CHAPTER 13

10 3 1
                                    

Today is midterm batak na batak ako mag review habang si Samantha ay nag b-breakdown sinabayan pa ng review oh diba habang ako eto 1month nakong nakakatanggap ng princess treatment kay Casper pero ngayong araw korin siya sasagutin dahil napapatunayan naman niya na mahal niya ako.

Beh ano nasa bed scene naba kayo ni Casper jan sa utak mo?

Natawa naman ako kay Aoife dahil habang tumatagal ay mas nagiging kalog siya at syempre mayaman rin yan sa princess treatment habang si Samantha naman ay nasasanay na ata.

Kingina Hyacinth hindi ko alam kung map-perfect koba HAHA imbes na mag review ako eh ang ginawa ko nanood ako kdrama!!

Inirapan ko naman si Samantha bahala siya jan inuna niya pa manood ng kdrama kesa mag review, mukhang magiging tama siya sa future niya ha! Future nurse daw kung hindi papalarin ay pasyente nalang daw HAHA ganyan.

Alam niyo tara na baka mahuli tayo magdasal nalang tayo kay lord na sana hindi maging mababa yung score natin!!

HAHAHAH tarantado ka Aoife bakit dinaan mo sa dasal? Kapag ikaw bumagsak sa tourism baka ikaw nalang ang maging eroplano.

Wala naman nagawa si Aoife kundi anc magkamot ng kilay at ngumiwi  napaka sadista kase neto parang mga demonyo.

Mamaya na kayo magbaradagulan halika na kayo at magsihiwalay na tayo ng daan, ingat ka Aoife ha mwa.

Kumaway naman siya at kame naman ni Samantha ay dumiretso na sa room, at dahil may 10mins pa nag review muna ako habang si Samantha ay nagpapaganda shala pag tapos mag breakdown nag make up HAHA.

Hoy puro ka paganda nag review ka naba?

Tumawa naman ako sa sinabi ni kenzo ang paboritong kaaway ni Samantha HAHA ship kona sana sila kaso meron ng theo kaso mapanakit.

Pwede ba kenzo kung nagagandahan ka saken pwede mo naman sabihin hindi yung idadaan mopa sa lait.

Eyyyyy

Whooa 1points for Atienza.

Eyy ka muna kenzo eyyy.

Mga tuksuhan at katyawan ang maririnig mo sa room habang si Kenzo aliw na aliw naman sa bardagulan nila ni Sam.

Kaya ka nasasaktan eh kase ang hilig mo mag assume.

Rinig ko ang maraming natawa isa nako don syempre gago HAHAHA tangina talaga ni kenzo namemersonal, tumingin ako sa direksyon ni Samantha at sobrang sama na kung maka tingin kay kenzo habang si Kenzo naman ay tawa ng tawa syempre nagsasalita palang sana si Samantha ng dumating agad professor namin at sinimulan na mag exam. Iniisip ko kung ano kaya magiging reaction ni Casper kapag nalaman niyang sinasagot kona siya? pati ako ay kinakabahan pero grabe nakuha niya yung standard ko sa lalaki.

Hasyt puta hirap ng exam parang siya ang hirap niyang kunin.

Naririnig ko ang mahihinang bulong ni Samantha habang nag aayos ng gamit. Bakit siya pa kukunin mo eh andito naman ako.

Napabuga ako ng hangin ng marinig ko ang boses ni Kenzo pero sa bintana siya naka tingin, lol parinig pa more kay Samantha HAHA.

Ahh Samantha pwede bang mauna kana sa cafeteria? May pag uusapan lang kame ni Casper.

Tumango naman siya at umalis na habang ako ay pupunta sa garden dahil tinext ko kanina si Casper na pag lunch break na ay dumiretso sa garden dahil may sasabihin ako, medjo kinakabahan ako at medjo namamawis ako sa kaba  lord give me strength chariz.

Hi! isang magandang ngiti ang ibinigay ko kay Casper at ngumiti sakanya ng matamis medjo kinakabahan ako pero sana hindi ako mamatay sa kaba. Saglit lang kameng nagkwentuhan habang hinahanda ko yung sarili ko bago ko sasabihin yung part ko para sakanya. Uhm casper... May gusto lang ako sabihin and makinig ka ng mabuti ha.  Tumango naman siya at hinalikan ako sa tuktok ng noo kung saan palagi niyang ginagawa sakin.

This is the day that I finally let my guard down and accept you to be the new protector of my heart.

Mahina kong bulong sakto lang yung maririnig niya. Tumingin sakin si Casper at nakikita kong nangingilid yung luha niya shet.

Love Tears of joy bayan or ayaw mona sakin?

Narinig kong tumawa ng mahina si Casper habang patuloy parin sa patak yung mga luha niya. Tears of joy baby. Thank you, promise araw-araw kong ipaparamdam kung gaano kita kamahal tulad ng papa mo.

Niyakap niyako ng sobrang higpit, shit masaya ako sobrang saya sana hindi nato matapos, araw araw ako magdadasal kay lord na kung hindi siya para sakin wag nalang.

Let's go na nga pinapaiyak mo'ko eh.

Hinila ko siya hanggang sa dumating kame sa cafeteria naabutan namin don sila Sebastian at Aoife na naglalandian habang si Leo at Harvey ay may sariling mundo Si theo nakain si Samantha nagbabasa ng libro, mukhang hindi parin sila okay hasyt.

Oh andito na pala yung love birds.

Sus tangina sa una lang yan!!

Natawa naman ako kay Leo masyado siyang bitter iniwan siguro to. Kumain na kayo kase tangina neto ni leo akala mo walang nagmamahal sakanya!!

Ulol ka Sebastian ikaw yung maraming nilamon dito.

Halos pinag titinginan sila at masyado ng kinikilig ang iba syempre ako sawa nako sakanila kase ginagawa nilang kapitbahay ang campus namin! Wala ba sila sariling campus hsyt.

Hey mauuna nako ha may pupuntahan pa kase kame ni Mom.

Tumingin naman kame kay samantha at tumango, hindi siya lumilingon kay Theo habang kame ay niyakap siya bago umalis. Pagtapos rin naman namin kumain ay kanya kanya rin kameng alis ipapaalam korin kay mommy na kame na ni Casper and for sure matutuwa yun dahil botong botong siya kay Casper. Ilalaban ko talaga to hanggang dulo walang matatalo.

Just a fan of yours (ON-GOING)Where stories live. Discover now