Chapter 13 ❤

52 5 1
                                    

Nicole's POV

"Hi!" Bati saakin ng isang babaeng palabas ng katabi ng unit.

Tingin ko ay mas bata pa ito kesa sa tingin mo kung ilang taon na sya. Mga 17 years old siguro itong babaeng ito o wala pa. Kung bakit nais nyang magpatanda sa pag ayos at pag gayak ay hindi ko alam

"Hello" Sagot ko sakanya. Nag Hi sya saakin eh. Alanganamang, isnobin ko diba?

"Bago ka diyan?" Tanong nya saakin.

"Ah, hindi. Sa kapatid ko ang dating nakatira dito." Ako.

"Ah, nasaan na po sya?" Nagtatakang tanong nya saakin.

Ah,, I see. Hindi nila alam.

"P-patay na sya." Ako

"Oh" napatakip naman sya ng bibig. "Condolence. Hindi ko alam. Galing  kasi kami sa abroad ng daddy ko. Lagi nya kasi akong isinasama sa byahe eh."

Napa tungo nalang ako at "ah."

"Saka hindi naman kami masyadong acquainted ng sister mo eh. Bukos sa wala na rin akong time na makipag sosyalan, parang ano rin naman sya, e --"

"Ano?" Excited at interesado kong tanong sakanya. Kung kanina nahihiya akong makipag usap sakanya, ngayon namang nabanggit ang pangalan ng ate ko, parang nabuhay ang lahat ng nerves ko kaya, nagkaroon ako ng matinding interest tungkol sa topic namin.

"Ahm, baka magalit ka eh" Na a alin langan nyang sabi saakin.

"Hindi. Hindi ako magagalit." Pa syang ano... aloof. Parang suplada, ganon. Parang ayaw nya akong kausapin? Sabagay, dito naman e talagang ganon. Sa iisang building kami nakatira pero bihira sa amin ang magkakakilala. Parang ang rule eh 'Mind Your Own Business'

"Buti kinakausap mo ako ngayon?" 

"Tingin ko kasi, ika'y mabait. Ako naman, gusto ko rin nang may kaibigan at ka kwentuhan kung minsan. By the way, I am Zoey." Nakangiting pag papakilala nya saakin.

"Ako naman si Nicole. Nice meeting you." Nakangiti ko ring pag papakilala sakanya.

Ngumiti ulit sya saakin "Bakit ikaw ang nagtatapon nyan?" Puna nya sa hawak kong basurahan. "Wala ka bang maid?"

"Wala, ano kasi .. kakagaling ko lang namang kumbento." Ako

Umangat ang kilay ni Zoey. "Really?" Parang isang bagay na lubhang nakakatawa ang narinig nya mula saakin.

Nakakatawa ba ang pag labas ko sa kumbento? Hindi naman ah?

"Look, pagod lang kasi ako ngayon eh. Siguro, pwede tayong mag kwentuhan nang mahaba-haba some other time. Interesado akong malaman ang buhay sa kumbento"

At ako rin naman ay interesadong magtanong sayo ng ilang bagay tungkol kay ate Samantha. 

Syempre sa isip ko lang yun. Ayaw ko ngang sabihin sakanya ng diretsuhan. Baka magalit eh.

"Ano? Kwentuhan tayo one of these days?" Parang na eexcite na tonong tanong nya.

"Sure." Nakangiti kong tugon sa kanya.

Kinabukasan, ay hinihintay kong tuparin ni Zoey ang kanyang pangako. Kaya nga panay ang pakiramdam ko sa pinto kung may kumakatok.

Nahihiya naman akong, mangatok ng ibang apartment. Baka gusto pa kasing mag pahinga ni Zoey. Kagagaling lang naman nya ng abroad eh. Baka may jetlag payun. Saka, baka hindi pa nya gusto ngayon makipag kwentuhan. Isa pa, inaalala kong, baka makatagpo ko ang ang kanyang daddy.

Hindi ko naman alam ang ugali ng daddy ni Zoey eh. Baka mairita lang iyon.

Kaya, ako nalang ang naghihintay. Kung may kakatok ba o wala. Tutal naman, naiparating ko na, gusto ko ring makipag kaibigan sakanya.

Mag tatanghali na ng may kumatok sa pinto.

*tok tok tok*

Napangiti nalamang ako at excited na binuksan ang pinto.

Inaasahan kong si Zoey yun. Wala namang ibang maaring bumisita saakin maliban nalang sakanya.

Nakangiti kong binuksan ang pinto.

Ngiting, kaagad ding umalis sa labi ko nang makitang, lalaki ang kumatok sa pinto.

----❤

Hello There! Sorry late update? Hehhe! I hope you enjoy the story! Sorry for the wrong types, wrong grammar, etc. I hope you understand :)
ILoveYouAll ❤

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon