CHAPTER 4
MAAGANG nagtungo sa ospital si Carlos para kunin ang resulta ng kanyang lab test. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa clinic ni Yehlen.
Nagulat pa siya nang pagpasok niya sa loob ng clinic ay si Yehlen mismo ang nabungaran niya.
"Good morning!" bati niya sa doktora. Pinilit niyang kalimutan muna ang nangyari kagabi lang. Kaswal siyang nakipag-usap dito. "Nakuha ko na ang result ng lab tests."
"Good morning!" ganting bati ni Yehlen. "Wala ang secretary ko, may emergency daw sa kanila. Try daw niya if makakapasok pa rin siya today. Please sit down."
Umupo si Carlos at iniabot kay Yehlen ang envelope na naglalaman ng resulta ng lab tests.
Binuksan ni Yehlen ang envelope at binasa ang resulta ng lab test.
Nakita ni Carlos na napangiti ito.
"Wala naman palang problema. Wala kang underlying conditions na puwedeng maging cause ng premature ejaculation. That's a good sign. At least, alam na natin na ang nangyayari sa'yo could be something na Madali nating masosolusyunan," sabi ni Yehlen.
Nakahinga nang maluwag si Carlos. Umaasa siya na sa lalong madaling panahon ay babalik din sa dati ang dating performance ng kanyang pagkalalaki.
"Maraming salamat..." tipid na sabi ni Carlos.
"Ginawa mo na ba ang mga ipinayo ko sa'yo?" tanong ni Yehlen. "Iyon ang makakatulong para matapos na ang problema mo. Sabi ko nga, kailangan lang magtiyaga, pero makikita mo at darating ang araw na kaya mo na ulit tumagal sa pakikipag-sex."
"Actually, sinubukan ko na... pero pumalpak ako. Hindi ko pa rin napigilan ang pagsabog. Ewan ko ba, ramdam ko malayo pa naman pero noong huminto ako para mawala ang sensation, biglang sumabog din. Sinubukan ko pa ngang pisilin ang frenulum gaya ng sabi mo, pero wala, eh. Hindi ko pa rin napigilan," pagtatapat niya.
"Well, expected naman na ganoon pa rin ang magyayari. First time mo pa lang naman ginawa. Kaya nga sabi ko, mas mabuting subukan mo muna sa iyong sarili, at saka na sa may partner. Mas okay na maihanda mo muna ang sarili mo at kung nakakaya mo nang patagalin ang pakikipagtalik, saka mo subukan sa partner mo. Para ma-enjoy n'yo pareho at wala ka na ring takot na baka pumutok agad."
"Nakakahiya ang nangyari sa akin. Para akong batang sumusubok pa lang maglaro sa sarili,"
"I can demonstrate to you the proper way to do it," biglang sabi ni Yehlen na magpamulagat sa mata ni Carlos.
"Naku, 'wag na," mariin niyang tanggi. Ako na lang ang bahala..."
"Akala ko ba gusto mong gumaling? Gumaling kaagad."
"Pero..."
"What we will do is still part of your medical consultation with me. Huwag mong lagyan ng malisya para hindi ka maasiwa. Sabi ko nga sa'yo, sanay na akong makakita ng ari ng lalaki," pangunhumbinsi ni Yehlen sa kanya.
"Hindi naman iyon ang inaalala ko..."
Napakunot-noo si Yehlen. "Eh, ano pala?"
"Nahihiya akong maghubad at makita mo ang ari ko kasi..."
Naghihintay si Yehlen sa sasabihin ni Carlos.
"Kasi, hindi naman malaki ang ari ko. Nakakahiyang ipakita sa iba. Hindi proportion sa height at built ko."
"Hindi naman ibig sabihin na matangkad ang lalaki, eh, dapat malaki rin ang ari. May iba't ibang factor kung bakit ganito at ganyan ang sukat ng ari ng isang lalaki. But we will not dwell into that kasi you know what? Hindi naman ganoon kaimportante ang size ng penis. Personally, it doesn't pose a problem to me. At saka, hindi mo naitatanong, I prefer small dicks over those huge cocks. I find small tools cute and cuddly. Kaya wala kang dapat itago o ikahiya sa akin. Love na love ko ang lalaking may very cute na putotoy." Isang pilyang ngiti ang pinakawalan ni Yehlen. "I know very well how to handle your case," dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
DANCES WITH FIRE
RomanceDoes size really matter? Maraming nagsasabing hindi. Nasa performance daw 'yan. Pero paano kung ang isang lalaki ay hindi na nga nabiyayaan ng inaasam niyang sukat, eh, kulang na kulang din sa performance dahil napakabilis niyang labasan? Pero dapat...