My brows furrowed at Julian who was looking at me intently.
Of all the places naman, gosh!
Malapit ko nang isipin na kabute siya at bigla na lang sumusulpot!
Wala naman kaming pinagsabihan na rito kami sa bar na ito pupunta. May shortage ba ng bar sa Metro Manila? At bakit kung nasaan kami ay nandoon din siya! Mamaya isipin na naman nitong sinusundan ko siya.
I mentally groaned.
I cleared my throat. "Do you need something?" May dumi ba sa mukha ko?, gusto kong idagdag.
"Are you with your friends?" tanong niya.
Ano'ng himala kaya ng langit at kinakausap na ako nito? Dati ay halos ipagtabuyan niya ako.
I nodded.
"May kailangan ka pa po bang report?" The project is in its wrap-up phase already, but we never know.
So, does this mean I won't see him again?
"None," he answered seriously, face blank of any emotion.
Tumango ulit ako. "Okay. . . una na ako sa loob."
May wirdong tingin pa rin siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Pumasok na ako sa loob at hinanap ang mga kaibigan kong umuna na sa akin pagpasok.
"Ba't ang tagal mo? Akala ko tinakasan mo na kami," sabi ni Rachel nang makarating ako sa p'westo nila.
"Naharang ako sa entrance," tipid kong sagot saka kinuha ang iniabot ni Rj na beer. Light lang muna.
"Nino?"
"Julian," I answered as nonchalant as I could.
I was expecting a teasing look from her, but her eyes widened in panic.
"Don't tell me hinahabol tayo ng trabaho?!" she shrieked.
I chuckled. The woman was really traumatized. Kawawa naman ito.
"Hindi naman ata. Weird nga, eh. Tinanong kung kasama ko kayo," I shrugged.
Rachel groaned. "I don't want any stress for tonight. Drink 'til we drop tayo!" Napangiwi ako nang kaunti, naalala ang nangyari noong nakaraan. I made a promise to Daddy na 'di na muling mauulit iyong nakaraan kaya chill muna ako tonight. I'd take it slow, hindi iyong parang uhaw na uhaw ako at mauubusan ng alak.
We were just dancing in our place, bottles in our hands, when Ronan suddenly popped out of nowhere.
"Uy, guys. Nandito rin pala kayo?"
"Uy!" sabi ko, itinatago ang gulat.
"Nagse-celebrate rin kayo?"
"Oo," it was Rachel who answered. "Kayo din?"
Ronan chuckled. "Yes. Nandoon ang URM team," aniya saka itinuro ang p'westo nila. We all looked to where he was pointing at. The URM team raised their glasses to us. Julian caught my attention. Nakaupo siya sa sofa habang umiinom pero ang tingin niya ay nakapako sa direksyon namin. I averted my gaze.
"Gusto niyong maki-join? Doon tayo para masaya!"
"Hindi na—"
"Sige ba!"
Naputol ang pagtanggi ni Rachel dahil sa pagpayag ni Rj. 'Di naman ito kasama sa Project Maroon kaya hindi niya alam ang buong kuwento kahit na madalas mag-rant si Rachel sa GC namin. Pinanlakihan niya ito ng mata at inosente namang tumingin si Rj, clueless.
"Tara, guys! Masaya ito! The more, the merrier!"
Wala na kaming nagawa kasi umuna na si Rj na sumunod kay Ronan. Mabilis na nagbigay ng space ang URM team at pinaupo kami. Masaya silang kasama. Understandable na tahimik at mahiyain sa work pero rito ay game sila.
BINABASA MO ANG
Wicked Games (An Epistolary Novel)
General FictionEpistolary Series #6 (Second Gen) Adventurous, flirty, daredevil. Noah Monica Cortez Magno is the woman every man wants--drop-dead gorgeous, confident, smart. She likes everything fun, and she finds the thrill exhilarating. She loves romanticizing l...