Chapter 17: Comeback

29 1 0
                                    

The rain was accompanied by a strong gust of wind. The car stopped infront of a mansion with a big gate. Mukhang may bagyo ngayon dahil habang patagal nang patagal, lumalakas lamang ang ulan at hangin.

"Tama ba talaga ang lugar na napuntahan natin?" I sounded doubtful pero tinawanan lamang ako ng kaibigan ko.

"Wala ka yatang tiwala sa 'kin, kaibigan," may kinuha siya sa likod ng upuan at ito'y isang payong. Inabot niya sa 'kin ang bagay na ito, "I'm not a hero but you are. Save them both, Tobias. Along with all the rest of us."

"Funny to hear that you're ordering a dying man like me with such an important role like this."

He laughed, "Well. At least you can die a hero. Hindi nga lang para sa lahat ng tao. But, I can think something to fix your name after."

"You do what you do. And I'll do mine." Tinanggap ko ang payong.

"Decent!" He exclaimed, "sounds like a perfect deal."

"Not for me, I guess."

Natawa na lamang siya. Habang binuksan ko na ang pinto at lumabas sa kotse na nakasilong sa payong na dala ko.

For the last time, I can see Pablo cheering for me from inside the car kaya't wala na rin akong sinayang na sandali. Naglakad na ako palapit sa gate, but before the cctvs could capture me approaching the premise, dinurog ko na ang mga ito.

Nayupi ng kapangyarihan ko ang bakal na tarangkahan kung saan ko diretsong naipasok ang sarili, kung saan tuloy-tuloy ang aking paglalakad hanggang sa mahinto ako sa may hardin nila.

Napalibutan agad ako ng mga taong bantay sa parteng ito. Some of them had a gun and some were holding swords.

Tinanggal ko ang ilang butones ng suit sa bandang collar para medyo lumuwag ang pagkilos ko.

Kakaiba ang pantalon na suot ko. It's strechable, while the shoes also was too comfortable. Matibay itong gaya ng bakal ngunit magaan lamang sa pakiramdam.

Doctor Xeran's really a genius man. Kailangan ko siyang pasalamatan pagkatapos nito. Just in case I don't die here.

"Paputukan siya!" Sa hudyat ng isa sa kanila, seven out of ten guards fired their guns towards me from different angles, pero gamit ang kapangyarihan ko'y naigiya ko ang mga bala palihis na tumama lang din sa mga ulo nilang lahat.

Four got hit on the head, dying instantly pero may ibang naka-ilag at muling nagpaputok. The bullets couldn't penetrate me. I'm feeling a little bit stronger and stable now. Salamat din sa kakaibang treatment na ginawa ni Doctor Xeran sa 'kin, mukhang mas tatagal ako sa labang ito.

Those with swords, got my attention kaya't bago pa man din sila maka-atake, kusa kong binali ang mga braso nila't kusang winasiwas ang mga sandatang pumugot din sa sariling mga leeg nila.

Too many of them died in a blink. Until one of them remains na naubusan ng bala. "Halimaw siya! Kailangan ng backup!" He shouted at his radio, kasunod no'n natapos ang reload niya't nagpaputok.

I sighed, stopping the bullet between my fingers bago iyon pinitik pabalik sa kanya't tinamaan agad sa kanyang noo at butas ang bungong bumagsak kasama ng iba.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa kusa kong nabuksan ang pintuan sa mismong bulwagan ng lugar.

"Papa!" Narinig ko na lang ang sigaw ni Chloe mula sa pangalawang palapag.

She's been dragged by Shin on the arms habang ipinapasok sa isang kwarto. "Chloe!" I tried to ran after them but the lights of the hall suddenly turned dark. It's just a split second and it turned back on, pero kasabay din no'n, isang samurai ang lumitaw sa harap ko't halos pulgada na lang ang distansya bago mapugutan ang leeg ko.

Nanlaki ang mata ko ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ko salubunging kagatin ang espada niya't basagin ito mismo sa gitna ng kanyang pagwasiwas.

With his sword broken, hindi iyon naging hadlang para magpalitaw siya muli ng isa pang katana mula sa hangin at mula naman sa aking likod, winasiwas niya ang espada sa batok ko.

Nalingon ko agad siya't muli akong pumasok sa utak niya. Nanlaki ang kanyang mata't natigilan sa pag-atake sa 'kin habang nanginginig, "Pambihira." Naging bulong nito bago binaliktad ang talim ng espada't itinutok sa kanyang sariling leeg, at walang pagdadalawang-isip na tinapos ang sariling buhay.

Siya si Jin. Isang bihasang samurai hero na kayang gumawa ng patalim mula sa hangin sa isang iglap lang. Malakas siya dahil isa rin siyang kilalang head captain ng Section 10. Nakapanghihinayang. Maski rin pala siya'y isa rin sa galamay ng Shin na 'yon.

"Tsk. Walang kwenta. Hindi man lang siya tumagal sa laban." Pamilyar sa 'kin ang boses na 'yon.

Nang mapalingon ako sa likod, nanlaki ang aking mata nang makita ko si Zedd na sinalubong agad ako ng suntok sa sikmura. His fist penetrated the magnetic field kaya't dumiretso sa katawan ko ang tama ng atakeng 'yon.

Bumulusok ako't bumangga sa pader na naiwan kong may malalim na pagkabitak. Zedd smirked at me, shaking his fist after the punch, "Medyo matibay ang panangga mo, tanda. Pero mukhang nagkamali ka nang tantiya sa lakas mayroon ako."

Umayos ako nang pagkakatayo, "Sa palagay ko tama ka naman. Pero magagawa mo ba iyon ulit sa pangalawang tira?" Hamon ko naman dito.

Nakakadismaya lang dahil ang akala ko pa naman, hindi siya kasama sa organisasyong ito. Ang hirap na talagang magtiwala sa mundong ito.

His body emits a strong electricity before disappearing in my sight. Napapansin ko lang ang paligid kung saan siya tumatakbo dahil nag-iiwan ang daan niya ng senyales ng kuryente at nawawala rin agad.

Still. I couldn't guess where he'll run from before he attacks. Binalot ko na lang ng malakas na magnetic field ang katawan at sinandal ang likod sa pader.

And not that long, lumitaw na lang siya sa gilid ko't buong lakas na iwinasiwas ang kumikidlat na kamao tungo sa pisngi ko.

But to his surprise, mas mabilis ko ring naiharang ang palad at nahawakan ang mismong kamao nito bago pa ako tamaan.

Kumawala ang malakas na kidlat sa atake niya at kasabay no'n, using my other fist, I pounded his head on the wall beside us in a blink.

Halos durog ang mukha nitong dumikit na sa pader na iyong muntik nang gumuho sa sobrang lawak nang pagkakabitak.

"Hm. Too bad. Looks like you can't do it after all."

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon