Chapter 9 ❤

63 9 5
                                    

Nicole's POV

Nakailang katok na ako sa pinto, pero, wala paring nag bubukas ng pinto.

Pero, feeling ko, naandito si Allison. Kasi, ang sabi ng ka opisina nya nung tumawag ako kanina, wala daw si Allison doon. More than two weeks na nag leave.

Hindi kaya, umuwi sya sa probinsya nila? Nagbakasyon kung saan?

Pero, eto. Last na to, pag wala paring bumukas ng pintong ito, babalik nalang ako sa ibang araw.

*Tok Tok Tok* *Tok Tok Tok*

Nung kumatok ako, may narinig akong yabag papalit sa pinto. Natuwa naman ako dahil naiisip kong si Allison ang papalapit sa pintuang, kanina ko pa kinakatukan. Mali pala ang akala kong pumunta sya kung saan.

"Go away!" Isang boses ng babae na sumigaw mula sa loob.

Tch. Bakit ganoon trumato sa bisita si Allison? Tch. Kumatok akong muli.

Narinig ko ang pag alis ng mga lock ng pinto.

Inihanda ko ang aking sarili. Ngumiti ako para sakanya. Para kung mainit man ang ulo niya, siguro naman pagnakita nya ako, magbabago iyon at kahit papaano'y aayusin nya ang kanyang sarili, upang maging presentable ang pag harap nya saakin.

"Ugh! Sino bang ---" Natigilan si Allison ng mapagtanto nyang, ako ang kaharap nya. Tila nakakita ng multo.

Ngunit, kung sya ay natigilan, mas lalo naman ako. Nawala ang ngiti sa aking labi.

Ibang-iba kasi ang ayos ni Allison ngayon kaysa nung nasa burol sya ni ate Samantha. Noon, ay lagi syang maayos ang pananamit. Very neat and tidy.

Ngunit ngayon, parang, hindi parang eh. Wala talaga sa kaayusan. Lukot lukot ang damit na bestida, mukhang hindi pa nagsusuklay ng buhok. Ang mukha nya ngayon ay walang make up kaya kita mong, bahagyang namumutla. Hindi ko alam kung wala talaga syang make up kaya maputlang maputla sya o hindi lang talaga sya nasisikatan ng araw. Hindi ko alam.

Malalim rin ang kanyang mga mata. Anong nangyare sakanya?

Pero, kahit ganoon ang ayos nya, hindi ko matatangi, maganda parin sya. Tantya ko twenty-four years old lamang sya or, kasing edad ni ate Samantha. Pero, syempre, mas maganda parin kung may make-up sya.

"N-Nicole" Nanginginig na sabi nya. Huh? Bakit naman?

"Ahm, Allison? May sakit kaba?" Nag aalala kong tanong sakanya. Mamaya kasi, bumagsak sya.

"W-wala, wala K-katatapos ko lang kasi ng monthly period ko kaya, ganito ang itsura ko, madalas umaabsent pa ako."

Huh? Wala naman akong tinanong na iba ah? Tch! Nicole wag mo kangang mag isip ng ganyan!

Pero? Dalawang linggo? Huh? Ang tagal naman ata. Pero, sabagay baka irregular sya.

Niluwagan ni Allison yung pag kakabukas ng pinto. "Tuloy ka."

Pumasok naman ako.

Maayos ang apartment ni Allison. Halatang may taste sya dahil simple lamang ito, ngunit napakaganda.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon