Mahirap aminin sa iyo aking kaibigan
Na sa iyo ako'y may nararamdaman
Hindi lamang ito basta basta
Sapagkat ito ay kaka-iba naPaghatid sundo mo sa aming bahay
Ginawa mo na ata buong buhay
Tingin mo sakin ay nakakasilaw
Ngiti mo naman ay nakakalusawPag tayo magkasama, lagi akong nasasayahan
Alam kong may higit na 'kong nararamdaman
Mga nakakakita satin lagi tayong tinutukso
Para daw ikaw ay totoong kasintahan koSa bawat matatamis sa akin na iyong sinasabi
Ako'y sadyang hindi na talaga mapakali
Sinasabayan na rin aking tiyan ng kiliti
At parang gusto ko na lamang magpataliNgunit muli kong naalala at natauhan
Na ako ay isa mo lamang kaibigan
Karelasyon ay wala ka naman
Kaya't sana maging ako yanIsang araw, lakas ng loob nagkaroon ako
At sayo aking kabigan inamin ang totoo
"Mahal na mahal na kita", nasabi ko sayo
Lungkot sa mata mo ay agad nakita koMasakit na mga salita sa iyo ay aking nakuha
"Mahal kita pero mas mahal ko siya, pasenya"
"Wag kang mag-alala ikaw ay aking kabigan"
Tila parang nalunod ako sa sakit na iyan
