Chapter 20: Gunshot

40 3 0
                                    

"You can't kill me while protecting her, old man. You know that well than I am."

"Tumahimik ka! Kung hindi ka sana bumaba rito, hindi na ako magkakaroo ng pagkakataong tapusin ka. Hindi ko inakalang baliw ka rin pala."

He just laughed as he was like hearing a joke from me, "You really thought I gave you a chance to kill me dahil lang sa nailigtas mo ang babaeng 'yan. Baliw! Ikaw ang hindi nag-iisip nang matino rito, tanda!"

"Tama na ang daldal!" Sigaw ko't binalot ng magnetic field si Chloe, "subukan mo 'kong patayin ngayon kung kaya mo."

"Aba, tatanggapin ko nang may galak ang hamon mo!" Then he let his claws fly towards me in a speed of lightning na pinatalsik ko lang din itong lahat.

Then I quickly clasped both hands together as the ground from both of Shin's side crushed at each other where he's in between.

Ngunit lumitaw lang din siya sa likuran ko't sinubukang pugutan ako ng ulo. Yumuko agad ako't sinubukan siyang ihampas sa lupa gamit ang pwersang pinakawalan ko ngunit hindi siya naabutan ng atakeng 'yon.

Mas bumilis siya. Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng mga bagay pero hindi siya natatamaan ng mga ito.

Sadya siyang lumitaw sa likuran ko upang subukan akong atakihin ngunit kung ito'y naiilagan ko naman ay lumalayo rin siya kaagad bago pa man siya maabutan ng kapangyarihan ko.

Until one moment happened, kung saan lumitaw siya mismo sa likod ni Chloe at sinubukan itong kalmutin pero dahil sa magnetic field, durog lang ang kuko ni Shin sa bandang huli.

"Lumayo ka sa kanya!" I tried to catch him again with my power but he disappeared in a blink. Tsk!

"You can't stop me if you can't see me, can you, old man?" Umalingawngaw ang boses nito sa paligid at kahit saang banda ko man siya hanapin, I just can't follow his movements with just my naked eyes.

Masama ito. If he can control this speed without feeling tired, ako ang matatalo sa labang ito. Come on, Tobias! Think! For Chloe's sake, hindi ito ang oras para mawalan ka ng pag-asa. You promised to protect her with everything you've got! This is the moment you've been waiting for. Now do it! Do it before she dies!

Then Shin appeared right infront of me, smirking with widened eyes. With my desperation, walang pagdadalawang-isip kong itinutok ang kamay sa kanya ngunit bago tuluyang gumana ang kapangyarihan ko para patigilin siya, "I got you!" He whispered in a sing-song manner and the next moment I noticed was how quick his movements were that I couldn't even feel the pain from it.

Everything was in a slow-motion as my eyes widened, gazing and wondering how did my arm got severed and is flying over and away from me.

"Tito Tobi!" Apart from that, I could hear from the corner of my ear how Chloe's muffled voice attracts my eyes to turn towards her. Where I could only saw the most concerning eyes I could have ever saw from her.

Pounding the magnetic field around her, shouting my name in fear repeatedly.

At nang bumalik ako sa kamalayan, kung saan normal ko nang naririnig ang malakas na sigaw ni Chloe sa akin, tsaka ko lang din naramdaman ang nakamamatay na sakit dahil sa pagkakaputol ng isang braso ko.

I screamed like a little child. Itinakip ang palad sa sugatang braso ngunit alam kong hindi iyon sapat kaya't sinubok kong balutin ito ng magnetic field.

Another blood came out of my nose. Muli ko ring naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod at daliri.

At nanlaki na lamang ang aking mata nang lingunin ko rin ang dalaga, "Chloe!" Halos hindi ko na nagawang huminga pa nang makita kong kasalukuyan nang winasiwas ni Shin ang mga kuko niya mula sa likuran ni Chloe tungo sa leeg ng dalaga nang maglaho rin ang magnetic field sa paligid niya.

Ghost System [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon