Chapter 1 ❤

131 8 0
                                    

Chapter 1

Nicole's Pov

---------❤

"Lalabas ka na rito sa kumbento? Is that what are you saying Nicole?

Napayuko nalang ako. Ayaw ko kasing makita ako ni Madre Superyora na umiiyak sa harap niya. Pero... Pero ramdam ko na nag iinit na ang mga mata ko.

"I..... I have to, Mother," Mahinang Sabi Ko.

"Iha," Tumingin ako sa kanya. Pinipilit kong ilaban ang nararamdaman ko. Feeling ko lalabas na ang puso ko sa halo halong pakiramdam.

"W- wala na po akong lugar dito Mother, Wala na ang benefactor ko po rito Mother". Lakas loob na sabi ko. Pero alam kong nanghihina na ako.

"Kami man ay nalulungkot sa pagkamatay ng kapatid mo Nicole," Tumigil Siya Saglit At Muling Nag Patuloy.

"Pero nakakapanghinayang naman kung ngayon kapa titigil ng pag aaral ija. Isang taon nalang graduating kana. Wala ka bang ibang kamag- anak na maaring -------

Pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Ulilang lubos na po kami ni ate Samantha Mother." Pag kasabi ko nun, nag lagasan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ng dahil sa pangayayaring iyon, lalo lang nya naramdaman ang pagiging ulila.

Napaalis naman si Mother sa kanyang pagkakasandal sa upuan at concerned na concerned na inabot ang isa nyang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Shhhh, Now, Don't cry iha." Sabi nya habang hinihimas ang likod ko.

"I know the Lord will work out something iha." Naka ngiting sabi nya sakin. Pero alam kong may halong lungkot ang mata nya.

"I-ito na nga po ang palagay ko'y gusto Niya Mother."

Natigilang napatitig saakin si Mother.

"Pinilit kong mapanatag Mother. Pero hindi ko pi magawa. Laging sumasagi sa isipan ko ang naging pag kamatay ni Ate Samantha. Kaya Mother, I have to know the truth." Seryosong nakatingin na sabi ko sakanya.

"Nicole,"

"Gusto ko pong hanapin ang katarungan para sa kapatid ko." Sabay tulo ng luha sa mukha ko.

Napailing nalang si Mother sa mga sinabi ko. "All your life, dito na halos nagulgol sa kumbentong ito, iha. You practically grew here. Dahil noon pa, ang gusto mo'y maging madre di ba? Paano ka makikipamuhay sa isang mundong, hindi mo kilala? Mag mimistula kang sanggol na walang muwang doon".

Napayuko naman ako sa sinabi ni Mother. Hindi man lang sumagi sa isip ko ang mga pwedeng mangyari saakin. Ako naman, gabi gabing pinag pa planuhan ang mga bagay na walang ka siguraduhan.

"S-siguro naman po Mother, papatnubayan ako ng Poong Maykapal sa labas." Ito nalang ang mga salitang nasabi ko. Sapagkat gusto kong maging matatag at mapapayag ang kahilingang hinihingi ko kay Mother.

Napabuntung hininga nalang si Mother at tinanong ako.

"Final naba ang desisyon mo iha?" Tumingin naman ako kay Mother.
"Opo Mother." Naka ngiting sabi ko sakanya. Although, hindi naman hanggang mata.

Parang hirap ang loob ni Mother nung nag salita syang muli.
"Kung gayon, ibinibigay ko ang bendisyon ko sa iyo iha, at idadalangin kong patnubayan ka ng Diyos sa iyong pag hahanap ng katotohanan."

Parang nais kong humagul gol sa mga narinig ko. Final na ang alis ko sa isang lugar na kay tagal kong natutuhang mahalin.

"S-salamat po Mother." Umiiyak na sabi ko sakanya. At tsaka niyakap.

"Kung sakaling maiisipan mong bumalik sa amin, bukas lagi ang pinto ng tahanang ito para sa iyo iha huh?". Maluha luha nyang sabi saakin.

Tinignan ko sya at ngumiti. Sincere na ang mga ngiti kong ito.

"Tatandaan ko po yan at Maraming Salamat Po." Pamamaalam ko sa kaniya.

--------❤

Hello Guys! How Are You? Hehehe! Next Update? Ahmmm, Hahahha Hindi Pa Ako Sure. Enjoy the story guys! Muahhh!

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon