Chapter 11 ❤

38 3 0
                                    

Nicole's POV

Playboy daw si Dominic Vargas, sabi ni Allison.

Sanay nang mag paibig. Siguro, sanay ring mag paikot ng damdamin, sanay mag paluha. In short,

Paasa.

Napaisip naman ako. Siguro, napa ibig si Dominic ng sobra, pero hindi pa pala yun ang binigay ng Diyos sa kanya. Kaya, nawala sakanya. Baka niloko lang siya?

Dahil kung naranasan na nya siguro ang magmahal ng totoo sa isang tao, hindi na ito magiging isang Playboy. Hindi kakayanin ng konsensya nya ang makasakit ng tao.

Ma fo-focus nalang ito sa totoong, minamahal nya. Diba?

At sa pag kakaalam ko sa taong nagmamahal ng wagas, binibigay ang lahat. Mismo kaluluwa nila. Wala eh, Ganun talaga.

Kaya, eto, katulad ng nangyari kay ate Samantha.

Ano kaya ang dahilan, at napaibig ng husto si ate Samantha sa lalaking iyon?

Ano kaya't handa nito ibigay ang lahat- lahat dahil sa pag-ibig nayon? Ugh!

Sisirain ko din kaya ang aking sariling buhay, dahil sa pag-ibig na iyon?

"Weird." Sabi ko sa aking sarili.

Dahil imposibleng magkaganoon ang ka partner ni Dominic Vargas na ginagawa lamang nyang laruan ang pag-ibig at damdamin ng mga babae.

At imposible ang mapaibig saakin si Dominic ng todo. Sa isang tulad ko? Tch. Hindi ko ma imagine.

Dahil ang pananaw ko sa mga Playboy, yung mga tipong malakas ang karisma o yung tipong habulin ng mga babae.

At kung yung Dominic Vargas na iyon ay pinag kakamatayan ng mga babae,

Napangiti ako ng mapait. Literal na nangyari iyon kay ate Samantha ko.

Tch. He must be somebody.

Lalo na kung isang ate Samantha ang maganda kong kapatid, ang mag kakagusto sa Dominic Vargas na yun.

Sa standard ko kasi ay napakaganda ni ate Samantha. Angat kaysa sa mga pangkaraniwang babae.

Siguro, mas higit pa kay ate Samantha ang natagpuan at ipinalit ni Dominic Vargas.

Kaya, mas lalong imposibleng isang katulad ko lang ang makakabaliwan nung lalaking iyon.

Pero, pilitin ko mang alisin yung ideyang iyon sa utak ko, lagi namang may pumapasok at tumatatak sa isip ko.

"Paano nga kung mangyari-- halimbawa lamang?"

----❤

Hello There Guys! Kamusta? Till next update guys! I hope you enjoy the story :)

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon