CHAPTER 04

18 15 1
                                    

Maaga akong pumasok sa school kahit 5:00am palang ng umaga, naiistress ako kase halata yung eyebags ko at baka makita ako ni sam ng ganito tapos atakihin ako ng puro tanong.

Goodmorning manong guard.  Ngumiti naman sakin si manong guard Goodmorning rin iha, ang aga mo pumasok ngayon ha, oh eto ang susi ikaw nalang mag bukas ng classroom niyo at isauli mo nalang saken yung susi mamaya.

Masaya ko naman itong tinangap at umalis na bago nagpasalamat, pag pasok ko sa room ay agad akong umupo at nagbasa ng wattpad, kainis kase yung lalaki nayun hindi na nawala sa isip ko samantalang hindi ko naman siya gusto.

Aba hoy Hyacinth bakit mo'ko iniwan kahapon? Tangina mo tawag ako ng tawag sayo tapos hindi mo'ko nililingon. Nagulantang ako sa harapan ko ng makita ko si Samantha na nanlilisik ang mga mata sakin, What do I do?

Ahh tumawag kase saken si mama at kailangan daw ako sa bahay namin. Namamawis ako habang nagdadahilan kay Sam tangina sana umepek ka beh.

Ah talaga, tumingin lang naman sayo si casper tapos ganyan kana magreact akala moba hindi ko yun pansin? Tapatin mo nga ako crush mo siguro si casper no? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni sam, me? Magkakacrush sakanya? No wayyy ang pangit pangit ng lalaking yun at hindi ko siya nakikita bilang boyfriend ko.

At tignan mo yang mata mo mukha kang panda na gaga ka siguro tinamaan karin sa grupo ni theo ano?

umirap ako kay sam tangina bakit bako nagpapa apekto dito sa gagang to.

Hoy Samantha tigil tigilan mo ko ha huwag mo ako dinadamay sa pagiging fanggirl mo kila theo. niliitan niya ako ng mata at tumabi sakin

Asus nagdadalaga na si Hyacinth nuks naman. Tinulak ko siya ng mahina at sumobsob nalang sa lamesa ko 5:20 palang naman ng umaga at 8 ang pasok namin kaya iiglip muna ako.

Naalipungatan ako sa tapik ni sam 2hrs rin pala yung tulog ko kaya umayos nako ng upo at sakto rin ang pasok ng teacher namin sa 1st sub.

Discuss

Discuss

Lunch break.

Himala ata kay sam at hindi to nag iingay HAHA nakakapanibago naman ang beshy ko na to, Sam ano problema mo? Bakit tahimik ka?

Tumingin siya sakin at ngumiti My dad told me na ipagkakasundo niya ako then nung nalaman ko kung sino ang ipapares sakin nagulat ako na si theo pala.

Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay samantha Hoy seryoso? Bakit mukhang hindi ka masaya? Hindi ba dapat masaya ka kase yung ultimate crush mo ay makukuha mona?

Lumingkis sakin si sam at ngumiti ng pilit at napansin ko na nangingilid yung luha niya sa mata kaya hindi nako nag atubili na hilahin siya sa paborito kong tambayan.

You can tell me what is your problem and I will listen to you. Pag bangit ko sakanya ay bigla siyang humagulgol ay niyakap ako.

Theo wants something else and he doesn't want me. Iyak lang siya ng iyak


he only pain on my part is that I confessed to him and then he couldn't love me back. Yumakap ako sakanya aba kahit palagi ako netong binabardagul ay ayaw kopa rin naman na nasasaktan to.

Okay lang yan sam iiyak mo lang yan andito ako para sayo. 

Nang mahimasnasan siya ay nag aya na siyang kumain sa cafeteria at sa kasamaang palad andon ang kabanda nila Theo kaya tiningnan ko ang reaction ni sam ngunit ng dere-deretso lang siya hanggang sa maka punta siya sa dulong part ng cafe pero bago ako sumunod tumingin muna ako kay theo na naka sulyap ren kay Sam shaka ko siya pinakyuhan at sumunod na kay sam.

What do you want to eat sam? Ako na ang oorder ng kakainin nating dalawa.   Nagbigay naman siya ng pambayad at sinabi sakin ang gusto niya kaya pumila nako.

Hey miss beautiful. Napabaling naman ako sa nagsalita at kung hindi ako nagkakamali siya ata yung kabanda nila theo.

Sebastian nga pala.  Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko tinatanong umirap ako at nag order na narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung type ni cas-

Hindi na natuloy ni sebastian ang kanyang sasabihin ng marinig ko ang malamig na boses ni Casper. Halos manlaki ang mata ko dahil tumibok nanaman ng mabilis  puso ko kaya dali dali akong lumihis ng daan pero sa kasamaang palad ay nadulas ako kaya tumigil ang tibok ng puso ko kaya inantay ko nalang na lumagabog ako.

Be careful next time.  Napamulat naman ako ng makita ko na sinalo ako ni Casper. dang nataranta ako kaya tinulak ko siya at pumwesto kung nasan si sam ngunit may naka paksil na ngisi sa labi ni sam

Jan naba magsisimula ang love story niyo ni casper?

inirapan ko nalang siya at tahimik na kumain ngunit hindi ako mapakali dahil piling ko may naka tingin sakin.

Tinamaan ata sayo si fafa casper tingnan mo oh naka titig sayo.

Sa sobrang balisa ko ay nahampas ko ng malakas si sam dahilan ay napa daing siya ng malakas

Aray ko naman Hyacinth kingina mo naman.

Tumingin naman ako sakanya at humingi ng sorry, madali kong tinapos ang kinakain ko at hinila na si Samantha sa class room.

Dismiss

Dismiss

Class dismissed.

Mabilis akong tumayo at inantay si sam na matapos sa ginagawa niya

Hyacinth mauna kana may family dinner ako kasama ang pamilya ni theo.

Ngumiti naman ako at saka nagpaalam na sakanya, yumakap muna ako bago ako umalis.

Napa buntong hininga ako ng maka uwi ako Kapagod ang araw na'to  nag half bath muna ako bago humiga sa kama mamaya nalang siguro ako kakain ng dinner, nag scroll scroll lang ako sa fb hanggang sa lamunin nako ng dilim.

——————————
Hi po magsisipag ako mag update hanggat may load hihi(^.^) Enjoy reading everyone.

Fb acc : cassius wp

———————————

Just a fan of yours (ON-GOING)Where stories live. Discover now