"I'm back." Sabi ko nang makapasok ako sa bahay. Nagpakalingon-lingon ako sa paligid ngunit hindi ko mahagilap ang ni isa man sa kanila.
Saan ba nagpunta ang mag-amang 'yon?
Imbes na hanapin sila'y dumiretso na lang muna ako sa kwarto ko sa may tabi lang ng kitchen. Nag-shower ako at nang makalabas akong muli, tsaka ko lang nakita si Chloe sa kitchen na nagluluto.
Amoy na amoy ko ang grilled rice na ginagawa niya kaya't bigla tuloy akong natakam dahil do'n. She noticed me and she smiled. "Ninong Tobi. Kailan pa po kayo nakabalik?"
Tumabi ako sa kanya habang nakapamulsa, "I just arrived minutes ago." Something was wrong with her kaya't sinubukan kong ilapat ang likod ng aking palad sa noo niya, "mukhang mainit ka. Dapat siguro magpahinga ka na muna at ako na ang tatapos diyan."
They never hires maids around kahit na mayaman sila. They hired a guard once pero hindi na rin nadagdagan pa mula no'ng dumating ako.
"Sige po." Matamlay nitong sagot at dumiretso sa may living room.
"Nasaan ba ang dad mo?"
"Nasa kwarto niya lang po. Kanina pa po siya may kinakausap sa phone."
After kong matapos ang niluluto. Hinanda ko na ito para kay Chloe. She smiled despite how weak it is. "Salamat po."
"You have your medicine?"
"Yes po."
"Good." I glanced upstairs kung saan ang kwarto ni Fin, "I'll just check on your dad."
"Sige po."
Umakyat na ako sa hagdan at habang papalapit ako sa kwarto ng kaibigan ko. I can literally hear aggressiveness from his tone of voice. Parang galit siya sa kinakausap niya sa phone na hindi ko naman marinig kung ano.
Ngayong nasa harap na ako ng pintuan niya, nagdadalawang-isip tuloy ako kung mang-iistorbo ba ako sa kanya o hahayaan muna siyang makatapos.
In the end. I knocked two times. Loud enough para mahinto siya sa pagsasalita sa loob. "Chloe, honey? Hindi ba sabi ko sa 'yo mamaya na? I'll cook you something delicious, I promise."
"It's me, Fin."
A little silence ensued bago ko narinig ang paglalakad niya papalapit sa pinto. Then when he opened the door, nakita ko kung gaano ka-problemado ang mukha niya. "Fin." Is all he could say habang nakatitig lang sa 'kin.
"What's wrong?" Isang tingin lang. Walang dudang may seryosong bagay na kinakaharap ngayon ang kaibigan ko.
He sighed, offering me to come inside which I did eventually. Pagkatapos niyang ma-lock ang pintuan, humarap agad siya sa 'kin with tight lips, "Tobias. I... I need your help." He sounded hesitant but at the same time, desperate for the assistance he needed. "Can you help me?"
"Anytime. Fin. What is it? Tell me everything from the beginning."
Dahil do'n, naupo siya sa kanyang kama, while clasping fingers together as it pressed against his mouth. I grabbed a chair at inilapit sa kanya bago roon naupo.
Nilingon niya ako, "Chloe is in danger, Tobias."
My eyes squinted. "Like I told you. Tell me from the beginning."
"Right." He sighed again. Napahilamos sa kanyang mukha bago nagpatuloy. "Shin Chul. Isang anak ng isang Chinese billionare na namamalagi sa bansa natin apat na taon na ang nakararaan."
"What about him?"
"Tinawagan niya ako kanina lang."
"Which one?"
"The son. He said he wanted to take my daughter as his concubine at ibigay ko raw siya sa lalong madaling panahon kung ayaw niyang sapilitan niya itong gawin."
Mas lalo akong naguluhan. "Why?"
"They are bastards."
"Obviously. Pero bakit nga?"
Natahimik si Fin sandali. "Actually. Alam kong hindi mo alam 'to pero. Dati akong miyembro ng grupo nila noon, Tobias. I just forced my way out pero kapalit no'n ay halos ang kamatayan ko at ang lahat ng yaman ko. And now. They came back and asking for my daughter."
"You can just ignore them. Wala ka nang koneksiyon sa kanila, hindi ba?"
"Yeah. That's what I thought. But those bastards! Nasa kanila pa rin pala ang mga impormasyong pwedeng magpatunay na sangkot ako sa napakaramig krimen sa bansa natin. Kapag nakita ito ng mga awtoridad."
"You'll get imprisonment and Chloe will be out of your care."
"Tobias, please." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "I need your help."
"Ano bang pwedeng gawin ko?"
He gulped. "You can... you... you can borrow the files from them."
"You mean to steal the files. I can't Fin."
"Pero kapag hindi mo 'to gagawin, mapapahamak kami pareho ni Chloe! Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo? Sinabi mong ikaw ang po-protekta sa anak ko kahit anong mangyari."
Napahinga ako nang malalim.
"Chloe's life will be ruined forever kapag nagdalawang-isip ka pa." He added with widened eyes.
Napayuko ako. "Fin."
"Tobias, please. Wala akong ibang maisip kundi ito lang. I need you."
"Alright." Inangatan ko siya ng tingin kaya't nakita ko ang tuwa sa mukha niya. "I'll do this, just for Chloe, and not yours."
Nangilid ang luha sa mukha niya habang nakangiti, "Of course. Of course. All of these are just for my daughter and my daughter alone. I just want to cut my ties with them completely."
Tumayo ako at namulsa. "I just want to make this clear before anything else, Fin."
"Okay."
"This is definitely illegal. And there's a high tendency I might get caught in the process."
"I know. They are powerful."
"But as a friend. And as a family. Sa lahat ng ginawa mo para sa 'kin. I think it's far more illegal to deny your request for help."
Two days later.
Around 11 o'clock of a one rainy night. I'm walking by the dark alleyway through an old mansion gate across the quiet road.
Just like what Fin told me. This is really a dangerous thing to do. Alam kong nagsisisi siyang ilagay ako sa sitwasyong ganito pero bilang kaibigan, naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon mayroon siya.
Illegal or not. I still owe a lot from my friend. And I guess, this is the perfect time for me to return that kind of favor.
"Hey. What's your business here, old man?" Two guards in black suit approached me. May dala-dalang mahahabang baril sa kamay.
Ngumiti ako sa kanila. Though they won't see it dahil naka-maskara ako.
"You looked suspicious." Then one of them aimed the gun at me. "Take that mask off, old man! Now!"
"Okay, Tobias. Rule number 1. Don't kill them." Bulong ko sa sarili ko.
"Anong sabi mo?" Tanong ng isa sa guard.
"Alisin mo ang maskar—"
With just a flicked of my finger, their guns suddenly twisted into shreds kaya't gulat silang napaatras pareho sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
Ghost System [COMPLETED]
FantasyAfter Tobias lose his power. The world doesn't need him anymore and got fired from his job as one of the protectors of the world. But that same day, he encountered a burglar in his apartment room and was shot through his heart. Tobias thought he die...