Chapter 6: Basement

47 5 0
                                    

"W-who are you?!" They both panicked, as one of them took out a knife from his waist. "Sabihan mo ang nasa loob!" Utos niya sa kasama ngunit bago pa man ito makatawag sa radyo'ng nakadikit sa balikat niya, I crushed the air with my hand at gano'n din ang nangyari sa radyo niya.

"What the?!" Tumakbo siya para pumasok sa loob ng gate but I pulled the air towards me kaya't silang dalawa rin ang nahila palapit sa 'kin.

Hand chops their napes in a blink as they both dropped sleeping on the cold wet ground. Pinalutang ko 'yong kutsilyo ng isa at dinurog bago iwan doon at pumasok sa mansiyon ng tahimik.

Luckily. Wala pa akong nakikitang CCTVs sa paligid kaya't mabilis akong nakapasok sa loob ng bahay. This is too reckless for a house of a rich man.

Naglalakad na ako sa pasilyo ng lugar. Ilang liko na ang ginawa ko, ngunit sa sobrang lawak nito, hindi ko malaman kung saan ako magsisimulang maghanap. Fin told me based to how he could still remember, Shin Chul is the sole owner of the hard-drive where all the informations of the organization were stored.

Fin isn't sure kung saan na iyon naitago ngayon, but last thing he remembered, it's hidden inside Shin's watch. Pero hindi rin 'yon sigurado. Kilala ng lahat sa organisasyon si Shin Chul bilang isang maingat na lider, mana lamang sa ama niya.

Maliban sa kanya, wala ng kahit na sino pang taong nabubuhay ngayon ang maaaring nakaka-alam sa kung saan nga ba talaga nakatago ang hard-drive na 'yon.

Halos iginugol ko ang kalahating oras para maglibot sa paligid. Opening every close doors for possible clues which ended a complete waste of time. I sighed as I went downstairs through a basement. This is the last part of the house na hindi ko pa napupuntahan.

Shin Chul's nowhere to be found, even sa office niya sa may second floor. Nakapagtataka lang talaga na hindi gano'n ka-secured ang mansiyong ito gaya ng inasahan ko. Masama ang kutob ko rito.

Nakarating ako sa dulo ng hagdanan. Kaunting nakabukas ang pintuan nito kaya't sinubukan kong sumilip sa loob.

This basement is crappy. May kaunting ilaw sa ma-alikabok na kisame'ng halos abutin na ng ulo ko sa sobrang baba. Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin. May karugtong na pasilyo sa kanan ko at doon ako nagpatuloy sa paglalakad.

Medyo madilim itong daanan. Ngunit hindi rin katagalan, nang marating ko ang dulo nito'y panibagong pintuan ulit ang aking naabutan.

I was about to grab the doorknob when I heard continuous groans inside. Hindi lang 'yon. May naririnig din akong parang bagay na kumakalabog. Sounds like someone's punching someone, which results the groans I heard from it.

"Tama na! Pakiusap!"

"Give me the hard-drive, now!"

Kilala ko ang boses na 'yon. One of them is unknown to me, pero 'yong pangalawang nagsalita, there's no doubt about it. It's probably him.

Something's definitely going on here. Why is he beating someone in this place?

The beating continued. Habang ako naman ay hindi maatim na buksan ang pinto upang makita mismo kung ano ba talagang nangyayari sa loob. Instead, I decided to pressed my ear on the door hoping to hear more clearer on the other side.

"Pakiusap. Tama na." Hingal na sabi ng boses na hindi ko kilala. "ibibigay ko sa 'yo ang gusto mo. Pera, kayamanan kahit na ano!"

Then the other guy punched him again as I heard a jaw cracked. Sinundan pa iyon ng sunod-sunod pa hanggang sa mapa-ubo ang lalaki sa hirap ng kanyang paghinga.

"Wala ka talagang naiintindihang kahit na ano." Muli. Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "saan mo itinago ang bagay na 'yon? Huling tanong ko na ito sa 'yo, Shin Chul."

"Wala kang makukuha sa 'kin maliban sa kayamanan ko!" Natatawang sagot naman nito. "nagsasayang ka lang ng oras mo!"

"Kung gano'n magpahinga ka na."

Muling natawa ang lalaki ngunit napapasabay din ang pag ubo nito. "Kapag pinatay mo 'ko ngayon, hinding-hindi mo na makukuha ang impormasyong kailangan mo. Isa pa, kapag nawala ako, lahat ng impormasyong 'yon tuluyang kakalat sa buong mundo at walang sinuman ang kayang pumigil nito. Ano. Subukan natin? Patayin mo 'ko."

Isang pagkasa ng baril ang narinig ko sa loob. Anong gagawin niya? Talaga bang gagawin niya? Hindi. Hindi pwede. Kapag namatay si Shin Chul dito, pare-pareho lang kaming walang mapapala rito.

Narinig ko ulit ang pagtawa ni Shin Chul. "Ano pang hinihintay mo? Gawin mo na!"

I gritted my teeth as I grabbed the doorknob infront where I was leaning. Nagdadalawang-isip pa ako kaya't hindi ko agad magawang buksan ang pintong ito.

Dammit! Just open it!

"Anong problema? Gawin mo na! Iputok mo!" Hanggang sa makarinig na lamang ako ng putok sa loob mismo kasunod no'n.

Sa gulat ko'y agad kong nabuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa sahig, nakatali sa poste at duguan ang kanang binti nito.

It's whole face has swollen. Sigaw agad nito ang umalingawngaw sa maliit na kwartong ito ngunit hindi rin nagtagal, nalipat ko sa lalaking may hawak ng baril ang tingin.

He was shocked as he pointed the pistol towards me. "Mr. Valentine?"

He's still calm about it.

"Nolan. What's the meaning of this?" Tanong ko agad sa kanya.

"Ikaw. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya naman pabalik.

"Ako ang unang nagtanong sa 'yo, Nolan."

He smirked. "Hindi ko obligasyong sumagot sa tanong mo. Isa pa, retirado ka na. Anong ginagawa mo sa lugar na 'to? Teka. Huwag mong sabihing, kasapi ka ng taong 'to!"

"Nagkakamali ka."

"Then why are you here?!" He raised his voice.

Sumingkit ang mga mata ko. Hindi ko pwedeng sabihing nandito ako dahil sa hard-drive dahil malamang magtatanong siya kung bakit ko 'yon kailangan.

"You're a civilian now, Mr. Valentine kaya't uulitin ko ang tanong," mas hinigpitan pa nito ang kapit sa baril niya nang magpatuloy ito sa pagsasalita, "why are you here?"

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon