Chapter 8: Shin Chul

40 4 0
                                    

He chuckled which I only squinted my eyes in surprised. Then tinitigan niya ako nang nandidilat nitong mata. "You know. I was always wondering if we could even have a fight like this someday, but I also thought, that's impossible because that time you're just too weak for me!"

He tried a side jab to my right cheek but his flame-covered fist didn't even hit me when a magnetic field blocked it. Halos madurog pa nga ang mga daliri niya sa lakas no'n.

Tinuhod ko ang sikmura niya't sa sobrang lakas nito'y halos lumuwa ang mata niya nang siya'y mapasinghap. He bended forward but I headbutted his face, burying his head on the wall by the impact.

Halos mawalan na siya ng kamalayan sa tindi ng pinsalang kanyang natamo. Pero nagsimula ring magliyab ang buong katawan niya't sinipa ako sa sikmura.

Tumalsik ako sa lakas no'n. Bumangga sa haligi ng lugar at halos ito'y maputol sa lakas ng aking pagkakatama.

Hindi ko napapanatiling aktibo ang magnetic field sa katawan ko kaya't hindi sa lahat ng oras napo-protektahan ko ang sarili sa mga atake.

Muli siyang nagpakawala ng malakas na bugso ng apoy kaya't agad akong tumakbo pagilid. Sinusundan niya ako habang hindi humihinto ang apoy hanggang sa makalapit ako sa kanyang harapan at dito'y nagsimula kaming magpalitan ng suntok at sipa.

Nagpatuloy ang aming banggaan ng kamao't sipa, sa kalagitnaan ng nag-aapoy na paligid hanggang sa masipa ko ito sa kanyang dibdib. Tumalsik siya't bumangga sa pader.

I quickly pulled the air, carrying him towards me in such speed, bago sinalubong ng malakas na suntok sa kanyang noo. His body rotated midair bago siya tuluyang bumagsak sa mainit at nag-aapoy na sahig.

I tried grabbing him by his neck but he tripped my ankle dahilan din para bumagsak ako sa sahig katabi siya.

Nang akmang magsusuntukan na kami sa kalagitnaan ng pagbangon, tuluyang gumuho ang kisame kaya't pareho kaming napagulong papalayo sa isa't isa. The ceiling dropped in between me and Nolan at nang magkaroon kami ng clear view sa itaas, doon siya agad tumalon para makaakyat.

Is he escaping? Hindi pwede!

Agad ko siyang sinundan at nang makarating kami sa itaas, kung saan ang mismong entrance hall ng mansiyon, napadilat ang aking mata na napalingon sa likuran nang sabay ding may bumulusok na sibat na anyong apoy tungo sa akin.

Halos tumama na ito sa mga mata ko sa sobrang bilis, kung hindi ko lang din nagawang ihilig ang leeg sa pinakahuling pagkakataon. Naiwang may umuusok na daplis ng sibat sa pisngi ko, habang ang apoy na sibat ay dire-diretsong bumulusok hanggang sa pader ng bulwagan at doon sumabog.

Namataan ko si Nolan, lagpas labin-limang metro ang distansya ngayon sa akin. Nananatiling nagliliyab ang katawan habang hindi man lang natutupok ang kanyang suot. May hawak pa siyang isang apoy na sibat sa kamay habang pinupunasan ng daliri ang duguang labi.

"Itigil na natin 'to, Nolan. Mag-usap na lang tayo!" I still tried to persuade him to stop.

"Nababaliw ka na ba?" Natatawa niyang sagot sa 'kin, na para bang may nakakatawa akong nasabi, "alam kong malakas ang impluwensya mo sa konseho ng Heroes Agency. Sa ayaw't sa gusto mo, mamamatay ka rito, Mr. Valentine."

"Hindi ko ipagsasabi ang narinig ko. Hindi rin naman nila paniniwalaan ang sasabihin ko dahil wala akong pruweba. Tulad mo, nandito rin ako para sa hard-drive na 'yon. Pareho lang tayong ayaw lumabas ang balitang nandito tayo rito pareho."

Napahawak siya sa kanyang batok. Sighing in frustration before pointing at me with his fire spear, "Hindi. Hindi pa rin kita kayang paniwalaan."

"Ano bang gusto mong gawin ko para lang mapaniwala kita?!" Hindi ko talaga siya kayang kumbinsihing tumigil. Hindi ko inakalang ganito katigas ang ulo ng batang 'to.

"Gusto kong mamatay ka."

"Iyon ang hindi ko pwedeng gawin. May utang pa akong kailangang bayaran sa isang tao."

He returned to his fighting stance, "Kung gano'n, naiintindihan mo na kung gaano ka walang kwenta kung mag-uusap pa tayo."

Like lightning, he throws the fire spear at me with so much precision and speed, pero walang takot ko ring pinagbangga ang mga palad ko sa harapan at nang lumikha ito ng malakas na shockwave, nagawa nitong patayin ang sibat na apoy bago pa ako tamaan.

"Ginawa ko na ang lahat, Nolan. Pero hindi mo talaga ako kayang intindihin."

Siya naman din ay lumitaw sa likod ko't may hawak na panibagong apoy na espada, "Hindi kita kailangang intindihin. Papatayin kita at hindi mo na 'yon mababago pa!" Sabay wasiwas nito ng nagliliyab na sandata sa leeg ko, pero nagawa ko ring maiyuko ang aking ulo bago sinubukang sipain siya sa dibdib sabay ng aking pag-ikot.

Ngunit naglaho rin siya't lumitaw naman ulit sa likod ko. Muling winasiwas ang nakapapasong espada, pero sa pagkakataong ito'y mas mabilis kong naipihit ang katawan at gamit ang isang kamay na nababalot ng magnetic field, hinuli ko ang patalim na iyon, sabay sipa pagilid sa likod ng tuhod niya't nawalan agad siya ng balanse.

Napaluhod ang isang paa nito, bago ko rin diretsong sinipa ang sentido niya na sinamahan ng matinding enerhiya. Nabitak ang sahig nang siya'y kidlat ding tumalsik papalayo't bumangga sa pader at doon nagkaroon naman ng bitak.

Sa kabila no'n, nagsubok pa ring tumayo si Nolan. Halos wala ng buhay ang halos lahat ng parte ng kanyang katawan sa sobrang tagilid na ngayon ng kanyang pagtayo. Napasuka siya ng dugo at napaluhod.

Ngunit hindi iyon nagtagal dahil muli na naman siyang tumayo. Halos mawala na ang apoy sa kanyang katawan at gano'n din ang buhay sa kanyang mga mata.

Sa kabila nito'y ngumiti pa rin siya't nagsubok humakbang papalapit. Subalit may isang lalaki agad akong namataan sa aking likuran. Gulat ko itong nalingon at napagulong pagilid nang may hawak pala itong pistol gun sa kanang kamay.

Kalahating segundo lang din matapos ang aking pag-ilag, walang tigil niya itong pinaputok. Kung saan ang lahat ng bala ay dumiretso kay Nolan.

The first bullet hits him in the eye before the head and body. Tila sumayaw siya sa kinatatayuan nang sunod-sunod ang pagtama ng bala sa katawan niya.

Tsaka lamang nahinto ang pagpapaputok nito nang maubos ang isang magazine sa baril.

As Nolan's body drops on the ground, soaking wet in his own blood. Nalipat ko naman kaagad ang tingin ko sa lalaking may hawak sa baril na pumatay dito.

It's none other than Shin Chul.

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon