s

127 14 7
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

Nang gabing iyon ay katakot-takot na pagalit ang inabot ko kay Mama. Kahit na walang humpay na pagkastigo ang ginawa niya sa akin ay ramdam ko pa rin ang matinding pag-aalala niya. Hindi ko maiwasang ma-guilty dahil hindi man lang sumagi sa isip ko na i-text siya upang magsabi na gagabihin ako sa pag-uwi.

Kung sabagay ay hindi ko rin naman intensyon na umuwi ng late. Wala naman sa plano ko ang mga nangyari nang araw na iyon.

Kaya't imbis na magrason pa ay natuwa na lang ako, dahil sa reaksyon niyang iyon ay alam kong hindi pa sa kaniya nakakarating ang nangyaring eskandalo sa akin sa University namin.

Wala akong balak ipa-alam sa kaniya ang patungkol sa pangyayaring iyon. Ayoko nang maulit pa ang nakaraan.

Isa pa ay kami na nila Kuya Rexlion ang bahalang um-aksyon doon. Para saan pa at pumayag ako sa pamimilit nilang maghabla kay Mrs. Bernardo.

At speaking of Kuya Rexlion, panay ang pag-message niya sa akin sa messenger magmula nang may mangyari sa pagitan namin. At ako? Hindi ko siya nire-reply-an. Ni buksan nga lang at basahin ang mga mensahe niya ay hindi ko ginawa. Ayokong kausapin siya.

May isa akong rason kung bakit ayoko.

Ayokong umasa.

Alam ko na sa sarili ko, tanggap ko na, na bakla ako, na iba ang sekswalidad ko, malayo sa kinalakihan ko. Alam ko na rin kung ano ang nararamdaman ko sa lalaking iyon.

Limang araw pa lang ang lumilipas pero malinaw na sa akin ang lahat. Ayoko na ring gaguhin pa ang sarili ko at paniwalain sa isang bagay na hindi naman ako. Mas pipiliin ko na lang na magpakatotoo.

Gusto ko si Kuya Rexlion. Gusto ko siya. Gustong-gusto. Pero...

Straight siya. 

Oo, straight siya. 

Sa mga naunang araw na naguguluhan ako sa sariling nararamdaman ay hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa iba't ibang social media platform upang i-search ang nag-iisang pangalan ng lalaking gumugulo sa isip ko.

Hindi naman ako nahirapang halughugin siya dahil talamak ang pangalan niya sa internet. Hindi gaya noong unang beses ko siyang i-stalk, ngayon ay mas marami na ang mga taong nahuhumaling sa kaniya. 

Napansin kong nag-umpisang umusbong pa lalo ang mga sumusuporta sa kaniya nang manalo siya noon sa U-MEET. Medyo natawa pa nga ako dahil may mga fan page na siya. 

Patuloy lang ako sa pag-scroll down hanggang sa makarating ako sa isang post. Naka-tag iyon sa account niya. Litrato lang iyon ng dalawang kape habang ang background ay si Kuya Rexlion na may hawak na cellphone.

At hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng bigat sa dibdib ko nang mabasa ko ang caption sa post na iyon.

'Thanks for today, My Lion. I love you so much<3"

Hindi siya 'yung pangkaraniwang bigat na nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Kuya Rexlion. 

Ang sakit.

Pero hindi napigilan ng sakit na iyon ang pagpindot ko sa account ng babaeng nag-post niyon.

Unang bungad agad sa akin ay ang screenshot ng skype call. Sa litratong iyon ay kitang-kita ang matamis na ngiti ni Kuya Rexlion.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko.

Ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng ganoon kalawak.

Ano kayang pinag-uusapan nila dahilan para maging ganoon siya kasaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon