Chapter 36 Missing You

1.3K 21 51
                                    

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

(Habang nagbibyahe kami pauwi kina Tita, kinausap naman niya ako.)

TRAVIS: Mahal ko, naisip ko lang... Ano kaya kung one of these days, pumunta tayong Laguna?

SOPHIE: Bakit?

TRAVIS: Gusto ko na kasing personal na makilala yung mama mo.

(Sa sinabi niya, natahimik ako. Sa totoo lang kase, wala pa sa plano ko na ipakilala na siya.

Unang-una, ayoko pa rin kasing kausapin si mama dahil nga doon sa nangyari noon na hindi niya agad sinabe sakin yung totoo. Pangalawa, mas maganda kung medyo patagalin ko muna yung relationship namin ni Travis.

Oo, matagal na kaming magkakilala. Pero as a friend. Hindi bilang boyfriend. Basta, parang nandoon pa yung pag-aalinlangan na hindi pa ako sigurado sa kanya. Kaya dapat talaga, mas kilalanin ko pa siyang mabuti.)

SOPHIE: ...

[Napansin ni Travis na hindi naimik si Sophie.]

TRAVIS: Mahal ko, bakit naman natahimik ka?

SOPHIE: Uhmm, yung tungkol sa sinabe mong pagpunta sa Laguna... s-saka na lang muna siguro...

(Medyo nakungkot siya.)

TRAVIS: Bakit naman? Hm?

SOPHIE: Basta, wag muna ngayon... Di naman sa kino-compare kita noh... pero alam mo ba? Bago ko naipakilala sa mama ko si Shayne na boyfriend ko, 6 months na kami.

TRAVIS: Talaga?? Bakit??

SOPHIE: Bastaa... hahaha. Andaming tanong ihhh..

TRAVIS: Mahal ko, masama bang magtanong?

SOPHIE: H-hindi naman.. Ayoko lang kasi na pumunta muna doon. Kaya... next time na lang tayo pumunta. Hm?

TRAVIS: Okay.. Sige, next time na lang. Masusunod pa rin syempre ang prinsesa.

(Sabay ngiti naman niya sakin. Napangiti na lang din tuloy ako. Pagkatapos nun, nagpatuloy na lang siya sa pagda-drive.)

❤️❤️❤️

[LAWSON UNIVERSITY]

[LUNCHBREAK]

(Kakatapos lang naming kumain ni Travis. Bale pinapalipas na lang namin yung oras dito sa canteen kase may 20 minutes pa naman bago yung mismong oras ng next class namin.

Habang nagkatabi kami ni Travis, nakipagholding hands naman siya sakin.)

TRAVIS: Pag hawak ko talaga yung kamay mo, Mahal ko. Nagiging kalmado ako.

SOPHIE: Talaga??

TRAVIS: Oo. Basta, iba sa pakiramdam.

(Napapatingin naman ako sa holding hands namin. Sa totoo lang nandoon pa rin yung lungkot. Kase nga, hindi na yung kamay ni Shayne yung hinahawakan ko.)

TRAVIS: Wait lang. Picturan ko lang.

(Tapos, nakita ko na itinapat niya yung camera ng cp niya sa mga kamay namin.)

*[click]

TRAVIS: *[smiles] Ipopost ko to sa story ko.

SOPHIE: Bahala ka.

[Habang pinopost ni Travis yung picture ng holding hands nila ni Sophie sa FB, napansin na naman ni Sophie sina Shayne at Claire sa di kalayuan. Nakapuwesto rin sila sa isang lamesa, magkatabi rin at kasalukuyang nagseselfie-selfie.]

(Ngayong tinitignan ko sila bat nalulungkot na naman ako? Hayy. Ipipikit ko na nga lang muna yung mata ko saglit para hindi ko muna sila makita.)

...

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon