Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari
Ikaw ba ay sa akin pa ring pag mamay-ari?
Isipan ko ay araw araw ng hindi mapakali
Tila ako na lamang palagi ang nagkakamaliKasalanan ko ba na ganito ang nararamdaman?
Nais kong ipabatid sayo ang gumugulo sa isipan
Mali ba na ipahayag ko sayo ang aking saloobin?
Nararamdaman mo na lang ba ang dapat isipin?Pinipilit kong paniwalaan, lahat ay may dahilan
Kahit ang sarili ko ay araw araw ng nahihirapan
Tinatatak sa isipang intindihin ang sitwasyon
Sapagkat ito ay lilipas din pagdating ng panahonNgunit, sa katotohanan ay hindi ko na kinakaya
Malalim na iniisip kung dapat pa bang tumaya
Sa larangan ng pag-ibig na tila magulo na
"Ewan" ang kasalukuyan kong paboritong salita
