CHAPTER 06

17 11 3
                                        

Hyacinth gumising kana jan nasa baba si Samantha hinihintay ka at may lakad daw kayo. Napabalikwas naman ako ng bangon shete naman tong si Sam 7 palang ng umaga ang excited ng gaga nayun.

Magliligo lang ako ma and baba narin ako.  Ginawa kona ang routine ko bago ay napagpasiyahan ko ng bumaba baka mainip nanaman yun.

Ano girl? Bumaba kapa.  Pinanlisikan ako ng mata ni sam na parang sinasabi na “Makuha ka saa tingin beh” Natawa nalang ako at nagpaalam nalang kila mama at dumeretso na sa mall Ano kamusta pala kayo ni theo?

Kita kong ngumiti lang siya sakin ng palihim at umakbay sakin, weird naman netong babae nato, Ayos naman kame ni theo. Nagpapangap lang kameng ok kapag kaharap ang pamilya namin.

Nangunot naman noo ko, hindi bato nakakaramdam? Halos kahapon nga nakita ko si theo nagtatago lang sa sulok kung saan kame nakatambay kahapon tsk i think may gusto si theo kay sam and also narinig ko yung sebastian na sumigaw na may word ng “Asawa” hasyt mga torpe talaga pano sila makakagawa ng love story.

Oh ano Hyacinth tapos kana tumulala jan? or siguro kasal kana kay casper sa imagination mo.

Nangunot naman ang noo ko, bakit naman niya sinasama sa kwento si casper eh wala akong nararamdaman.

Sira may iniisip lang ako shaka wag mo nga idamay yung lalaking yun hindi ko naman siya type.

Kita ko ang pag ngisi niya wow huh sakanya lang ang usapan kanina tapos mapupunta sakin? Hinila ko nalang siya sa restaurant para maka kain narin kame

What do you want Hyacinth? ngumiti naman ako ng matamis kay sam at sinabi kung ano ang oorderin, pangalawang araw niya na ako nililibre dahil don sa deal namin.

Later laro tayo para naman maenjoy ko yung araw nato kase bukas may pasok nanaman. Ngumiti nalang siya at tumango, pag dating ng order ay agad kame kumain syempre payapa akong nakain ng nakita ko na nakatulala si Samantha kay sinundan ko ng tingin yung tinitingnan niya.

P - pwede bang maki upo wala na kaseng table eh. Nilibot ko naman yung tingin at tumango nalang, naks naman dumadamoves tong si theo eh pero bakit kasama niya tong dalawa nato si Casper at si sebastian?

Miss siguro jinajudge mo na'ko sa nga tingin mo. Napangiwi nalang ako sa sinabi ni baste, baste nalang ang itatawag ko sakanya tutal magkatunog rin naman.

Anong year mona at ano pangalan mo?  Nangunot naman ang noo ko, bakit ba gusto niyang malaman tsk.

Hyacinth and 3rd year college. Tumango nalang siya at kumain pero akala ko tapos na siya magsalita pero may kasunod pa pala.

Gusto kita maging kaibigan pati narin yung asawa ni theo. Narinig ko ang pag ubo ni Samantha at sinabayan nito ni theo, lihim akong napa ngisi asawa pala ha.

Sure friends na tayo. Nakangisi kong sabi kay baste pero agad akong nabulunan ng mahagip ko yung tingin sakin ni Casper na akala mo ay mas malamig pa sa yelo.

what the fuck are you doing? Rinig kong bulong ni casper at inabutan ako ng tubig, gago bakit kase ganito tumingin nakaka asar, inikutan ko nalang siya ng mata at kumain ng tahimik.

Uh btw guys sabay na kame pauwi ni Samantha may family dinner ulet kame.

Kita kong natuod sa kinauupuan si sam tsk ano ka ngayon girl kunyare kapa galit galit eh boses palang ni theo ntutuod kana jan.

Hoy family dinner nanaman? Kada aalis ka theo puro family dinner ang sinasabi mo, nakaka halata na ko sayo ha. Bigla rin akong napangisi sa sinabi ni baste dahil yun rin naman ang sinabisabi sakin ni Sam tuwing aalis siya, Naka ngisi akong tumingin kay Samantha at bigla niyang iniwas ang tingin sakin, pft.

Theo and I will go on a date. Mahinang bulong ni samantha sapat na para marinig ko and wtf? Akala koba hindi sila ok tanginang mga to.

Mag d - date pala kayo bakit nirereason niyo pa ang family dinner. Narinig ko ang tawa ni theo at hinabulan ng bulong.

Kailangan namin magpanggap na mahal namin ang isa't - isa.

Tumango nalang ako at kumain ng tahimik, napapansin ko kanina pa walang imik si casper mapapanis na ang laway neto eh tsk.

Pag tapos namin kumain ay napagpasiyahan namin muna namin maglaro maaga pa naman mga 3:30 palang ng hapon.

Baby casper tingnan mo pagnashoot to  akin kana. Narinig ko ang malanding side ni baste at nakita ko ang reaction na naka poker face lang, pft hindi ba siya sanay sa ugali ni baste eh samantalang araw - araw naman sila magkasama.

Buong hapon lang kame laro ng laro at nung medjo dumidilim na ay agad kame nagpaalam, habang nag aayos ako ng gamit nakita ko sila baste at casper na naka tayo sa gilid ko.

Ano pa ang ginagawa niyong dalawa? Hindi pa ba kayo uuwi?

Hatid ka na namin hanggang sa bahay niyo naka kotse naman kame.

Kunot noo akong humarap sakanila wow naman ano nakain nila at maypahatid pa sila, wala nakong nagawa kundi pumayag dahil para maka libre narin ng pamasahe.

Andito ako sa kotse habang tahimik lang na nagmamasid, nagtataka nga ako kase bakit nila alam papunta sa bahay namin.

Malapit lang bahay don ni casper don rin ba kayo sa subdivision?

Tunango nalang ako at ngumiti grabe taga don rin pala ang lalaking yun bakit hindi ko siya napapansin don.

Salamat Baste ingat ka pauwi. Ngumiti naman siya sakin ng matamis kasunod non ay dumako ng tingin niya kay casper na masama na ata ang araw.

Pagpasok ko sa bahay ay agad akong nagmano kay mama at papa bago pumasok sa kwarto tsk kapagod ang araw nato. Naglinis muna ako katawan bago inopen ko ng fb account ko.

Sebastian :
Hi disney princess.

Me:
Hello, pano mo nalaman yung fb account ko?

Sebastian :
Secret, matulog kana neng goodnight.

Inoff ko nalang ang wifi ko bago umayos ng higa, pano kaya niya nakuha ang fb ko? Tanginang yan, nagdasal muna ako bago matulog.

Goodnight self. Mahina kong bulong bago payapang natulog.

--------------
Hi po, enjoy reading guys!

Fb acc : cassius WP
--------------

Just a fan of yours (ON-GOING)Stories to obsess over. Discover now