Chapter 49
Felip POV
Linggo ngayon
Ito ang araw na napagusapan naming paglipat ni Stell sa condo ko
Ayaw pa nga nyang pumayag pero sa huli ay wala din naman syang nagawa
Simula ng maging maayos kami ni Stell ay mas naging maaliwalas ang mundo ko
Masaya at may ngiti lagi ang aking labi
Madalas na din kaming magkasamang dalawa
Bumabawi kami sa mga taon na lumipasSa mga oras na nasayang dahil sa mga maling sitwasyon
Madami ng nagbago samin pero yung puso namin ay pareho pa din ang itinitibok
Iyon ay ang isa't isa
Masasabi kong wala na kong mahihiling pa
Kuntento na ko lalo na't kasama ko na si Stell
Araw araw ay may ligaya at kapanatagan ang puso ko dahil sa kanya
Nandito ako ngayon sa opisina
Linggo ngayon pero nandito ako sa opisina
dito kasi ako magmumula bago pumunta sa condo ni Stell dahil may mga kailangan lang akong pirmahan na kontrataAlas kwatro ng hapon ako natapos sa mga dapat kong gawin sa opisina
Masaya kong inaayos ang gamit ko dahil excited na kong sunduin si stell ng biglang tumunog ang cellphone ko
Felip: Hello
Ang ngiti sa labi ko ay napalitan ng pangamba at takot dahil sa sinabi ng kausap ko sa kabilang linya
Mabilis akong nagmaneho papunta sa bahay
Nanginginig ang aking mga kamay habang panay ang kabog ng aking dibdib
Malayo pa lang ay natanaw ko na ang kumpol ng mga tao maging ang mga otoridad
Pagbaba ko ay dali dali akong papasok sa loob ng pigilan ako ng pulis
P: Sir hindi po kayo pwede sa loob
Felip: bakit hindi pwede? Nasan si Dad!
Sumisigaw na ko dahil ayaw nila akong papasukin
P: Huminahon ka sir
Huminga ako ng malalim
Ikinalma ko ang sarili koFelip: Nasan ang daddy ko
Nanginging ang boses ko habang nagtatanong sa pulis na nasa harap ko
P: Hindi namin nakita si Mr Suson sa loob
Felip: Na-nasan sya?
P: Sa ngayon sir ay wala pa kaming ideya pero makakaasa kayong gagawin namin ang lahat para mahanap sya
Bumuhos ang mga luha ko ng marinig ko ang sinabi ng pulis
P: may alam ba kayong kaaway ng iyong ama?
Umiling ako
Felip: Wala
Wala akong matandaan na kaaway ni dad dahil kahit masamang ama sya ay magaling naman itong makisama
P: may isa pa nga pala sir
Kinakabahan ako
Felip: What's that?
P: may dalawa pong tao na wala ng buhay ang natagpuan namin sa loob, kilala mo ba sila?
Ipinakita sakin ng pulis ang larawan at nakumpirma ko na ito ang bodyguard ni Daddy
Matapos akong kausapin ng pulis ay nagpaalam na ito
Hindi mag proseso sa utak ko ang nangyari ngayong gabi
Natatakot ako para kay dad
Kahit anong piga ko sa utak ko ay wala akong matandaan na kaaway nya
Natapos ang lahat ng pagkalap nila ng mga ibedensya sa loob ng bahay
Umalis na ang mga pulis maging ang mga taong nakikiusyoso
Naiwan akong mag-isa
Nakatayo ako sa tapat ng aming bahay
Patuloy na nag-iisip kung sino ang may gawa nito
Hindi ko lubos maisip na may taong kayang gawin ito saking ama
Ilang minuto pa ko sa labas
Hanggang sa maisipan kong pasukin ang loob ng bahay
Dahan dahan akong naglakad papasok ng bahay
Bumungad sakin ang gulo-gulong mga gamit
May mga bakas din ng dugoNanlalambot ang mga tuhod ko perp patuloy lang akong naglalakad hanggang sa mapunta ako sa may pool area
Nakita ko ang isang lalaki
Nakatayo ito
Kahit may kaba sa dibdib ko ay buong lakas ng loob kong kinuha ang atensyon nya sa pamamagitan ng pagtatanong dito
Felip: Sino ka?
Tumingin ito sa direksyon ko
Yani: Hindi na mahalaga kung sino ako, ang kailangan nating malaman ngayon ay kung nasan si Mr Suson
Natigilan ako ng banggitin nya ang pangalan ni Dad
Felip: Bakit kilala mo si Dad, sino ka ba talaga!
Yani: Hindi ako ang kalaban
Felip: anong- may alam ka ba tungkol sa pagkawala ng ama ko
Tumingin ako ng diretso sa kanya
Yani: Hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala nya dahil ang inutos lang naman nya sakin ay bantayan ka at si stell
Natigilan ako ng marinig ko ang huli nyang sinabi
Maraming katanungan ang gusto kong mabigyan ng sagot at mukhang ang lalaki sa harap ko lang ang makakasagot nito
Felip: Bakit kami pinapabantayan sayo ni dad?
Yani: gusto nyang protektahan kayo
Felip: protektahan-
Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng biglang tumunog ang cellphone ko
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at sa hindi pamilyar na numero na tumatawag
Yani: Sagutin mo
Tumango ako saka ko ito sinagot
Felip: Hel--
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan
Other line: Anong pakiramdam ng malawan felip?