Chapter 9: Subject

34 4 0
                                    

It's not possible.

How could he still be alive after what happened to him? I saw him die down there. Exploded skull, toasted body. But seeing him now, parang hindi man lang ito dumaan sa kamatayan.

Though he's topless, at may kung anong sunog na tela lamang na ginawa nitong pangtakip sa ibabang parte ng katawan niya, wala akong makitang senyales na nasunog o may nabutas sa katawan niya.

Para bang. Hindi siya namatay.

He dropped the gun down and walked barefoot towards Nolan. Hindi ko alam ang gagawin maliban sa panoorin lamang siyang makalapit sa bangkay doon.

Sinipa-sipa niya pa ang katawan nito para masiguro kung ito nga ba'y patay na talaga. Then he sighed, "What's your name, old man?" Tanong nito nang hindi ako tinitingnan.

I was a bit hesitant to answer. Nanatili akong tahimik nang ilang segundo bago rin nagpasyang sumagot na lang din dito. There's no harm about it, I guess.

"Tobias." Maikling sabi ko.

Then he gazed over his shoulder, smirking. "Alam ko ang nasa isip mo ngayon, Tobias Valentine."

"Why are you still alive? I obviously saw you die."

He giggled. Looking so amused on how confused my look is right now. Hindi ako makapaniwalang nakikipag-usap ako ngayon sa taong namatay na kanina. It's almost like a dream. Or maybe this is really a dream. Ano bang nangyayari?

"You really wanted to know? Well. Let me demonstrate a little. Huwag kang pipikit." Saad nitong tila binibigyan ako ng makahulugang babala.

Ginawa ko ang sinabi niya. Hindi ko kailanman nilubayan ng titig ang lalaking ito, hanggang sa magsi-taasan ang kuko sa kanang kamay niya.

Bone configuration. Sa pagkakatanda ko, bihirang kakayahan lang ang tulad nito. Even it's impossible to be inherit maliban kung galing siya sa isang laboratory experiment. Nakaligtaan yatang sabihin ni Fin sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'to.

This guy is not normal. He's just like any heroes or unknown thugs around the city.

Pero hindi pa roon nagtatapos ang pagkabigla ko. Nang sa walang pag-aalinlangang ibinaon nito ang mga kuko sa sariling bungo sa bandang sentido nito.

My mouth gaped in disbelief. This is insane. Sa kabila no'n, pinanood ko pa rin siyang halungkatin ang loob ng ulo niya at hindi nagtagal, nang ilabas niya ang kamay doon, hawak na ng malagkit nitong kamay ang tila isang hard-drive.

And with just a spur of the moment, hindi napigilan ng katawan kong kumilos. Using my ability, I forced the air to steal the hard-drive away from his hand at pinalipad ito palapit sa 'kin.

Mabilis man 'yon, halos abot-kamay ko na sana ang hard-drive nang ito'y unang mahablot ulit ni Shin nang lumitaw siya sa mismong harapan ko. Nagulat ako sa bilis niya't hindi rin makakilos nang sabay nitong sipain ang sikmura ko.

I flew and hits the wall meters away from him. I groaned as I tried standing again. I think I broke some of my ribs. Nahirapan agad ako sa aking paghinga. This is unbelievable.

"Nakakadismaya. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan din kita pero tulad ka lang din pala ng Nolan na 'yon. Sigurado ka bang hindi kayo magka-dugong dalawa?" Nakita ko kung paano niya ibalik sa loob ng utak ang hard-drive na 'yon.

Then his holed skull started regenerating until it came back to normal na parang wala lang nangyari.

There's no doubt about it. He's definitely a subject. And the most dangerous one, not that I know every single one of those illegal lab rats in the city. Pero ang isang 'to. This is by far the deadliest of them all.

He had high speed control. A special bone configuration ability and the most annoying part is, he can regenerate any sorts of injuries within seconds.

Paano ko pa makukuha ang hard-drive na 'yon kung ganito pala ang kailangan kong harapin. Decapitating him completely might do the trick, but that's easier said than done. But if that's the only way to disable him, I will never hesitate to try.

"Sabihin mo, hindi ka naman siguro dating kasamahan ng papa ko, hindi ba?" Tanong niya.

"I'm not."

Napaisip siya dahil do'n, "Then who are you? Ngayon lang din kita nakita at para namang wala ka ring planong sumali sa organisasyon ko."

"You should know that I'm not obliged to tell you anything."

He smirked. "But you told me your name. Mr. Tobias Valentine."

Yeah. It's a mistake. Dammit, Tobias, wala ka na talagang ginawang tama sa buhay mo.

"Ano na lang kaya ang sasabihin ng lahat kapag nalaman nilang patay na ang head captain ng Hero Section 2? At mas malala, paano kung malaman nilang ikaw ang pumatay sa kanya?" He said as he pointed at me, "and then, I'll upload a video feed as a proof, malamang hindi na sila makakatanggi pa kundi paniwalaang mamamatay-tao ka."

My eyes squinted, "Video feed? What do you mean video feed?"

Mas lalong lumawak ang ngisi nito bago tinuro ng hinlalaki ang isang anino sa may second floor ng bulwagan. It's a CCTV camera. There's five of them around here kaya't mabilisan kong sinira ang mga ito gamit ang kapangyarihan ko.

"That's pointless," he chuckled.

"You can't do this!"

"Obviously I can." Then his eyes squinted, "unless you want to tell me who sent you to steal the hard-drive."

"If I tell you. Would you promise not to frame me?"

"Foolish." Then in a blink, lumitaw siya sa likuran ko, with both our backs facing each other, "it depends, old man."

I heaved a deep sigh. "Fin sent me."

"Fin! Of course! So he's your friend! Sinasabi ko na nga ba't gagawin niya rin 'to pero masyado yata siyang mabilis." He exclaimed, bago ito nasundan ng halakhak.

"Nakakaawa ka naman." Naglakad siya't humarap sa akin. Namaywang habang nakalapat sa balikat ko ang isang kamay, "pero gawin pa nating mas kapana-panabik ang sitwasyong ito."

Masama ko siyang tinitigan habang siya naman ay hindi maalis ang ngiti sa mukha. "Huwag ka namang ganyan. Nakakailang ang mukha mo, mas lalo ka lang tumatanda.

Umatras siya't huminto apat na metrong distansya sa akin habang nakatago sa likuran ang mga kamay. "May gusto sana akong ipagawa sa 'yo. Tobias Valentine. At kapag hindi mo ito nagawa sa loob ng isang araw, ako mismo ang gagawa no'n kasama ang pagpapakalat ng video footage na nakuha ko."

Naikuyom ko na lang ang aking kamao. Hindi ito maganda.

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon