Chapter 10 ❤

45 3 0
                                    

Nicole's POV

Matamlay na matamlay kong tinungo ang susunod kong pupuntahan.

Sa banko. Susubukan ko yung ATM ni Ate.

Titignan ko kung yung date nga ng birthday ni ate ang pin ng number nito sa ATM Card.

Oo. Birthday nga ni ate ang password sa ATM nya, pero hindi naman ako gaanong masaya.

Pera lang naman yon.

Ang mas gusto ko sanang malutas, ay ang misteryo tungkol sa pagkatao ni Dominic Vargas.

Na, ipinagkait naman saakin ng taong inaasahan kong makakatulong dapat saakin.

Bakit ba ang damot ni Allison saakin? Eh, humihingi lamang ako ng impormasyon tungkol sa lalaking iyon.

Totoo ba talagang kaligtasan ko lamang ang inaalala nya? Tch.

Nag withdraw ako ng konting halaga na magagamit ko.

Nang makauwi ako sa apartment ay, down na down ang pakiramdam ko.

Nasaliksik ko na ang lahat ng gamit ni ate.

Ngunit, wala na akong makuhang dagdag impormasyon tungkol sa gusto kong malaman. Para bang nangangapa ako sa gitna ng dilim.

Pati ang mga messages nito ay isa isa kong ni review. Pero, wala rin namang importanteng kinalaman doon sa gusto kong malaman. Puro tungkol sa business dealings ng kapatid ko ang nabasa ko.

Parang, gusto ko tuloy magtampo kay Allison eh. Tch.

Kung nakiki cooperate lang sya saakin, eh di sana lutas na ang problema ko ngayon. Hindi na ako mahihirapan pa. Tch.

Habang pinag iisipan ko kung anong hakbang na susunod kong gawin para matuklasan ang misteryong katauhan ni Dominic Vargas, mag coconcentrate nalang muna ako sa pag aadjust ng bagong buhay ko.

Ngayon, hindi na ako natatakot sumakay sa jeep man o bus. Ang totoo naman niyan eh, marami na nga akong alam puntahan na hindi ko na kailangan sumakay sa taxi. Kung lagi kasi akong mag tataxi, magastos na at delikado pa dahil, nag iisa lang naman ako diba?

Hindi naman sa pagmamayabang eh, medyo, may konting ganda naman ako. Hindi ko alam sa iba, pero ako? Alam kong, binigay to ng Diyos. Kaya maganda ako. Maganda naman lahat ng ginawa ng Diyos eh.

Hindi ko naman masasabing, kasing ganda ko si ate Samantha ko dahil ang itsura ko, fresher. Innocent version nya.

Dahil halos sa kumbeto na nga ako lumaki at si ate Samantha naman ay maagang naging sosyal.

Someone's Pretty Pov

Natauhan na rin sya sakanyang lutang na isip matapos malaman nyang, nasa palangke na sya. Malapit sa apartment na tinitirahan nya ngayon.

Hindi naman sya nag ma mall eh. Para kasi sakanya, magastos lamang iyon. At kailangan niyang tipiran ang kanyang sarili dahil wala panaman syang trabaho.

Hindi nya kaya ang life style na kinasanayan nito. Wala naman syang pinag kakakitaan.

Naisip na nga niya, ano kaya kung maghanap sya ng permanenteng trabaho? Pero hindi naman sya tapos ng kolehiyo. Tiyak na ang makukuha nyang trabaho ay yung mga bagay lamang sa undergraduate na pares nya.

Kung magpapatuloy naman sya ng pag aaral, magkakaroon ng sagabal sa misyon nya. Samantalang iyon lamang muna ang gusto nyang pag tuunan ng pansin. Ang pag lutas sa pag kamatay ng ate Samantha nya.

Saka ang balak naman nya eh, kapag nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng ate Samantha nya, babalik sya sa kumbento.

Hindi nya gusto dito sa labas ng kumbento.

Natatakot sya. Nilalakasan lamang nya ang kanyang loob.

Naisip naman nya, plano siya nang plano na bibigyan nya ng katarungan ang pagkamatay ng ate Samantha nya, pero sa paanong paraan ba nya gagawin yon?

Tinanong na nga siya ni Allison nang ganoon eh.

Kaya gusto niyangpag-isipan ang gagawing hakbang nya ngayon.

----❤

Hello There guys! How are you? Hmm, I Hope you enjoyed the story! Till next update guys!

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon