Rucian's face was unrecognizable after what happened. Hindi na rin ito gumagalaw pa nang umagos at kumalat sa kinahihigaan nitong wasak na sementong hagdanan ang dugong pagmamay-ari rin niya.
"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Hindi rin nag-aksaya ng oras si Peroan nang lumitaw din siya sa likuran ko't sinubukan akong atakihin ng kamao niya.
Ngunit sa isang hawi ng kamay ko'y tumalsik siya pagilid at bumangga sa pader hanggang sa ito'y masama rin sa pagkakatalsik niya palabas.
Sinubok naman akong kontrolin ulit ni Alcrois subalit sa simpleng pagtitig ko lang sa kanya'y agad siyang nagulat nang magsimulang mabali ang mga daliri niya hanggang sa ito'y umabot sa kanyang braso at leeg.
Hindi na siya nakasigaw sa kadahilang magkahalo ang gulat, takot at pagkataranta, hanggang sa simpleng ungol na lamang ang kanyang nagawa nang kusang umikot ang leeg niya sa mabilis na pwersang sinundan ng tunog ng nabaling buto at kaagad niya iyong ikinamatay.
Umagos na naman ang dugo mula sa ilong ko kaya't kaagad akong napatingala upang ito'y kontrolin. Kaasar. Hindi na ako nasasanay sa kapangyarihang ito. Mabilis na ang pintig ng ugat sa ulo ko. Hindi rin humuhupa ang init sa katawan ko.
"Tito?!" Napalingon naman ako sa aking likuran nang lumabas si Chloe sa bahay at tinakbo ako't niyakap. Tila hindi man lang nito alintana ang bangkay na dinaanan lamang niya.
Nasa likuran niya lang ang papa niya at halata ang takot sa paglalakad nito habang nakatingin sa paligid. "Tapos na ba?" Palinga-linga nitong tanong.
Napahinto pa nga ito at napatakip sa bibig nang mapansin ang bangkay sa may hagdanan.
Bumagsak ako sa lupa at sumuka agad ng dugo. "Tobias!" Inalalayan ako ng kaibigan ko't bumagsak ang aking mukha sa kanyang balikat. "Tobias! Stay with me! Tobias!"
Si Chloe naman ay nabigla rin at pilit din akong tinutulungan sa abot ng makakaya niya, "Tito Tobi?! Ayos lang po ba kayo?! Dad, dalhin natin siya sa doktor!"
Iyon na ang huling beses na narinig ko silang nag-uusap bago ako tuluyang mawalan ng malay.
__
Everything was dark. Tanging naririnig ko lang ang paulit-ulit na tunog ng isang beeping machine sa tabi kung saan ako nakahiga.
Hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko. Halos buong kalamnan ko'y puno ng pasa at bugbog. Mabigat din ang talukap ng aking mga mata at nahihirapan din ako sa aking paghinga.
Not until my heartbeat suddenly almost explodes sa lakas ng kabog nito kaya't naging dahilan iyon upang ako'y mapasinghap sabay nang sapilitang pagdilat ng aking mga mata.
I can hear the machine beeps rapidly beside me. Ramdam ko na naman ang pagbabalik ng init sa aking katawan at pawis. Sa sobrang bilis nito halos hindi ko na nasasabayan hanggang sa mahirapan ako sa paghinga.
Mabuti na lamang at dumating ang doktor at nurse para tingnan ang kalagayan ko. Maiingay sila ngunit hindi ko na alintana ang mga sinasabi nila.
Nabibingi na rin ako ngayon dahil sumasabay din ang matinis na tunog sa tainga ko. Mariin akong napapikit sa sobrang sakit ng ulo ko. What's happening to me? Ganito ba ang magiging kamatayan ko?
"He's back to normal." Then one of the nurse said to the others who let out a sigh of relief kasama na ang mismong doktor.
He smiled to me, "You're gonna be okay, sir. You need a long time to recover. You should rest now." Paalala nito sa marahang boses bago ako tuluyang muling nalunod sa kadiliman at katahimikan.
Hindi ko na malaman kung ilang oras o araw na ba ang lumipas nang muli akong magising sa kaparehong higaan. My heartbeat's normal. Yet I can still feel little pain from my chest.
Lumingon ako sa tabi ng higaan at dito napansin ko si Chloe. Nakasandal lamang ang ulo nito sa gilid ng binti ko habang mahimbing ang tulog niya.
Ma-ulan sa labas, gabi na rin at gaya ng sinabi ko hindi ko na alam kung anong araw na ba ito.
Napangiti akong naibalik kay Chloe ang aking atensyon. Hinawi ng aking nanghihinang kamay ang kanyang buhok. Mabuti at ligtas siya.
Bigla naman niyang naibuka ang kanyang mga mata at nabigla nang mapagtantong gising na rin pala ako. Napatuwid siya ng upo at malawak ang kanyang ngiti na pinagmasdan ako. "Tito Tobi! Gising na po kayo!"
Gusto niya akong yakapin sa sobrang tuwa pero natatawa akong tumanggi dahil medyo masakit pa rin ang aking katawan, lalong-lalo na sa aking bandang dibdib.
"T-teka po. Tatawagin ko lang ang doktor at si dad!" Dali-dali itong tumayo at kumaripas ng takbo palabas, "hintayin niyo po ako rito sandali!"
"I'm not going anywhere, relax ka lang." Mahinahong sabi ko sa kanya nang siya'y tuluyang makalabas ng silid.
Minutes later. Dumating siya kasama ang isang doktor at si Fin.
Ngumiti ako sa kaibigan ko ngunit tila hindi siya natuwa nang makita ako. Nakaramdam na lamang ako lalo ng pagtataka nang bulungan niya ang anak niya, "Wait for me outside, okay? May pag-uusapan lang kaming importante ng tito mo." Sabay malumanay ditong ngumiti.
Chloe looked at me for the second time at kumaway, "Kita po tayo mamaya!"
Tumango ako, "Thank you, Chloe."
As soon as the door closes, nang kami na lamang tatlo rito ang natitira tumikhim naman ang doktor kaya't napalipat-lipat ko sa kanilang dalawa ang aking tingin. "What's wrong with me, doc?"
Fin let out a deep sigh habang nakapamaywang. Ni hindi ako kayang tingnan sa mata habang mariing nakadikit ang mga labi sa isa't isa.
"I'm sorry to say this, Mr. Valentine but," the doctor said na parang maiging binabantayan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, "I must warn you about your current condition right now. To put it frankly, may taning na ang buhay mo. Kahit hindi ko na sabihin, alam kong malinaw na sa 'yo na ang butas na puso mo ang siyang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng sobrang pananakit sa dibdib."
Hinayaan ko na siyang magpatuloy sa pagsasalita dahil alam ko namang balang araw, darating din talaga ang pagkakataong mangyayari rin ang bagay na ito. Hindi ko lang inakalang ganito lang siya kabilis na darating.
"Due to so much fatigue, nagiging abnormal ang galaw ng puso sa loob mo which is causing inconsistencies in the blood flows all through out your body. Isa pa, durog din ang halos lahat ng ribcage mo na mas lalo pang nagpalala sa paghinga mo. And so many more cases of injuries sa iba't ibang parte ng katawan mo. More or less, nasa dalawa o tatlong linggo na lang ang itatagal ng buhay mo. Fixing the bones would be too impossible, especially with your dying heart, I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Ghost System [COMPLETED]
FantasiaAfter Tobias lose his power. The world doesn't need him anymore and got fired from his job as one of the protectors of the world. But that same day, he encountered a burglar in his apartment room and was shot through his heart. Tobias thought he die...