Chapter 4 ❤

72 8 0
                                    

Nicole's POV

Hindi naman ako gaano makatulog sa bagong kapaligiran noong mag gabi.

Sawayin ko man ang aking sarili, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang mga alaala ni ate Samantha. Gusto kong panghinayangan na hindi kami gaanong nagsama nang matagal ni ate Samanta.

Bakit ba ako inilagay ni ate Samantha sa kumbento? Sana isinama nalang niya ako sa pakikipagsapalaran nito sa buhay. Eh di sana nag karoon pa kami ng ganap na panahon para mag kalapit.

At kung siguro nakasama ko sya, baka hindi pa patay si ate Samantha ngayon.

Hayyyy... Kahit kelan, hinding hindi ko sya pahihintulutan maglason. Dadamayan ko pa ito sa ano mang problemang hinharap noon ni ate Samantha.

Pero ang mga naiisip ko ay puro pasubali na lamang. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na mabubuhay nang mga iyon si ate Samantha.

Ang maari nalamang ko nayong gawin ay tuklasin ang mahiwagang bumabalot sa pagkamatay ni ate.

At kailangan, kailangan ko dapat gawin yun ng mabalis. Dahil limitado lamang ang aking panahon.

Nang ilibing si ate Samantha, nalaman ko sa may-ari ng apartment na isang taon lamang ang nabayad ni ate sa upa ng unit nito. Ganon din sa kontratang, pinirmahan ni ate.

Taunan kasi ang pagbabayad ng advance. Kaya, may anim na buwan pa akong natitirang panahon na mamari kong gamitin ang unit ni ate Samantha. Kung pag natapos na ang anim na buwan at gusto ko pang umupa doon, ako na ang makikipag kontrata sa may-ari.

Umoo na lamang ako nang kausapin ako ng may-ari, pero alam ko, sa sarili ko, wala akong kapasidad na manirahan sa ganoong uri ng de klaseng apartment dahil, wala naman akong trabaho na mapag kukunanan ng pera. Problema ko pa nga kung paano mabubuhay pagkaraan ng anim na buwan ehhh. Pero iyon ang secondary na laman ng isip ko..

Ang importante muna ngayon, ay ang gusto kong tukalasin ang tungkol sa pagkamatay ni ate Samantha.

------❤

Hello Guys! Sorry dahil ngayon lang ako nag update. Btw, thanks sa nag babasa. I appreciate a lot. :)

~MsUnknownWorst ❤

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon