CHAPTER 17

65 5 0
                                    

CHAPTER 17

NANATILI pa ring magkayakap ang dalawa kaya hindi nila napansin nang may biglang pumasok sa clinic.

"Mabuti naman at naabutan kita," sabi ng babaeng pumasok sa clinic.

Nilingon ni Yehlen ang babae at laking gulat niya nang makilala niya ito.

"Lerma? Anong ginagawa mo rito?" Kumawala siya sa pagkakayakap kay Antonio.

"Wow! Alam mo talaga ang pangalan ko," sarkastikong na sabi niya.

"Who is she, Yehlen?" tanong ni Antonio.

"Nothing. Just an old acquaintance," sagot niya. Bumaling siyang muli kay Lerma. "Nagpunta ka ba rito para mag-eskandalo?"

"Bakit? Natatakot ka ba?" tanong ni Lerma. "And for your information, I am not an old acquaintance. Ang kapal ng mukha mong doktor ka!"

"Huwag kang mag-eeskandalo rito, I'm warning you," banta pa ni Yehlen.

"Tinatakot mo ba ako? Ano ba ang kaya mong gawin?" matapang na sagot ni Lerma.

"Wait, ladies. Let's not resort to some violence here. Pag-usapan ninyo kung ano man ang mga problemang dapat pag-usapan. I can mediate to make sure na walang magkakasakitan," sabi ni Antonio.

Matapang na hinarap ni Lerma ang dalawang kausap.

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-away o manggulo. Hindi ko ugali iyon," paunang sabi ni Lerma. "Nagpunta lang ako rito para ipaalam sa'yo na alam ko na ang tungkol sa inyo ni Carlos, at ibinibigay ko na siya sa'yo. Wala akong balak na makipag-agawan kahit na ba limang taon na kaming magkasama. Alam mo, napakaganda mong babae. Doktor ka pa. Ang taas ng pinag-aralan mo pero para kang mauubusan ng lalaki. May sabit pa talaga ang pinatos mo. Well, magsama kayong dalawa. You both deserve each other," mataray niyang sabi.

Parang pinagpawisan nang malapot si Yehlen. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ni Lerma. Mas inaalala niya na dinig na dinig lahat ni Antonio ang mga sinabi nito patungkol sa kanya. At wala siyang naisagot. Baka kung ano ang isipin ni Antonio tungkol sa kanya bilang babae.

"Hindi pa ako tapos," muling buwelta ni Lerma. "Ikaw, sir..." Tiningnan niya si Antonio. "Hindi ko alam kung sino ka. Kamag-anak ka ba ni Yehlen, kaibigan, o manliligaw. Gusto ko lang sabihin sa'yo na si Dra. Yehlen Lorenzo ay may relasyon sa lalaking ka-live in ko ng limang taon. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamalalang nagawa niya? Nagbayad siya ng isang lalaki para akitin ako at buntisin, para magkasira kami ng ka-live in ko."

Hindi makapaniwala si Antonio sa mga sinabi ni Lerma.

"Ngayon, hiwalay na kami ni Carlos. Thanks to that itchy doctor named Yehlen." Mabilis niyang nilapitan si Yehlen at saka sinampal nang malakas.

Halos nabingi ang doktora sa lakas ng sampal. Hindi niya inaasahan na ganoon kabigat ang kamay ni Lerma. Hindi na rin agad nakapag-react si Antonio dahil sa bilis ng pangyayari.

"Amanos na tayo." Tinalikuran niya ang doktora at walang lingon-lingon na umalis siya sa lugar na iyon.

Nang makaalis si Lerma ay saka naluha si Yehlen.

"I'm sorry, Antonio. Hindi ko sinasadyang madamay ka rito. Baka magbago na ang tingin mo sa akin dahil sa mga sinabi ng babaeng iyon," nangangambang sabi ni Yehlen.

"Huwag na muna nating pag-usapan iyon. Sa ibang araw na lang. Kailangan mo nang umuwi at magpahinga," ang sabi ni Antonio. Napansin niyang namumula ang pisngi Yehlen dahil sa sampal ni Lerma. "Does your cheek hurt?"

Umiling-iling si Yehlen. "I'm fine. Mawawala rin ito mamaya. Sorry talaga. Hindi ko alam na pupunta siya rito ngayon."

"Hindi ko siya kilala. I don't know her story... and yours. Pero I'll give you time. Kapag ready ka nang magkuwento, just let me know." Dumukot siya ng panyo sa bulsa ng kanyang pantalon at pinahid ang luhang nasa mata ni Yehlen.

"Salamat, Antonio..."

Binigyan siya ni Antonio ng isang tipid pero matamis na ngiti.

Nagpunta si Carlos nang gabing iyon sa bahay ni Yehlen. Mula nang magkahiwalay sila ni Lerma ay napapadalas na ang pagbisita niya rito. May mga pagkakataon pa ngang doon na siya natutulog, sa kahilingan na rin ng doktora. Ngayon ay biglaan siyang napasugod sa bahay ng kanyang bagong nobya dahil nag-chat ito sa kanya para sabihing nagpunta si Lerma sa clinic at sinampal siya.

"Kumusta ka? Ano pa ang ginawa sa'yo ni Lerma?" Bakas sa mukha ni Carlos ang labis na pag-aalala. Mula nang magkahiwalay sila ni Lerma ay kay Yehlen na talaga nabaling ang lahat ng kanyang atensyon at pagmamahal. Ang malamang sinugod si Yehlen ng dati niyang karelasyon at pinagbuhatan pa ito ng kamay ay labis na nagpainit ng kanyang ulo. Para sa kanya, walang karapatan si Lerma na saktan ang babaeng mahal niya.

"Ayun, nagtatatalak doon. Mabuti na lang at pauwi na ako noong dumating siya. Wala nang ibang tao sa clinic. Nakaalis na rin noon ang sekretarya ko," kuwento pa niya, pero hindi niya isinali sa kuwento ang pagdating ni Antonio.

"Dapat tumawag ka ng guard. Mahirap na..."

"Hindi na. Buntis 'yon, 'di ba? Hindi iyon makakakilos nang basta-basta. Baka ako pa nga ang makapanakit sa kanya kung gugustuhin ko lang," ang sabi pa ni Yehlen.

"Basta, mag-iingat ka pa rin. Kapag nagpunta pa siya ulit, ipabitbit mo sa guwardiya," payo ni Carlos na para bang tuluyan nang nawalan ng pagmamahal sa babaeng limang taon din niyang nakasama sa iisang bubong.

Lihim na napangiti si Yehlen. Sa sinabing iyon ni Carlos, alam niyang kuhang-kuha na niya talaga ito. Pero may isa pa siyang malaking problema. Si Antonio.

Hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung paano ang gagawin niyang desisyon sa muling pagbabalik ni Antonio sa kanyang buhay.

"O, bakit ka nakangiti diyan?" tanong ni Carlos na ikinagulat ni Yehlen. Hindi niya akalaing mapapansin pala iyon ng lalaki.

"Wala, may naalala lang ako," palusot niya. "Ang mabuti pa ay umuwi ka na. Gusto ko nang matulog."

"Hindi ba puwedeng dito na lang muna ako magpalipas ng gabi?"

"Huwag na muna. Sa ibang araw na lang. May pasok tayo pareho bukas kaya mas mabuting doon ka matulog sa bahay mo."

Walang nagawa si Carlos kundi sundin ang gusto ni Yehlen. "Sige, you're the boss. Uuwi na ako." Lumapit siya rito at hinalikan ito sa labi bago siya tuluyang umalis.

DANCES WITH FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon