CHAPTER 19

58 4 0
                                    

CHAPTER 19

SI ANTONIO ay seryosong nakikinig sa bawat sinasabi ng dati niyang nobya.

"Hindi ako nakipagnobyo. Pinipilit ko ang aking sarili na huwag makipagnobyo dahil hinihintay ko ang pagbabalik mo. Hanggang isang araw, nagkaroon ako ng pasyente na noong unang makita ko ay mukha mo ang rumehistro sa isip ko. May pagkakahawig kayo ni Carlos."

Nagpatuloy si Yehlen. "Kailan lang nangyari iyon, ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Noong una ay gusto ko lang naman siyang tulungan sa medical problem niya. Pero nang mas makilala ko siya ay nahulog ang loob ko sa kanya, lalo na at ikaw ang lagi kong nakikita tuwing titingnan ko ang mukha niya. I fell in love with him because I see you in him. But he was already committed. May live in partner siya for five years, si Lerma, 'yong babaeng sumugod sa clinic ko."

"What happened next?" tanong ni Antonio.

"Nagkaroon kami ng relasyon ni Carlos. Itinago niya iyon kay Lerma. I would always ask Carlos kung kailan niya hihiwalayan si Lerma para hindi ako laging third party sa relasyon nila but Carlos would always say na tumitiyempo pa siya. He's not ready yet para iwan si Lerma. That's why naisipan kong gumawa ng paraan para magkahiwalay sila. I contacted Greg, who does side hustle as a gigolo. Binayaran ko siya para akitin si Lerma hanggang sa may mangyari sa kanila. I was thinking na kung malaman ni Carlos that Lerma was cheating on her, eh, tuluyan na niya itong hihiwalayan. At nangyari ang mga dapat mangyari as planned. Pero nabuntis ni Greg si Lerma and now a baby will suffer because of what I've done." Nangilid ang luha sa mga mata ni Yehlen. Iyon ang pinagsisisihan niya nang sobra sa mga nagawa niya. Ang may madamay na iba pa, in this case, ang baby na nasa sinapupunan ni Lerma.

Bakit ba kasi hindi nag-condom si Greg? Such a careless jerk!

Si Antonio ay nakaittig lang kay Yehlen. Hindi siya nagsasalita. Maaaring nagulat siya sa mga kompirmasyong sinabi ng dati niyang nobya. Hindi naman siguro siya na-flatter na nagawa lahat ng iyon ni Yehlen para lang makuha amng lalaking kahawig niya. Pero nandito na siya. Hindi na kailangan ni Yehlen ng kahawig lang niya. Heto siya, the one and only original guy for her.

Bakit ba magtitiyaga si Yehlen sa carbon copy when she can have the original version?

Handa pa rin naman siyang tanggapin si Yehlen sa kabila ng mga nagawa nito sa ngalan ng pag-ibig.

"Yehlen..." Sa wakas ay may lumabas ding tinig sa bibig ni Antonio.

Hinarap ni Yehlen ang lalaki. Naghihintay siya sa susunod pang sasabihin nito. Ano man iyon, handa siyang tanggapin ang magiging desisyon nito.

"What you did at the time when we're not together will not affect my love for you. No matter what happened, I still love you... very much!"

Nagliwanag ang mukha ni Yehlen. May lalaki pa palang katulad ni Antonio na matatanggap ang mga kagagahang nagawa ng isang babae.

Pero, paano siya magdedesisyon? Paano niya sasagutin ang sinabi ni Antonio ganoong hindi pa niya natatapos ang anumang namamagitan sa kanila ni Carlos?

"Maraming salamat, Antonio."

"Do you still love me, too?" tanong nito.

Marahan siyang tumango.

"Mahal pa rin kita, Antonio. Pero hayaan mo muna akong ayusin ang mga bagay na dapat maging maayos bago tayo makapagsimulang muli. Maraming gusot ang kailangan kong plantsahin. Maraming buhay ang ginulo ko at susubukan kong buuin, kahit na alam kong parang imposible na. Basta... hindi ko tatakasan ang mga problemang ginawa ko," ang sabi ni Yehlen.

Bandang alas-nueve na nang dumating si Carlos sa bahay ni Yehlen. Agad niyang napansin na wala ang kotse nito. Naisip niyang baka nasa talyer. Madilim na ang buong bahay. Walang ilaw.

Nag-doorbell siya pero walang nagbukas ng pinto sa kanya. Nag-doorbell siya ulit. At isa pa. Pero mukha talagang walang tao. Baka tulog na. Pero maaga pa ang alas-otso. Alam niyang hindi natutulog si Yehlen sa ganoon kaagang oras.

Nagpasya siyang tawagan na lang si Yehlen.

Nang tumunog ang cellphone ni Yehlen ay saglit siyang nagpaalam kay Antonio para sagutin ang telepono. Hinintay pa niyang mag-ring pa ito nang ilang ulit bago niya sinagot ang tawag ni Carlos.

"O, Carlos, napatawag ka?"

"Nasaan ka? Busy ka ba?" tanong ni Carlos.

"Nandito lang ako sa bahay. Nagbabasa kasi ako kaya hindi ko agad nasagot ang tawag mo," pagdadahilan ni Yehlen.

Napailing si Carlos. Alam niyang nagsisinungaling si Yehlen. Paano ito magbabasa gayong wala man lang bukas na ilaw sa loob ng bahay nito? Sigurado siyang wala sa bahay ang babae. Wala rin nga ang kotse nito.

"Matutulog ka na ba pagkatapos mong magbasa? Pupunta sana ako d'yan kung okay lang sa'yo," sabi niya.

"Sa ibang araw ka na lang pumunta. Matutulog na ako, eh. Tinatapos ko lang itong binabasa ko."

"Sige, sabi mo, eh. I love you. Goodnight!"

"Goodnight, Carlos. Thanks!"

Napaisip lalo si Carlos. Hindi man lang sinagot ni Yehlen ang pagsasabi niya ng I love you. Nasaan kaya ang babaeng iyon? Bakita kailangan nitong magsinungaling at sabihing nasa bahay na ito ngayon?

Nagpasya si Carlos na umuwi na lang. Sumakay siya sa kotse niya at saka niya ito pinaharurot. Naiinis siya. Inis na inis siya sa katotohanang parang may itinatago sa kanya si Yehlen. At hindi siya papayag na hindi iyon malaman. Kailangang malaman niya kung saan ito nagpunta ngayon at kung bakit kinailangan pa nitong maglihim sa kanya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Carlos sa cellphone ay bumalik si Yehlen kay Antonio.

"Thank you for this wonderful night. Hindi ko ito makakalimutan, Antonio," sabi ni Yehlen.

"And thank you for spending this night with me, Yehlen. I really appreciate you and your honesty. Huwag kang mag-alala, alam kong maaayos mo rin ang lahat ng mga problema."

Lumapit si Antonio kay Yehlen at niyakap niya ito nang sobrang higpit. Tila ba nakahanap sila ng kakampi sa isa't isa at ang yakap nila ang magsisilbing kalasag na poprotekta sa kanila sa lahat ng oras mga nga problema.

DANCES WITH FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon