CHAPTER 7
INAAPOY ng lagnat si Lerma nang umuwi galing sa trabaho. Wala pa naman siyang nararamdamang kakaiba sa sarili niya noong umaga, kaya pumasok pa rin siya. Bandang tanghali nang magsimula nang sumama ang pakiramdam niya at uminit na rin ang temperature niya. Nagpunta na lang siya sa clinic at humingi ng maiinom na gamot para hindi na tumuloy ang lagnat. Pero bago pa sila mag-uwian, mas sumama na ang pakiramdam niya.
Pagdating niya sa bahay ay wala pa si Carlos. Lagi namang ganoon. Lalo na nitong mga nagdaang araw. Napapadalas ang pag-uwi ni Carlos ng gabi na dati naman ay hindi. Hindi na niya inabala ang sarili na magluto ng hapunan. Naghanda lang siya ng cup noodles at saka naglinis ng katawan at humiga na siya. Pakiramdam niya ay ginaw na ginaw siya kaya in-off niya ang aircon at binalot ang katawan sa kumot.
Hindi na niya namalayan ang oras dahil nakatulog na siya. Hindi rin niya namalayan ang pagdating ni Carlos. Nang magising siya kinaumagahan bandang alas-siyete ay wala na ang lalaki. Nahagip ng mata niya ang laundry basket nila. Naroon ang damit na suot ni Carlos kahapon. At least, umuwi pa rin naman pala siya.
Kaso, hindi man lang yata siya kinumusta. Alam kaya ni Carlos na hanggang ngayon ay nilalagnat siya?
Baka hindi. Parang wala namang pakialam na sa kanya ang lalaking iyon.
Nagpasya siyang huwag nang pumasok sa trabaho sa araw na iyon. Hindi pa niya kayang magtrabaho. Mabigat pa rin ang katawan niya at hindi pa ganoon kayos ang pakiramdam niya. Dinama niya ang kanyang leeg gamit ang kanan niyang palad. Mainit pa rin talaga siya. Nagpasya siyang humilata na lang muna sa kama.
Bandang alas-otso ng umaga nang maisipan niyang bumangon upang kumain at uminom ng gamot. Pagtingin niya sa bintana ay nakuha ang kanyang atensyon ng isang lalaki na kanilang kapitbahay na lumalangoy sa pool. May nakatira na pala sa bakanteng bahay sa tabi nila. Kung hindi pa siya um-absent sa trabaho ay hindi pa niya malalaman na may bago na silang kapitbahay.
Saglit na pinagmasdan ni Lerma ang lalaking nasa pool sa kabilang bahay. Mula sa paglalangoy ay gumilid ito sa pool at saka umahon.
Napalunok si Lerma nang makita ang halos hubad na katawan ng lalaki na nakasuot lang ng puting skimpy swimming trunks.
Maganda ang pangangatawan ng lalaki, mukhang alaga sa gym. At hindi maikakailang guwapo ito.
Biglang napatago si Lerma sa bintana nang napatingin sa gawi niya ang lalaki. Nakakahiyang isipin nito na pinagpipiyestahan niya ang halos hubad nitong katawan.
Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Sino ba namang matinong babae na nilalagnat ang inuna pang manood ng lalaking lumalangoy sa pool kaysa uminom ng gamot?
Hindi niya alam kung nakita ba siya ng lalaki. Pero nang muli siyang sumilip para malaman kung naroon pa ito ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ang lalaking kanina lang ay nakasuot ng trunks ay hubo't hubad na ngayon at palakad-lakad sa palibot ng pool!
"Mahabaging langit!" bulong niya sa sarili. "Anong naisipan ng lalaking ito at walang kahiya-hiya kung magpakita ng hubad na katawan?"
Nahihiya man sa kanyang nakikita ay hindi naman magawang umalis ni Lerma dahil aminado siyang nakuha ng lalaki ang kanyang atensyon at kuryusidad. Nang mapaharap ito sa gawi niya ay nakita niya nang malinaw ang buong katawan nito. Ang isang nakatawag ng pansin niya ay ang bahagi sa pagitan ng dalawang hita nito. Malayo man ang kinaroroonan ng lalaki ay sigurado siyang mas malaki ang pag-aaari nito kaysa kay Carlos.
Napalunok si Lerma. Guwapo ang lalaking nasa kabilang bahay at secure ito sa katawan niya kaya walang pakialam kung magpalakad-lakad man ito nang nakahubad.
BINABASA MO ANG
DANCES WITH FIRE
RomanceDoes size really matter? Maraming nagsasabing hindi. Nasa performance daw 'yan. Pero paano kung ang isang lalaki ay hindi na nga nabiyayaan ng inaasam niyang sukat, eh, kulang na kulang din sa performance dahil napakabilis niyang labasan? Pero dapat...