Chapter 12 ❤

42 5 0
                                    

Nicole's POV

Abala ako sa pag lilinis ng mga naka display sa sala nang tumunog ang cellphone na ipinatong ko sa mesa.

Noong isang araw ay may tumawag na ako sa opisina ng Easy call at nalaman niyang binili na ni ate Samantha ang cellphone unit na ito at serbisyo na lamang ang magagawa nila.

Ang sabi ng kausap ko kanina ay maari ko naman itong ipagbili kung ayaw ko naman daw gamitin.

Pero nag pasya ako na itabi na lamang iyon kahit alam kong wala namang gaanong silbi yon saakin.

Sino ba ang magpapadala sa saakin ng mensahe? Eh wala naman akong kakilala dito maliban kay Allison?

Sa ate Samantha ko naman, sino pa ang mag memensahe dito, kung alam nanaman nilang patay na si ate?

Kaya nga gulat na gulat ako ng tumunog yung cellphone eh.

Nagmamadali kong dinampot at pinindot para malaman kung sino ang nag nag text.

Sabi nung latest message.

'Ma'am, your car is ready. Are you going to pick it up or I will just deliver it to you? Please, call the office and ask for Kent.'

Natigilan naman ako ng mabasa ko yung Message.

Halata namang kay ate Samantha yung message eh.

Pero hindi ba nila alam na patay na yung pinag me-mensahe nila?

At ngayon ko lang naalala, nasaan nga pala yung kotse ni ate Samantha?  Sa kalituhan ko sa maraming bagay ay hindi ko na nabigyang pansin ang mga iyon.

Ang pananaw ko base sa natanggap kong mensahe ay, nasira ang kotse ni ate Samantha at ipinagawa nya. Kaya ready na raw. Na repair na siguro.

Ang lalaking, nangangalang 'Kent' ay puzzle saaking utak ngayon. Siya ba ang may ari ng pagawaan ng kotse? O tauhan?

Hindi ko naman alam kung saan ko ito tatawagan. Dahil, wala namang numero ng telepono nilagay. O sadyang may ka engotan ako kaya hindi ko alam. Hindi naman ako marunong gumamit nyan eh. O kaya siguro eh, alam na ni ate Samantha ang number nila, kaya hindi na nalalagyan ng number.

Atsaka, obvious din na hindi pa alam nung 'Kent' na yun na patay na si ate Samantha nya kaya, nag memensahe pa sya dito.

Kailan pa kaya nag pa repair si ate ng kotse nya?

Naghanap ako sa mga gamit ni ate Samantha. Baka may resibo o anumang kasulatan na may kinalaman sa pag papagawa ng kotse nya.

Pero, wala akong nakita.

Ugh! Paano ko ba makokontak ang 'Kent' na yon? Para naman mabawi ko na yung kotse ni ate.

----❤

Hello there! Hahha! Dahil wala namang pasok, nag update ako. Ahm, KyelaLalaineSulit hahaha! Tandaan mo! Mahal kita! Hahahah salamat! Alam mo nanaman kung bakit eh :)

Btw, I hope you enjoy the story! Till next time guys! ILoveYouAll Guys! Hahahha Muahhh! :*

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon