawin ng antok
Pag tingin ko sa orasan ay pasado alas dos na
Tumayo ako at ibinabad ko ang katawan ko sa bathtub
Ilang minuto din ako doon
Nang mapreskuhan ako ay muli akong humiga sa kama
Awa naman ng dyos ay tinangay na ko ng antok
Kinabukasan
Maaga akong nagising kahit na madaling araw na kong nakatulog dahil sa impakto na yun
Inayos ko lang ang higaan ko
at dumiretso na ko sa banyo para maglinis ng katawan
Nang maayos na ako at ang kwarto ko ay bumaba na ako
Una kong tinungo ang kusina
Kung saan naabutan ko si manang na abala sa pagluluto ng agahan
Stell: Good Morning Manang
Masayang bati ko dito
Lumingon naman si manang sakin
Manang: Magandang umaga rin iho, Umupo ka na muna riyan at patapos na itong niluluto ko
Stell: ok lang po manang hindi pa naman po ako gutom
Lumapit ako upang tingnan kung ano pang pwede kong maitulong
Stell: ano pa pong pwede kong gawin manang?
Manang: wag na iho kayang kaya ko na ito iho, umupo ka na lang doon
Stell: manang, sige na tulungan na kita di kasi ako sanay ng walang ginagawa sa umaga
Natawa naman si manang sa sinabi ko
Inilibot nito ang paningin sa kusina
Manang: ay sya sige na nga tutal naman mapilit ka iyang kape timplahan mo at iyan ang unang hahanapin ni felip sa lamesa
Stell: sige po manang
Kahit naman bwusit na bwusit ako sa impaktong yun ay sinarapan ko pa din ang pagkakatimpla ng kape nya
Stell: Manang tikman mo nga po kung ok na po
Iniabot ko kay manang ang isa sa tatlong tasang itinimpla ko
Nakatingin ako kay manang habang humihigop sya ng kape
Manang: Aba'y masarap ka palang magtimpla ng kape iho
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pasado kay manang ang timpla ko
Stell: Mahilig din po kasi ako sa kape manang kaya siguro namaster ko na ang pagtitimpla
Nahihiyang sabi ko kay manang
Natapos na kami ni manang sa mga dapat naming gawin sa kusina
Maging ang paghahain ay nagawa na rin namin pero hindi pa din bumaba si felip
Manang; Iho kumain ka na at mukhang mamaya pa ang baba ni felip
Stell: Sabayan mo na ako manang, malungkot pong kumain mag-isa