May napapansin ako sa hindi kalayuan na may paparating pang mga sasakyan ng pulis. At habang muling itinututok no'ng sundalo ang sniper niya, binali ko na lang ang baril niya't tuluyan na lang din siyang napahinto't napatago sa sirang sasakyan na iyon. "Dammit! We need an immediate assistance! Pleijen's down! I repeat, Pleijen's down! Kailangan pa nang dagdag na hero para tumulong dito!"
Balak ba nilang pakilusin ang buong hukbo ng heroes para lang mapigilan ang isang namamatay na taong gaya ko? All I want is to ensure Chloe's safety. Kapag nagawa ko 'yon, pangako kong ihihinto ko na itong lahat.
But it's too late to explain to them now. Sa mata ng lahat, isa na lamang akong delikadong kriminal ngayon. Hindi ko na sila masisisi, pero huwag din sana nila itong ikasasama. Sa sitwasyong ito ngayon, hindi na uso ang makipag-negosasyon nang mapayapa.
"Ayon siya!" Napalingon ako sa likuran ko't mula sa hindi kalayuan, lagpas sa limang hero agad ang namataan ko.
"Hindi ka na makakatakas, tanda!" Isa na rito si Zedd. May kakayahan siyang tumakbo sa pambihirang bilis at may lakas din itong kagaya ng isang higante. Siya ang head captain ng Section 9.
Sa dami ng mga head captain na dumadating, hindi ko na talaga malaman kung sino ang kasapi at hindi kasapi sa organisasyon ni Shin Chul.
Kidlat naman sa bilis na lumitaw si Zedd sa harapan ko't nagpakawala ito ng suntok sa aking mukha ngunit gumawa agad ako ng magnetic field sa pagitan namin.
Kumalat ang enerhiyang taglay ng kanyang atake sa lupa't hangin. Bukod do'n, nagawa niya rin akong mapatalsik nang ilang metro. Pumadyak siya sa kinatatayuan at ito'y nagkabitak bago ngumiti sa 'kin nang malawak, "Heh! Malaki na ang pinagbago mo, tanda. Akala ko ba nag-retiro ka na dahil nawala na sa 'yo ang kapangyarihan mo?"
"Wala kang naiintindihan sa sitwasyong nakikita mo. Zedd, makinig ka, kasapi ka ba ni Shin Chul o hindi?"
Napakunot ang kanyang noo. "Bakit mo naman natanong? Sino ba ang Shin Chul na ito? Siya ba ang nag-utos sa 'yo na gawin ito?"
Hindi ko malaman kung nagkukunwari lamang siya o hindi. Kaasar. Wala akong oras para alamin pa 'yon.
Napasuka ako ng dugo kaya't napaluhod ko ang isang paa't napahawak sa aking lalamunan. Ito na naman! Huminto ang tibok ng aking puso. Matagal iyon kaya't taranta akong napadilat sa aking mata. Naibuka ang bibig at desperadong lumanghap ng hangin ngunit walang gustong pumasok.
Pero tila kuryenteng muling bumalik din ang tibok nito makaraan ang limang segundo. Napaubo ako't napasinghap ng malalim. Sunod-sunod iyon. Kainis! Para ba akong pinaglalaruan ni kamatayan ngayon.
Para bang sinasabi niyang pwede na niya akong kunin anumang oras na nanaisin niya. At iyon ang hindi ko maaaring payagan hangga't hindi ko nakikitang muli si Chloe.
"Hindi ko alam ang kalagayan mo, pero utos sa 'kin ay iligpit ka. Kaya wala sanang samaan ng loob, tanda!" Sabay kidlat na tumakbong muli papalapit si Zedd sa akin.
Nang muli akong tuwid na nakatayo, siya ring paglitaw niya sa likuran ko. Gamit ang mala-halimaw nitong suntok, inatake niya ako sa aking batok ngunit sapilitan ko ring napahinto ang paggalaw niyang halos ikamatay ko na.
Pulgada ang distansya ng kanyang kamao ngunit ang enerhiyang dala ng atake na iyon ay nagpabitak sa lupang pinapaligiran namin. And as an exchange of that tremendous move to stop him, napasuka akong muli ng dugo.
Gumilid ako sa kanya't buong lakas na pinuntirya ang batok niya ng sipa't bagsak ang kanyang mukha sa lupang wala ng malay.
"Tobias Valentine! Huminto ka ngayon din!" Si Vaolen, isa ring kasapi sa hukbo ni Zedd ay humarang sa akin at umakmang gagawa ng enerhiyang yelo para ako'y patigilin ngunit sa tindi ng nararamdaman ko sa kapangyarihan ko.
BINABASA MO ANG
Ghost System [COMPLETED]
FantasyAfter Tobias lose his power. The world doesn't need him anymore and got fired from his job as one of the protectors of the world. But that same day, he encountered a burglar in his apartment room and was shot through his heart. Tobias thought he die...