Chapter 15 ❤

38 3 0
                                    

Kent's POV

What the? Nagulat naman ako ng patuluyin ako nung kapatid ni Ms. Mendez sa loob ng apartment nya.

"Akala ko ba, nag aalala ka dahil nag iisa kalang?" Nakakapagtaka talaga eh. Kasi kanina, parang nag iisip sya na may gagawin ako sa kanya then, papatuluyin nya ako. Dinalhan pa talaga ako ng maiinom.

Anong meron? 

"Nevermind". Naupo sya sa tapot ko at nag salita muli.

"Naisip ko kasing marami tayong, dapat pag usapan. Saka, kilala ka ni ate. Wala naman siguro akong dapat ipag alala sayo. Sa kumbento kasi noon ----"

"Galing kang kumbento?" The fvck?

"Doon kasi ako pinag aral noon ni ate."

"At lumabas ka?"

"Hindi ko na siguro kaya roon. Wala ng tutustos saakin. Si ate Samantha nalamang ang natitira kong kamag-anak"

Ahhh. Kaya pala. Pero,

"May naiwan naman yata sya to keep you going. Ang kotse na lamang nya for example. Kung maibebenta mo yun, magkakapera ka ng malaki." Suggestion ko sakanya.

"Binalak ko nga noong una na ibenta iyon. Pero naisip ko ngayon, kakailanganin ko ang kotse, dahil ngayon, marami akong gagawin.

Ahh, pero nung pag kakasabi nya non, natigilan sya at parang, nagulat pa ata.

Nicole's POV

Nagulat ako ng ma realize ko na, first time kong mag sinungaling sa isang tao.

Ugh! Wala naman talaga akong balak na gamitin yung kotse na yun. Hindi nga ako marunong mag drive eh. Buo na nga ang plano kong ibenta iyon pag na claim ko na.

Pero kanina parang, automatic na nasabi kong, gagamitin ko yung kotse ni ate. Dahil yun ang way kung bakit ko pa ngayon kinakausap ang kaharap ko ngayon na nag ta trabaho sa Madeleine Motors.

Palagay ko ay kakailanganin ko si Kent para sa mga impormasyong, gustong gusto kong malaman.

"Marunong kang mag drive?" Tanong ni Kent.  "Hindi. Pero, pwede naman siguro akong mag aral." Paliwanag ko sakanya.

"Ahh, sa part na yan. Matutulungan naman kita. Kung gusto mo, ako nalang ang magtuturo sayo. Marami naman akong free time. Mag kaka side line pa ako." Ngiting pag aalok nya saakin.

Naiintindihan ko naman yung ipinapahiwatig ni Kent. Kailangan ko syang bayaran. "Pwede naman." Pag sang ayon ko sakanya.  Pero sa ngayon, wala pa roon ang isip ko. Nagdudumagsa saakin ang mga katanungan, na gustong gusto kong tanungin sa kaharap ko. Ayaw ko lamang biglain si Kent baka kasi, ma alarma at mag isip ito nang masama.

Amo nya si Dominic Vargas. Baka kapag nakahalata si Kent sa mga galaw ko, baka mailang ito saakin.

"Habang hindi kapa marunong magmaneho, pwede mo rin naman akong part time driver." Waring biro ni Kent.

"Palagay ko nga'y kakailanganin ko ng isang nakakaintindi sa kotse habang nag aaral ako tungkol doon. Marami kasi akong gustong lakarin. Saka, mahirap mag commute lamang, mamaya mapalagay ka pa sa peligro at kung maghahanap ng trabaho." Paliwanag ko sakanya.

Waring nagulat naman sya. "Tapos kana sa pag aaral?" Kent.  "Parang ganon na nga. Kasi, graduating na ako ngayong taon. Pwede rin namang dito ko na ipag patuloy ang aking pag aaral. Ayoko na sa kumbento." Diyos ko po, patawarin nyo po ako sa kasinungalingang, aking sinasabi.

Ewan ko ba, automatic na lumalabas sa bibig ko ang mga ganoong bagay na parang, idinidikta lang saakin.

"Mahirap din kapag bago-bago ka pa lamang dito. Lalona sa katulad mong, kakagaling lamang sa kumbento." Waring concern na sabi nya saakin. "Masasanay rin naman siguro ako." Pangungumbinsing tonong sabi ko sakanya.

"Kung gusto mo, pwede rin namang akong, part time bodyguard."  Natatawa nyang sabi saakin.  "Puro ka part time. Eh baka wala ka nang matirang oras sa trabaho mo. Sa Madeleine Motors. Hahaha!" Natatawa kong sabi.  Natawa rin si Kent.

Eto ang gusto ko. Gusto kong mapalagay talaga ang loob ni Kent saakin.

Inumpisahan ko ang pang iimbestiga tungkol kay Dominic Vargas sa paraang hindi mahahalata ni Kent, na ganoon naman talaga ang intension ko.  "Bakit nga pala kanina, sabi mo'y hindi pa siguro alam ng boss mo -- sino nga ulit ang boss mo?" Pag kukunwari ko.

"Mr. Vargas, Mr. Dominic Vargas.

----❤

~MsUnknownWorst❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon