Chapter 17 ❤

33 3 0
                                    

Nicole's POV

Pagkaalis ni Kent, nagpunta muna ako sa kusina upang kumain ng tanghalian.Habang kumakain, hindi maalis sa aking isipan na, ma excite. Na eexcite ako na, makikilala ko na ba talaga ang matagal ko ng hinahanap? Parang pag na iisip ko iyon, may nag uudyok saakin na, mas lumapit pa ng lumapit kay Kent.

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko kaagad ang aking pinagkainan. Isa kasi yun ang turo saamin sa kumbento. Kung kaya mo, mag kusa ka. Wag ka ng maghihintay ng may gagawa sayo. Atsaka, ako lang naman mag-isa dito. Edi, ako talaga ang gagawa.

"Haayy" Umupo ako sa sofa at pumikit. Nang biglang, may kumatok.  Ehh? Wala naman akong inaasahang panahuin ah?

Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko kung sinong panahuin ang nais na bumisita saakin. "Ohh, Zoey?"  "Hello there,Nicole ba?" Maarteng sabi nya saakin. "Ohh, yes." Ngumiti sya saakin. "Halika, pasok ka" niluwagan ko ang pinto para makapasok sya. Napansin ko rin na may dala syang dalawang plastik.

Mas presko sya tignan ngayon, bukod sa pagkikita namin nung unang pagkakataon. Siguro, nakapagpahinga na ito. Saka, parang, kaliligo nya lang kaya wala pang make-up.

Siguro, 17 years old lang si Zoey. Pagkapasok ni Zoey, sinundan ko sya ng tingin. Nasa tama na ang hubog ng kanyang katawan. Sexy, developed na ang kanyang dibdib, maliit ang waist nya. At maumbok ang kanyang puwitan. Maikli panaman ang suot nyang maong shorts na tinernuhan ng na kulay maroon na hanging blouse na hanggang beywang lamang.

Naisip ko, Ghad, sobrang layo ng itsura at ng suot namin ni Zoey. Nag mumukha akong manang kung ikukumpara at kung itatabi mo ako sakanya. Kahit kasi nasa bahay ako nakatali ang mahaba kong buhok at closed neck ang pambahay ko.

"Halika, upo ka." Pag papaupo ko sakanya. "Thank You" ngumiti sya saakin. "Ay, wait." Kinuha nya yung dalawang plastik na dala nya at iniabot saakin. "Para saiyo yan." Nakangiting tugon nya. "Thank you. Ano ang mga ito?" Bilang pasasalamat, ngumiti rin ako sakanya. "Macaroons ang mga iyan. Atsaka, ako ang nagbake nyan. Yan lang kasi ang libangan ko eh. Dati kasi, tindera ako sa bakery." Nakangiting tugon nya.

Natigilan naman ako. Ang akala ko ba anak mayaman sya?

"Prangka naman akong tao eh," ani nya at malungkot na ngumiti. "Ang gusto ko kasi sa kaibigan, sinasabi ko kung ano at kung ano nararamadaman ko. Ayaw ko makipag plastikan. Kung ayaw nila saain makipag kaibigan, edi wag! Di ko naman sila pinipilit eh." May pagkamataray na sabi nya sakin. Hindi na muna ako umimik kasi, parang may sasabihin pa sya eh.

"Pero, yung sinabi ko sayong, daddy ko? Hindi ko naman talaga yon tatay eh." Ano? "Alam mo Zoey, kung hindi kayo bati ng tatay nyo, wag mo namang sabihin yan. Kasi kahit anong mangyari, tatay mo parin yon. Nilalabag mo ang batas ng Diyos Zoey" malumanay na sabi ko sakanaya. Kasi tama naman diba? Bakit mo sasabihin yon? Dahil mag kagalit kayo.?

"Hahahhahahhahhahaha!"

Nabigla naman ako ng tumawa ng malakas ngunit may pag kamaarte. Likas na ata yon eh, pero? Huh? Ba't sya natawa? "You're so funny talaga Nicole. Tch." Umiiling na tugon nya. "Ehh, ano mo ba? Sabi mo'y tatay mo, ngayon, hindi? Ano ba talaga.?" Nalilitong sabi ko sakanya.

"My goodness, haha! Taga-kumbento ka nga. Pag sinabi ng isang babae na daddy nya, at hindi naman nya iyon tatay, it means, sugar daddy nya iyon." Bahagya naman akong namula. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko dahil sa tono at pagngiti ni Zoey. "Sorry huh?" Pormal na sabi nya saakin.

"Dapat nga pala ay i consider kita na, ganyan ka. Anyway, yon nga, parang ano, ahm, b-babae lang ako ni tanda. Ano sya ehh, kaibigan noon ng amo ko. Eh, yung walangyang amo ko, ibinigay ako sa kanya. Eh, mabait naman si tanda. Galante pa, pati pamilya ko naambunan nya ng grasya. Eh, nang tumagal tagal, nasanay na rin ako at nagustuhan ko narin na maging babae nya."

'Diyos Ko Po!' Sigaw ng aking utak. Taliwas sa itinuro at natutuhan ko sa kumbento ang mga ganyang bagay. Pero, parang may humaplos sa aking puso nang, taos pusong, umamin saakin si Zoey ng kanyang buhay. Imbis na kamuhian ito? Naawa ako sakanya ng marinig ko lahat ang mga iyon.

"Malungkot ang buhay ng isang tulad ko." Parang nag daramdam na sabi ni Zoey. "Para akong nabubuhay ng solo, kinamumuhian, itinuturing na madumi, nilalayuan. Kaya, gustong gusto ko ng kaibigan. Ikaw ba? Pwede ba kitang maging kaibigan Nicole?"  Tanong nya.

Ngumiti ako ng may sinseridad at alam kong buong pusong, gusto ko syang maging kaibigan. "Oo naman, pwede mo akong maging kaibigan." Ngumiti ng malawak si Zoey "Thank you so much."

"Ang mabuti pa ay kukuha ako ng maiinom, alam ko namang masarap ang mga binake mo" Ang mga salitang binitawan ko ang nagpaliwanag ng anyo ni Zoey.

Nang tumayo ako, tumayo rin sya. "Tulungan na kita" ani nya, "Sige, sa kusina na natin to kainin. Saka doon natin ituloy ang ating kwentuhan."

----❤

~MsUnknownWorst❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon