Chapter 14 ❤

57 4 1
                                    

Nicole's POV

Siguro tantya ko mga 5'9 ang taas ng lalaking ito na nasa harapan ko. Broad-shouldered siya at malapad ang dibdib na bakat sa suot nyang short-sleeved polo shirt na ang itaas ng bulsa ay may tatak na Madeleine Motors.

Eh?

Gwapo siyang nilalang. Para ngang naiinip yung mukha eh.

Nang nakita ko naman yung expression nyang yun, napa hiya naman ako.

Nang mapansin nyang, napapatango nalang ako, ngumiti sya. My gosh! Mas lalo syang pumogi! Emeged!

Ay? Lumandi? Hahahha!

"Good Morning!" Masigla nyang bati saakin.

"Err, G-good M-morning" Napapahiya kong sagot.

"Naandyan Po Ba Si Ms. Mendez?" Eh?

"Si A-ate S-samantha?" Nag tatakang tanong ko sakanya.

"Ah? Kapatid mo pala sya? Kaya pala magkamukha kayo. By the way, naandyan ba sya?" Tanong nya saakin.

"H-hindi mo alam?" Hindi ba talaga nila alam?

"Hindi alam? Ang alin?" Naka kunot ang noo nyang tanong saakin.

"P-patay n-na siya." Natigilan tong lalaking nasa harapan ko nung sinabi ko yon. Parang hindi nya agad mapaniwalaan ang narinig niya.

Pero?

"S-sino kaba?" Takhang tanong ko sakanya.

"Ako si Kent, Kent Elavier." Sabi nya na naka get over na sa pag kabigla.

"Ikaw ba yung nag text kahapon?"  tanong ko. Naninigurado lang.

"Oo. Kasi hindi ko alam na --- I'm sorry, nakikiramay ako." Ani nya.

"Salamat. May binanggit ka nga pala sa text kahapon, tungkol sa kotse ni Ate Samantha." Sabi ko sakanya.

"Oo. Kasi nga, ako yung nakatokang, mag repair sa kotse ng Ate Samantha mo." Paliwanag nya saakin.

Pinakita nya rin saakin yung tatak sa damit nya.

Ahh, tama pala ang hinala ko, Nasa pagawaan yung kotse ni ate Samantha at si Kent Elavier na nasa Madeleine Motors ay isang mekaniko.

"Hindi ba nakarating sainyo ang balita sa a-ate ko?"

Umiling sya saakin. "Kaya nga ibinilin ko pa na kunin na nya sa shop ang kotse eh."

"Paano kaya yon? Kung ganitong wala na sya ---" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil sumabat sya.

"Immediate Relative kanaman nya eh."  Sabi nya.

"Ako nalang talaga ang kamag-anak nya."

"Ganoon naman pala eh. Maipakita lang natin na proof saka ang death certificate  nya, eh madali na iyon. Mas mapapadali ang pag claim ng kotse kung ma- ipuproduce mo ang deed of sale ng kotse." Paliwanag nya saakin.

"Para ngang may nakita nga ako sa taguan niya ng ganoon eh." Sabi ko sakanya.

"Pwede bang makita ko?"

"Sandali?" Natigilan ako nung akmang iiwan ko sya sa may pinto. Kumunot naman ang noo nya na waring ipinagtataka nya kung bakit ako tumigil at nataranta.

"Do you mind kung hindi kita mapatuloy? Kasi'y nag iisa lamang ako at ----."

"It's alright" nakangiting tugon nya.

Nakakatakot panaman dito sa Maynila.

Tinalikuran ko sya para kunin ang kailangan nyang resibo.

"Ito oh!." Sabi ko ng balikan ko sya sa may pinto. Inabot ko sa kanya. Baka kailangan nya pang makita eh.

"Eto nga yon." Ani nya matapos sulyapan lamang ang inabot ko sakanya. "Ang kailangan ko nalang ngayon eh ang katibayan na mag kapatid nga talaga kayo. Kasi kahit mag isa ako eh, kaya ko natong ayusin. Basta mapatunayan mong mag kapatid lang kayo."

"Ahh, Ganon ba? Sige saglit lang."

Bumalik ulit ako sa silid at kinuha ko sa taguan ang birth certificate namin ni ate Samantha.

Binigay ko sakanya ang mga kailangang papeles. "Okay na ang mga ito." Masayang sabi ni Kent ba?

"Actually, ako lang makumbinse mo eh, ayos na, Mailalabas ko na ang kotse sa shop. Ang totoo, sa akin talaga iyon ipinagbilin ni Mr. Vargas noong bago sya umalis patungong abroad. Palagay ko, hindi parin alam ni boss na si Ms. Mendez ay ---"

"V-vvargas?" Nanginginig kong sabi sakanya. Parang hindi ako makagalaw.

Waring may alarm na tumunog agad sa isang bahagi ng utak ko. O marahil ang pagkakabaon doon ng apelyidong iyon ay kaagad na may pumitlag sa utak ko.

"V-vvargas ba ang sinasabi mong .... B-boss mo!?" Pigil hiningang tanong ko sakanya. May dumadagsang emosyon sa isip ko na hindi ko maintindihan.

Takot? Dahil mali sya? O Excitement dahil baka ito na ang sagot sa paghahanap ko sa Dominic Vargas Na Iyon?

"Oo." Casual na sagot ni Kent saakin. "Siya ang may-ari ng Madeleine Motors. Yung pinag ta trabahuhan ko." Masayang tugon nya saakin.

"P-pwede k-ko bang matanong k-kung anong f-first name nya?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa tinanong ko.

"Dom ang tawag namin sakanya," Tumigil sya saglit at tinuloy "Pero Dominic talaga ang first name nya." Nakangiting sabi nya.

'Ghad!Sabi Ng Isip ko.

----❤

~MsUnknownWorst❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon