CHAPTER 5
NAGULAT pa si Lerma nang maabutan na niya sa bahay si Carlos.
"Maaga ka yatang umuwi," bati niya rito.
"Sumakit kasi ang ulo ko, nag-undertime na lang ako."
"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng babae.
"Baka sa sobrang init lang ng araw," palusot pa ni Carlos. "Nagluto na ako ng hapunan," pag-iiba niya sa usapan. "Kumain ka na d'yan. Mamaya na lang ako kakain, busog pa ako."
"Sige, maliligo lang ako bago kumain," sabi ni Lerma at saka dumiretso na sa kanilang silid.
Habang naliligo si Lerma ay nakahiga naman sa kama si Carlos. Nakakaramdam na siya ng antok. Parang gusto na niyang matulog. Masyado siyang napagod ngayong araw. Naubos yata ang lakas niya gayong wala naman siyang masyadong ginawa maliban sa pagtitiyaga niyang gawin ang alam niyang puwedeng makagaling sa pinoproblema niyang premature ejaculation.
Hindi na nga niya nakayanan ang antok. Nakatulog na si Carlos at hindi na niya namalayan ang oras.
Bahagya lang siyang naalimpungatan nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya. Alam niyang si Lerma iyon. Sino pa ba?
Pinabayaan niyang nakayakap sa kanya ang babae. Pero ilang sandali pa ay naramdaman niyang gumagapang ang kamay nito sa kanyang dibdib.
Maya-maya pa ay narinig niya ang mahinang boses ni Lerma.
"Gising ka pa ba?"
Hindi siya sumagot. Gusto niyang isipin nito na mahimbing na ang kanyang tulog.
Akala niya ay hihinto na ang babae at matutulog na lang, pero biglang gumapang ulit ang kamay nito pababa papunta sa kanyang pagkalalaki.
Napaigtad si Carlos at mabilis na inalis ang kamay ni Lerma.
Kunwari'y naalimpungatan siya. Sinaway niya ito. "Ano ba? Matulog ka na. Pagod ako."
"Parang sandali lang naman, 'di pa ako mapagbigyan," pagmamakatol ng babae.
"Eh, pagod nga ako. Gusto ko nang magpahinga," sabi niya. "Matulog ka na rin."
"Saan ka napagod? Eh, 'di ba ang aga mo ngang umuwi?" Ayaw magpatalo ni Lerma.
"Basta, pagod ako. Ayoko ngayon," muling pagtanggi ni Carlos.
"Eh, gusto ko nga," deklara ni Lerma.
Mabilis pa ring kumontra si Carlos. "Anong ngang magagawa ko? Pagod nga ako. Sa ibang araw na lang."
"Ngayon ko nga gusto," pagpipilit pa rin niya. Baka sakaling pumayag na rin ang lalaki.
"Ang kulit naman. Bahala ka nga d'yan!" Tinalikuran niya ito at saka siya nagtalukbong ng kumot.
Kinabukasan ay mainit ang ulo ni Lerma sa opisina. Wala siya sa mood na magtrabaho. Ang gusto niyang mangyari kagabi na hindi naman nangyari ang sanhi ng pagkabugnutin niya ngayon. Napansin ito ng kasamahan niyang si Claire, ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga katrabaho niya.
"Bakit mukhang Biyernes Santo ka?" tanong ni Claire nang lumapit ito sa table niya.
"Wala, bad trip lang ako sa bahay," sagot ni Lerma.
"Bakit naman? Nag-away ba kayo ni Carlos?" pag-uusisa nito.
"Nag-undertime kasi sa trabaho kahapon. Tapos, tinulugan ako. Sinubukan kong gisingin, aba, tinalikuran ako. Pagod daw siya. Kainis!"
"Pagpasensyahan mo na. Baka naman kasi pagod talaga. Ang mga lalaki pa ba ang tatanggi sa sex? Give him the benefit of the doubt," payo ni Claire.
"Baka kamo may ibang babae na siya," bulalas ni Lerma.
BINABASA MO ANG
DANCES WITH FIRE
RomanceDoes size really matter? Maraming nagsasabing hindi. Nasa performance daw 'yan. Pero paano kung ang isang lalaki ay hindi na nga nabiyayaan ng inaasam niyang sukat, eh, kulang na kulang din sa performance dahil napakabilis niyang labasan? Pero dapat...