Nang marinig ko ang lahat ng paliwanag ng doktor. Halos hindi ako makapaniwalang humihinga pa rin ako sa sitwasyon ngayon ng katawan ko.
To sum it all up, I'm literally a dead man lying on this hospital bed with just a slightly functioning heart na kahit anong oras ay maaari na lamang huminto sa pagtibok.
"Maiwan ko na muna kayo rito."
"Thank you, doc." Ngumiti lamang ng bahagya ang doktor sa kaibigan ko bago umalis.
Nang kami na lang ni Fin ang natira rito, napahinga ulit siya nang malalim kaya't tinitigan ko siya. "You don't have to blame yourself to it, Fin."
"But it's my fault."
"I told you. It's not."
Napaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ng kama ko at napakapit ang mga daliri nito sa isa't isa. "Shin Chul's probably on the move now. And Chloe's still not safe. Ano na lang ang gagawin ko kapag nawala ka?"
"I can still fight for her, Fin."
Napalingon siya sa akin, "Tobias. You can barely even stand in your state. Isa pa... you're... you're already dying. Just to protect my daughter from them. I can't ask you enough after this. You already did what you could. It's too much to ask more from it."
I sighed, crossing my arms against my chest, "Dami mo namang sinasabi."
"I'm serious, Tobias."
"What am I supposed to do here? Wait for my death?" Sumbat ko rin.
"At least... try to recover."
"You heard what the doctor said, didn't you," sagot ko naman, "it's too late to save me now, Fin. I'm in the losing side now. But I'm not losing alone, remember that."
Magsasalita pa sana si Fin nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Chloe, "Tito Tobi! Anong balita? Ayos lang po ba kayo?"
Ngumiti ako sa kanya, "I'm fine, Chloe. Your tito's fine!"
Sumulyap ako kay Fin na masama ang naging tingin sa akin mula sa upuan niya. Siya naman ay napansin ng kanyang anak, "Dad? May problema po ba?"
"No. Your dad's fine, pagod lang siya." I immediately answered, raising an eyebrow to my friend. Kaya't ito'y wala ring ibang nagawa kundi ngumiti sa kanyang anak.
"Yeah. He's right," He said, glancing back at me with those meaningful eyes, "i'm just probably tired from all of these stupid things."
Two days later. Nasa loob pa rin ako ng hospital nang kumalat din sa buong social media platforms ang video footage kung saan makikita roon ang naging madugong labanan naming dalawa ni Nolan.
Kasunod na araw ay ang panibagong balitang nangyari sa mansiyon ng kaibigan ko kung saan ang bangkay ng mga heroes na nakakalat.
May video footage rin pala roon na nakuha ang mga awtoridad at ginamit ulit laban sa akin at sa bandang huli, sa akin napunta lahat ng duda ng lahat bilang pinakadelikadong kriminal sa syudad.
Pareho kaming nanonood ni Chloe ng tv kung saan iyon ibinabalita kaya't pansin ko ang pananahimik niya bago ako lingunin na may pag-aalala. "Hindi po totoo 'yon, hindi po ba, Tito Tobi?"
I smiled to her as I turned off the tv. "Of course it's not true. I did all of that to protect you from all dangerous things naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin, hindi ba?"
"Dangerous things like what?"
"Uh," napaisip tuloy ako bigla, "like those people who visited us in your home. They were there to take you away from your dad and me so I beat them to protect you."
Bumukas bigla ang pintuan. Sa lakas no'n, halos masira ito nang nagmamadaling pumasok din ang kaibigan kong si Fin, "You saw the news?!" Bungad nito sa 'kin.
"Yeah."
"Bakit parang ang kalmado mo naman yata?"
"Do I need to be nervous?"
Napabuga siya ng hangin at sumilip sa may bintana, "They're faster than expected. Nandito ang mga pulis para hulihin ka. Look here, Tobias." Naglakad ang kaibigan ko at huminto habang nakaharap sa mismong higaan kung nasaan ako, "you need to tell them the whole truth. Be honest with them, kapag nakipag-cooperate ka, I'm sure makakalaya ka nang wala sa oras, you have my lawyer with you so don't worry."
"Gusto mong sumuko ako sa kanila?" Nagsubok akong tumayo. He tried to stop me pero hindi siya nagtagumpay. "you know how dangerous Shin Chul's connection could get, Fin, kung ang Heroes Agency nagawa niyang angkinin, paano na lang kaya ang pwersa ng pulisya?"
I can't trust anyone right now. Alam 'yon ni Fin pero kahit na gano'n, hinawakan niya lang ako sa balikat at mariing tinitigan, "We can't avoid this anymore, Tobias."
Nangunot ang noo ko. "What?"
"Isusuko ko na si Chloe kay Shin. Kapag ginawa ko 'to, hindi na maibubunyag ang sikreto ko."
"Fin," umiling agad ako, "I can still fight him!"
"No. You're dying, Tobias."
"Fin!" Nanggigigil na ako. "you have to trust me on this!"
"You had done enough. I'm sorry, this is the only way to save all of us."
"Nagkakamali ka."
"Dad? Ano po bang pinag-uusapan niyo?" Gustong makinig ni Chloe pero biglang bumukas ang pintuan ng silid at hindi rin nagtagal, hindi mabilang na sundalo ang nakapalibot na sa akin habang nakatutok ang kanilang mahahabang baril.
"Tobias Valentine! Itaas mo ang mga kamay mo at sumuko ka nang maayos sa kamay ng awtoridad!" Sigaw ng isang sundalong namumuno sa pagsalakay na ito. "sa ngalan ng batas, hinuhuli ka namin sa salang pagpatay ng napakaraming bayani ng syudad. Bukod do'n, nanloob ka rin ng isang bahay at sumira ng napakaraming ari-arian. Lahat ng sasabihin mo'y pwedeng gamitin laban sa iyo sa loob ng korte."
Dalawang araw ang lumipas, walang hinto ang interogasyong ginawa nila sa 'kin. Ilang beses papalit-palit ng imbestigador ang pulisya para lang paaminin ako sa kasalanang ginawa ko pero sa sobrang galit ko'y hindi ako umimik para umamin sa kasalanang nakaatang sa 'kin.
Magmula rin no'ng hinuli ako, iyon na rin ang pinakahuling beses na nasilayan ko si Fin at Chloe. Wala na akong balita tungkol sa kanila pagkatapos.
Isang hampas sa mesa ang ginawa ng imbestigador pero hindi nito ako natakot o nagulat. Tulala lang ako sa aking kinauupuan habang naka-posas ang mga kamay sa mismong mesang iyon.
Matalim ang titig ng kalbong ito sa akin pero hindi ko na ito problema.
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Tobias Valentine," saad nito sa mapanggigil na boses, "aminin mo na ang kasalanan mo para matapos na ang hirap mong ito."
"Gusto kong makita si Chloe."
Muling hampas ng kanyang palad ang nagpaingay sa mesa, "Uulitin ko mula sa ika-sampung beses, makikita mo ang Chloe na ito sa sandaling umamin ka sa krimeng ginawa mo."
Tinitigan ko siya sa mata, "Hindi na magtatagal ang buhay ko. Ang batang 'yon ay kailangan ng proteksiyon mula kay Shin Chul—"
"Hindi tungkol sa ibang tao ang usapang ito, ito'y tungkol lamang sa 'yo!" Turo nito sa akin. "kaya't kung ayaw mong maubos ang pasensya ko aminin mo na ang kasalanan mo at para matapos na 'to!"
Pumikit ako. "Pwes kung paubos pa lang ang pasensya mo, maswerte ka."
"At bakit mo naman nasabi 'yan?"
Muli kong ibinuka ang aking mata kasabay nang malalim na pagbuntonghininga. "Dahil sa 'kin, ubos na."
Sa isang iglap, naputol ang posas sa mga kamay ko't kusang bumulusok ang mesa pagilid na dumurog sa pader na agad ikinataranta ng imbestigador.
BINABASA MO ANG
Ghost System [COMPLETED]
FantasyAfter Tobias lose his power. The world doesn't need him anymore and got fired from his job as one of the protectors of the world. But that same day, he encountered a burglar in his apartment room and was shot through his heart. Tobias thought he die...