Chapter 7: Barbaric

37 5 0
                                    

I noticed how Shin Chul's dying face turns to me, laughing as he catches his breath because of the pain. "You're also here for the hard-drive, I think? Sorry old man but it's not here. It's never been here. Pareho lang kayong dalawa na nagsasayang ng oras, hindi niyo mananakaw ang bagay na 'yon kahit ano pang gawin niyo!"

Then I saw Nolan's expression darkened, "Is that true, Mr. Valentine?" Hindi niya maalis sa 'kin ang tingin niya, "you're also after the hard-drive?"

Dammit. Mali ang naging kilos kong magpakita pa sa taong 'to sa ganitong klase ng lugar. "It's not what you think it is, Nolan."

"Oh yeah? Prove it. What else are you here for? Huh? This guy is a syndicate, matagal na namin 'tong hinahanap pero ang tanging bagay lang na makapagtutunay na sangkot siya sa lahat ng krimeng 'yon ay ang hard-drive na 'yon. And then there's you. Convince me that you're not here for something sinister, Mr. Valentine. Convince me."

Napalunok ako. I'm trapped. I can't think of anything to avoid this situation at all. Ganito pala ang perspective ng mga kriminal na nahuhuli sa akto. Hindi talaga ako bagay maging isang kriminal.

I took off my mask and sighed, "I'm... I'm here for the hard-drive." I confessed. Walang saysay kapag nagsinungaling pa ako.

Napangiti muli si Shin Chul at nilingon si Nolan. "Pa'no pala 'yan, Nolan? May kaagaw ka pala rito. Sayang naman. Naging maganda ang samahan natin ng tatlong taon, hindi ko inasahang ikaw lang din pala ang tatraydor sa 'kin."

Nabigla ako sa aking narinig. Nakita ko rin kung paano mandilat ang mata ni Nolan at tila mabangis na hayop na tinitigan si Shin Chul at tinutok dito ang baril, "Buwisit, masyado kang madaldal." he then pulled the trigger as another bullet was fired.

It penetrated the guy's skull na sa sobrang lakas ng bala, tumagos pa ito sa ulo at tumama sa pader.

Napaatras ako sa pagkagulat. "Nolan. What the heck?!"

He groaned in annoyance as he pointed the gun back at me, "This is worst than expected. Wala 'to sa plano."

"Nolan, what are you doing? Ibaba mo ang baril na 'yan, ngayon din!" I shouted. Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko. So he's also one of the syndicate, that explains why he also wanted the hard-drive.

At sa paraan ng pagtitig at pagpatay niya sa lalaking iyon, masasabi kong hindi na ito bago pa para sa kanya.

"Hindi ka dapat nandito." He said as he pulled the trigger numerous times.

"Nolan!" Three bullets was fired towards me. Napigilan ko ang mga balang ito gamit ang kapangyarihan ko.

Nang makita ito ni Nolan, nanlaki ang mata niya't muling nagpaputok sa 'kin pero pinapatalsik ko lang pagilid ang mga iyon. "So you're not lying about it, then! Your powers really came back!"

Kung saan-saan na tumatama ang mga bala. Sa mga pipes, sa sahig, sa pinto sa kisame at pader. "Nolan, stop this right now!"

"I can't, Mr. Valentine! Kailangan kitang patayin dito!" Naubos ang bala niya kaya't kasabay ng kanyang pagbitiw sa baril, nag-apoy ang dalawang kamay niya.

"Why?! Because of what I heard from that guy?! Fuck it, Nolan, he's already dead!" Sigaw ko naman sa kanya.

"But you are alive. And I don't like witnesses." He released a tremendous amount of flame toy direction kaya't napamura akong agad binalot ng magnetic field ang paligid ko.

"Nolan!" I screamed as the surrounding started melting as it catches fire in less than seconds. The walls cracked as the pipes explodes around.

Masyadong luma ang basement na ito para tumagal sa ganitong uri ng temperatura. Nakikita ko ang katawan ni Shin sa tabi na nabalot na ng apoy at kunting-kunti'y buto na lang ang matitira rito.

"Just die, old man!"

I gritted my teeth more as I flicked my fingers from both hands, na sa sobrang lakas pala no'n ay kumawala ang napakalakas na ball of shockwave sa katawan ko.

The surroundings cracked even more as the fire disappeared kasabay nang pagtalsik ni Nolan paatras. Bumangga siya sa pader at ito'y nagkaroon ng bitak.

He vomited blood as he tried standing up. Staring at me with much more hate. "What the heck, old man? Never expected you to pull that off."

I stretched out my palm to him, "Nolan. We can still talk this through. There's no need to fight."

He smirked as more blood escapes his lips. "It's too late, Mr. Valentine. You already heard my secret."

Kaasar! Hindi siya nakikinig sa 'kin! As much as possible. Ayokong humantong sa patayan ang sitwasyong ito. I don't like him, yes. But I don't want to cross the line where I need to kill him for it.

"We can help each other," I still tried to explain to him my intention, "I'm looking for the hard-drive so as you. We can search it together."

"We can't find it. He's already dead."

My lips tightened as I took one last glimpse of Shin's toasted body, "Yeah. You just shot him." I said raising my eyebrows in disappointment.

"And now you're going next." He said as he pulled out a knife from his suit pocket, covering it in fire as he throws it at me.

He's far more barbaric than I thought. Pinatigil ko lang sa ere ang nagliliyab na kutsilyong iyon, inches away from my hand.

Pero mas marami pa palang kutsilyo ang nakatago sa katawan niya kaya't matapos niyang paliyabin lahat ng iyon, sunod-sunod niya ring ibinato ang mga ito sa 'kin.

Kaya't wala akong ibang magawa kundi simulang ilagan ang ilan, at patalsikin naman ang iba hamit ang kapangyarihan ko. Habang ginagawa ko 'yon, dahan-dahan din akong lumalapit sa kanya.

The knives throws stops at ngayo'y nasa mismong harapan na niya ako, "Tumigil ka na!" I shouted as I released a palm push shockwave sa dibdib niya. Pero kabigla-biglang nailagan niya ito't diretso sa pader ang nagkaroon agad ng bitak.

Bago niya rin inikot ang katawan at litaw sa likod ko, bago sinubukang ilapat ang palad doon at pinasabog nang pagkalakas-lakas. Nabalot agad ako ng usok dahil doon ngunit hindi ako natupok ng apoy nang masabay kong protektahan ang sarili ng magnetic field sa buong katawan.

I gazed back to him as I grabbed his collar before pinning his back on the cracked wall, na sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko mas lalong lumaki at lumala ang bitak doon.

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon