Chapter 15: Station

24 3 0
                                    

"What are you doing, Mr. Valentine?! Stop this now or else you'll face pretty much more consequences in the end!" Sigaw sa 'kin ng imbestigador nang may panggigigil. He also pulled out his pistol pointing at me.

Tinitigan ko siya nang masama, "You don't understand a single thing here. That child's life will be ruined if you won't let me go now and if that happens ikaw ang babalikan ko!"

Kasabay no'n, nabasag ang salamin sa aming tabi kung saan sunod-sunod na nagsipasok ang mga sundalo kasama na ang kilalang head captain ng Hero Section 7. Si Gallupi. Mataas ang tindig niya't nakasuot ng itim na tuxedo. "Alamin mo ang sitwasyon mo, Tobias Valentine. Kapag tumakas ka ngayon hindi ka pa rin magiging normal na mabubuhay kailanman. Hindi mo matatakasan ang batas!"

"Itaas mo ang mga kamay mo at dumapa ka!" Sigaw muli ng isa sa mga sundalo.

Naging tahimik ang paligid ng ilang segundo. Walang sinuman sa kanila ang nagbaba ng baril habang nakatutok lamang sa akin ang mga ito. Hanggang sa magpasya akong dahan-dahang itaas ang kamay ko, ngunit mabilisan ding inihampas sa sahig.

Kasunod no'n, mala-lindol na lakas gawa ng vibration ang sunod na naganap at magtalsikan ang pira-pirasong semento nang magkalat din ang bitak sa paligid.

Nawalan nang balanse ang lahat maliban kay Gallupi na hindi alintana ang pag-iiba ng inaapakan niya't walang takot na tinakbo ang direksyon ko.

Winasiwas ko naman ang hangin sa kanya dahilan upang magtalsikan ang napakaraming piraso ng semento pasalubong sa kanya, ngunit agad din siyang naglaho roon at sunod na napansin ko'y nakayuko na siya sa gilid ko. Nakalapat ang dalawang kamay sa sahig at sa isang iglap, kinontrol nito ang galaw ng semento sa paligid ko't mabilis ako nitong binalot na parang isang bangkay sa loob ng nakatayong kabaong.

Ngunit dahil din sa magnetic field sa katawan ko'y hindi tuluyang dumikit ang semento sa aking balat, kundi malaya ko lamang itong naigagalaw na mabilisang binutas ang semento't dumiretso ang kamay kong nasakal si Gallupi roon.

My grip tightened on his neck kaya't sabay ko ring pinatalsik ang mga semento paalis sa katawan ko.

"Imposible! Masyado siyang malakas!" Ungol nito na hinawakan ang aking braso't lumingon sa mga sundalo, "paputukan niyo siya!"

Hindi na rin nag-atubiling kalabitin ng mga ito ang gatilyo ng baril kaya't daan-daang bala agad ang bumulusok sa akin.

But the bullets, no matter how fast they fly, they would always stop midair inches away from my face and body.

I heard Gallupi groaned bago rin humulma ng kutsilyo sa kamay bago ito sinubok isaksak sa 'king braso, ngunit ginamit ko ang bilis niyang 'yon upang maigiya ang kamay niya para masaksak ang sarili nitong leeg gamit ang aking isang paa.

The dagger pierced through his neck clean, as blood gushes out of his wound. Nanlaki ang mata ni Gallupi sa gulat, kasabay na napahinto rin sa pagpapaputok ang mga sundalo.

"S-si Gallupi!"

"Napatay niya si Gallupi!"

"Imposible!"

"Humingi kayo ng tulong!"

"This is an emergency! Gallupi is heavily injured! Reporting for an immediate backup and a healer! I repeat, Gallupi's in grave danger reporting for an immediate backup!"

Gallupi tried to talk with his trembling mouth pero walang tunog na lumalabas dito.

"Paputukan niyo siya!"

"We're losing Gallupi on sight!"

"It's too late!"

"This is bad! Kill that man!"

Bumagsak si Gallupi sa lupa as the light leaves his very eyes. Sunod-sunod na putok ng baril ang ginawa ng mga sundalo. Ngunit pinalihis ko lang ang mga bala pabalik at tinamaan silang lahat sa kanilang mga kamay at paa.

Sabay-sabay silang bumagsak at namimilipit sa sakit nang daanan ko lamang sila. Lumabas ako sa estasyong iyon nang malakas ang kalabog ng aking dibdib. Mabilis ang daloy ng aking pawis habang pilit kong pinapanatiling gising ang aking katawan.

I need to find Chloe as soon as possible. Damn that Fin, napakabilis niya lang talagang sumuko kapag hindi umaayon sa kanya ang lahat! But I'll prove him wrong. Ililigtas ko sila pareho anumang mangyari.

As soon as I got in the middle of the road, a strong gust of wind came in as a blinding spotlight covered me from behind. Nang mapalingon ako rito'y isang helikoptero ang lumitaw sa himpapawid pitong metrong distansya mula sa lupa.

Nakasakay dito si Pleijen. May kakayahan siyang maglaho sa mata ng tao, at gano'n din ang nagagawa niya sa mga bagay na nahahawakan niya. Isa lamang siyang hero na kasapi sa Section 8. Kahit siya rin pala'y naging tao-tauhan na rin ng Shin na 'yon.

"Huminto ka na sa ginagawa mo, Tobias Valentine!" Sigaw ni Pleijen gamit ang isang mikropono. "kapag kumilos ka pa ngayon, pwede mo itong ikasasama kaya kung ako sa 'yo, itaas mo ang mga kamay mo at dumapa ka ngayon sa lupa! Gawin mo na kung ayaw mong mabutas ang bungo mo!"

Pansin ko ang katabi niya sa helikoptero na iyon na may nakahandang sniper at nakatutok ito sa akin. Maingay ang sinasakyan nila't walang tigil din ang pagkalat ng hangin sa paligid dahil dito.

Itinaas ko ang aking isang kamay ngunit kasunod no'n, mabilis ko itong ikinuyom dahilan din para mag-rolyo ang pakpak ng helikoptero sa harap ko. Nasira ang balanse nito't natigil ang kanilang paglipad na bumagsak agad sa gitna ng kalsada.

Aksidenteng nakalabit ng sniper sa sasakyan ang gatilyo at ang bala'y dumiretso na sana sa noo ko pero pinitik ko ito pababa. Bumaon doon ang bala na umuusok. Nakababa si Pleijen sa sasakyang hindi na gumagana at galit akong tinitigan, "Sinabi kong tumigil ka na!" Sabay naglaho na lamang ito sa paningin ko.

Ngunit kahit hindi ko siya nakikita, pinadyak ko lang ang isang paa sa lupa't lumikha iyon ng vibration. Umangat ang semento't nagkabitak at nakita kong muli si Pleijen na naka-angat sa ere habang gulat na gulat.

Sinubok niya akong suntukin pababa kasabay nang paglapag niya ngunit winakli ko lamang siyang parang hangin dahilan para siya'y pagilid na tumalsik at dinurog ng katawan ang pader ng estasyon at doon nawalan ng malay sa loob.

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon